•Hindi ko kaya•

44 3 0
                                    

Magaling lang ako sa salita,
Pero hindi ako magaling sa gawa.
Kaya pag sasabihin ko sayong mahal kita,
Di ko makakayang sayo'y ipadama.

Hindi ko kayang maging candy na matamis,
kaya'y ang aasahan mo ang pagmamahal ko sayo uubod ng pait.

Hindi ko rin kayang maging unan, na masasandalan mo pag ikay masasaktan.

Hindi ko rin kayang maging panyo na pupunas sa luha mo,
mas gugustuhin ko pang umiyak ka nang patago.

Hindi ko rin kayang maging kagaya ng nanay mo,
Na magpapaalala sa dapat gagawin mo.

Hindi ko rin kayang maging alarm clock,
na gigisingin ka sa saktong oras.

Hindi ko rin kayang maging bimpo, na wawalain ang init ng ulo mo.

Pero pag sasabihin ko sayong mahal kita,
Seryoso ako.
Di ko lang talaga kayang ipadama sayo.

@Charanioypzxs

Unsaid FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon