•Tayo Nga Ba Kaya?•

29 0 0
                                    

Heto na naman ako, nakatitig sa kisame na ang oras malapit ng mag alas dose. Iniisip ang dati, na sabihin na nati'y paano mo kaya ako tinakas sa ibang puso na akala ko panghabang buhay ako dun makakakandado?
Paano mo kaya ginawa ang 'Isang iglap ang mahal ko ay ikaw na?'
Paano mo kaya ipinadama sa akin ang salitang halaga? Kasi ngayon, sa isip at puso ko 'di ko kayang ikay mawala'.
Kaya heto na nga, sisimulan ko na ang tula na akala ko'y di na ulit ako makakagawa, na pinamagatan kong

"Tayo nga ba kaya?"

Tayo nga ba kaya ang isa sa mga masasabihan ng "Kayo parin pala?"

Tayo nga ba kaya?

Tayo nga ba kaya ang magsasama hanggang sa pagtanda? Na tititigan ng mga magnobyo't nobya at sasabihin sa bawat isa na 'Sana ganyan rin tayo sa ating pagtanda'

Tayo nga ba kaya?

Tayo nga ba kaya hanggang dulo? Kasi kung ako? Di ko bibitawan ang kamay mo, pero paano kung ikaw? Paano kung ikaw mismo ang bumitaw? Paano kung isang umaga bigla ka nalang maglaho o di kaya'y sasabihin mo nalang sa akin bigla ang mga salitang 'Mahal pagod na ako' 'Mahal ayoko na' 'Mahal hindi na ako masaya'

Tayo nga ba kaya?

Tayo nga ba kaya? Paano kung maisip mo nalang bigla ang hindi pala ako? Na hindi pala talaga kailan naging ako? Na nagsawa ka lang bigla sakanya kaya naghanap ka ng iba at sa kamalasang pana ni kupido ako ang iyong nakita? Pero paano kung siya parin pala talaga?

Siya na mas una kang nakilala,
Siya na mas una mong nakasama,
Siya na pinangakuan mo ring "Ikaw lang ang mamahalin at walang iba pa"
Siya na di ko man lang mapantayan.

Tayo nga ba kaya? Pero kung sakali man na dumating ang 'Hindi na tayo' na tatawagin nalang na 'Ikaw at ako' magiging masaya parin ako. Dahil ikaw ang bagyo ko, na minsan rin pala akoy pinalamig, pinatulog ng mahimbing, pinangiti saglit dahil sa wakas umulan rin. Subalit, dahil nga ikaw ay baka sakaling aalis, aalis ka rin kagaya ng bagyo, na maghahabilin ng sakit, mga ala-ala at wasak sa buhay ko.

Pero ang sakaling yan ay di ko gusto. Kasi ang gusto ko. Sana. Na sana lang. Ang "Tayo nga ba kaya?" ay magiging "Tayo nga pala talaga".

- 03/23/18

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unsaid FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon