Paano mo nga ba masasabing mahal ka niya?
Paano mo nga ba masasabing ikaw na at hindi na ang nakaraan niya?
Isinulat ko ang tulang ito para sa mga taong akala nila mahal sila,
Pero hindi naman talaga.
Hindi mo ako mahal.
Naalala ko pa noon sinabi mo sa aking ang dalawang salitang "Mahal kita" hindi ako naniwala kasi alam kong siya parin.
Na siya parin ang iyong tinitibok ng iyong damdamin.
Hindi mo ako mahal.
Nasasanay ka lang na ako ang nandyan kapag naalala mo siya.
Nasasanay ka lang na ako ang nandyan kapag luluha na naman ang iyong mga mata.
Nasasanay ka lang na ako ang iyong panyo na papahid sa bawat patak ng mga luha mo.
Hindi mo ako mahal.
Nasasanay ka lang na ako ang iyong balde na sasalo kapag aagos na ang tubig na galing sayong mga mata.
Nasasanay ka lang na ako ang iyong unan na mayayakap mo sa tuwing sasabihin mo sa aking 'pagod na ako'.
Nasasanay ka lang na ako ang iyong lupa na kapag uulan handang maging basa.
Hindi mo ako mahal.
Kumbaga nasanay ka lang.
Hindi mo ako mahal.
Sinasabi mo lang yan kasi kaya kitang pangitiin
Hindi kagaya niyang palagi kang paluluhain.
Mahal kita pero hindi ako maniniwala kapag sasabihin mo sa aking mahal mo rin ako.
Kasi sabi nga nila kapag pinaiyak ka ng isang tao ang hirap kalimutan nito.
Sa sobrang hirap hindi mo na kayang maging masaya,
Sa sobrang hirap gusto mo ng magpahinga. Kaya pag sasabihin mo sa akin ang dalawang salitang "Mahal kita" hinding hindi ako maniniwala.
Kasi alam ko ang totoo,
Alam ko kung sino ang tinitibok ng puso mo
At hindi yan ako.
At hinding-hindi yan magiging ako.
Kasi hindi ako siya,
Hinding-hindi ako magiging siya.
Siya na kaya kang paligayahin at kaya ka ring paiyakin.
Siya na kahit ilang beses kamang iwan kaya mo paring balikan.
Siya na kahit ilang beses kamang saktan hindi mo parin kayang kalimutan.
Siya na nagdulot sayo ng lungkot at saya. Siya na hindi ko kayang timbangan.
Siya na hindi ko kayang matanggal sa puso mo't isipan.
Kaya'y pagsinabi mo sa akin ang dalawang salitang "Mahal kita" hinding hindi ako maniniwala
Hindi mo ako mahal.
Kailanmay hindi mo ako minahal.
Nasanay ka lang! Nasanay ka lang! Nasanay ka lang..
Ayaw kong dumating ang panahon na iiwan mo rin ako kagaya ng ginawa niya sayo.
Ayaw kong dumating ang panahon na ako na naman ang makakaranas sa pinagdadaanan mo.
Na ako na naman ang malulunod sa sarili kong luha,
Na ako na naman ang gustong magpahinga,
Na ako na naman.
Na ako na naman.
Na ako na naman ang masasanay hindi nga lang sayo,
Pero sa iba ng tao.
Kaya pag sasabihin mo sa akin ang dalawang salitang mahal kita,
Hinding hindi ako maniniwala.
XxGoldxX
BINABASA MO ANG
Unsaid Feelings
PoetryThis is all about pain that I've experience, maybe some chapters are relatable to some of you. So I hope you'll appreciate and enjoy reading my poetries. Hehe😊
