Baka Sakali Book 1-3

1.7K 9 2
                                    


NEW ADULT (Ganda po ng  cover uhuhuh)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NEW ADULT (Ganda po ng  cover uhuhuh)


Written by: jonaxx


PHP195 per book. Total: PHP 585 (Anuna wallet?)

Taglish


[DESCRIPTION]

BOOK 1: Gusto ni Rosie ng bagong simula. Matapos ang hiwalayan nila ni Callix, ang nag-iisang lalaking minahal niya nang lubusan, tila pinaglaruan pa siya ng kapalaran nang kinailangang lumipat ng buong pamilya niya sa Alegria, isang simple at tahimik na probinsya na malayong-malayo sa siyudad na nakagisnan na niya. Nang makarating na sila sa Alegria, ang bumalik sa Maynila ang unang-unang gustong gawin ni Rosie— hanggang sa makilala niya si Jacob Buenaventura. Sa tingin ni Rosie, simpleng magsasaka si Jacob. Kahit pa nahuhumaling siya sa sparkling abs at sa napakagwapong mukha niya, alam ni Rosie na hindi posibleng maging sila. Natatakot siyang sumugal ulit sa pag-ibig pero hindi naman siguro masama kung susubok siya kahit isang beses pa? Dahil...baka sakali... Baka sakali...

BOOK 2: "Sa bagong kabanata ng buhay nina Roseanne Aranjuez at Jacob Buenaventura, magpapatuloy ang pag-iibigang tila pinatibay na ng pagsubok at hirap at finally mawawala na ang walang humpay na pagbabakasakali. Lingid sa kanilang kaalaman, susubukin pa ulit ng tadhana ang relasyon nila at mapipilitan silang malayo sa isa't isa. Gaano ba talaga katibay ang pag-iibigan nila at kakayanin ba nilang harapin ang mga susunod na pagsubok? Pipilitin nilang hamakin ang tukso, hirap, galit, pangamba, at pag-aalinlangan upang malagpasan ang lahat ng pagsubok dahil...baka sakali... Baka sakali..."

BOOK 3: Sa pag-ibig, kailangan sumugal para makamtam ang tunay na kaligayahan. Matapos ang maraming pagsubok at pagsasakripisyo, sa wakas, pwede na maging masaya sina Rosie Aranjuez at Jacob Buenaventura nang walang pipigil sa kanila—o 'yon ang inaakala nila. Sa pinakahuling kabanata ng kanilang kwento, haharapin nila ang pinakamalaking pagsubok sa buhay nila at maaring maging dulot ito ng katapusan ng pagmamahalan nila. Kahit wala laging kasiguraduhan sa pag-ibig, patuloy silang susugal makasama lang ang isa't isa dahil...baka sakali... Baka Sakali...
 

[COMMENTS/REVIEWS THAT MAY CONTAIN SPOILERS AND OFFENSIVE CRITICISM]

  Ang ganda po talaga ng book. Hanap ako ng hanap yun pala anlapit lang ng pagbibilhan?? Pero okay na din, atleast nakabili na din. Ang ganda po talaga, pati yung cover, ang gwapo po ni Jacob and si Rosie? Ang ganda grabe!! Kulang na lang eh hilingin ko na sana bigla na lang silang lumabas mula sa libro. Hahhaahh!!! Basta, Pop Fiction, you're so great!!!  


Nabasa ko natong Baka Sakali stories from book 1 to 3, sa wattpad. Super ganda ng story ang daming twist and problema ang pagdadaanan ng mga bida, but in the end LOVE CONQUERS ALL 


  Basta talaga si Jonaxx ang sumulat asahan mong mababaliw ka sa sobrang kilig. Yung tipong bigla bigla ka nalang ngumingisi ng mag isa. I love you Jonaxx...  



[FACEBOOK STATUS/ SYNOPSIS]


"Ang pag-ibig ay parang sugal. Handa kang ibigay ang lahat sa taong minamahal mo kahit walang kasiguraduhan na mamahalin ka niya pabalik. Maswerte ang iba na nasusuklian ang kanilang pag-ibig. Pero para sa iba, masakit maiwang luhaan at talo. Gayunpaman, marami pa rin ang patuloy na nagmamahal at sumusugal para sa pag-ibig...dahil baka sakali...baka sakali..."

- Baka Sakali Book 1 written by Jonaxx (Taglish, P195)



  Available nationwide in bookstores, convenience stores and online via www.summitnewsstand.com.ph/pop-fiction with digital copies available for download via Buqo. Grab your copy now!

--

WAAAH! Published na! Jusme, must get and read po yan. Kaso baka nagka-ubusan na. Ganda ng story na yan tapos daming twist. Medjo SPG pero ok lang dahil mahal naman nila isa't isa HAHAHA. Enjoy and belated happy Easter Sunday!

Pop Fiction Published Books [RECENT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon