Kamusta? Kamusta kana? Hindi na kita makilala kasi nagbago ka na. Balita ko, ika'y sobrang nasaktan noong iniwan kita. Sino nga ba ang hindi masasaktan di ba? Iniwan kita na para bang kailanma'y hindi na kita makikita
                              Naalala ko pa noon, nakiusap ka sakin na wag akong bumitaw pero pinutol ko ang taling kinakapitan mo. Pinutol ko ang lahat na ngayo'y di mawala sa isip ko. 
                              Kung gaano ako katanga,
Kung gaano ako ka walang awa.
Kung gaano kita sinaktan,
Kung gaano kita iniwan.
                              At ngayo'y nakahanap ka na ng iba, di ko na alam kung saan ako magsisimula. Ang magsisi o ang tanggaping may iba ka na o Ang hindi na ako kasi nagsawa ka na?
                              Patawad. Patawad kasi ikinwento ko sa kanila ng pabaliktad. Ikinwentong ikaw ang ng iwan at ako ang naging luhaan. Hindi ko naisip na baka sa huli ang isang katulad ko ay magsisi.
                              Patawad, kasi alam kong umiiyak ka gabi gabi dahil palagi mong naalala ang dati.  Na para bang sa bawat hakbang hiniling mo na sana ang kasama mo ay ako. 
                              Sa bawat pag mulat ng iyong mga mata nakiusap na sanay ako'y unang makita. Bago matulog, palaging nakikiusap sa maykapal na sanay bukas ikaw na ay tawagin ko ng mahal.
                              Patawad. Kasi sa bawat patak ng mga luha mong tumatagaktak ako ang dahilan.
                              Patawad kung ako ang dahilan kung bakit ang puso mong wasak na wasak ay para bang sinaksak. 
                              Patawad kasi nagmahal ka ng taong tanga na di man lang alam ang salitang awa. 
                              Aaminin ko, ikaw ay aking minahal pero hindi inakalang hindi ito magtatagal. Kaya'y patawad..
                              XxTigerxX
                                      
                                          
                                  
                                              BINABASA MO ANG
Unsaid Feelings
PuisiThis is all about pain that I've experience, maybe some chapters are relatable to some of you. So I hope you'll appreciate and enjoy reading my poetries. Hehe😊
