1

330 15 4
                                    


YUAN

''Yuan gising na malalate ka na sa klase mo''Sigaw ni mama.

''Ma 5 mins pa po inaantok pa ako.''Sagot ko sa kanya habang nakapikit at nag hihikab hikab pa ako.

''Bahala ka wag mo sabihing di kita ginising at sinabihan''.Sabi ni mama. nadinig ko na lang ang mga yabag ni mama na paalis na sa ibaba ng hagdan.

Hays nakakatamad talaga pag Lunes maaga yung pasok ko. May flag ceremony kasi eh. Teka anong oras na ba. Inabot ko yung cellphone ko sa may gilid ng mesa. Agad nabuhay yung natutulog kong katawang lupa ng makita ko yung oras.

''MAMAAAAA bakit di mo sinabing 7:30 na!!!''halos mapatid na yung litid ko sa pagkasigaw. Ginulo ko pa lalo yung buhok ko at nagpapapadyak pa ko ng paa. Agad akong dumiretso ng banyo para maligo at mag ayos at wala pang sampung minuto ay natapos na agad ako. Bumaba na agad ako at nakita ko si mama sa dinning table na nagbrebreakfast. Nagluto si mama ng pancake at bacon favorite ko pa naman yun. Pero wala na akong oras kumain.

''Ma alis na po ako.'' nagmadali na akong lumabas ng pinto.

''Yuan anak. baunin mo na ito oh.'' Iniabot sakin ni mama ang maliit na lalagyan. Dali dali ko namang kinuha yun at nilagay sa bag ko. Naglakad ako ng mabilis para makarating sa school. Tutal naman dalawang kanto lang ang layo ng school mula sa bahay.

Pagdating ko sa school nakita kong nakapila na yung mga studyante sa quadrangle. Kaya naman tumakbo agad ako para makasingit sa pila ng section ko.

''ARAY ANO BA???''napataas tono ng boses ko ng may bigla akong nabangga at bigla naman akong napatingin sa kanya. Nanlaki ang mata ko at bumilis bigla ang tibok ng puso ko at napaatras ako sa gulat ko. Shit si Farrah pa. Si Farrah na walang kasing sama yung ugali. Oo maganda nga siya pero ang pangit ng ugali niya. Kinakatakutan din siya ng lahat sila kase yung isa sa may ari ng school na to.

  ''oh no ang sama ng tingin niya sakin'' bulong ko sa sarili ko habang pinapawisan ako sa kaba

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

''oh no ang sama ng tingin niya sakin'' bulong ko sa sarili ko habang pinapawisan ako sa kaba. shit nakakatakot parang may itim na awra akong naramdaman.

''DUH ikaw kaya bumangga sakin ikaw yung tumatakbo.'' nakataas ang isa niyang kilay at na cross arms pa siya ang taray niya habang sinasabi niya sakin yun na may kasama pang pag irap. Lumingon siya sa paligid na animo'y tila nagmamasid at agad napalitan ang pagkainis niya ng isang evil smile. Pinagpawisan nanaman yata ako. Bigla na lang siyang nagsalita at naging dahilan naman yon ng muling pag bilis ng tibok ng puso ko kinakabahan nanaman ako.

    ''Late ka noh??'' Naka evil smile pa din siya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


''Late ka noh??'' Naka evil smile pa din siya. tas nakacross arms siya tumingkayad pa siya nung sinabi niya yun para maabot niya yung tenga ko.

''ah a-ano kase hindi ah. M-may hinahabol lang ako pasensiya na''shit nauutal pa ako habang sumasagot sa kanya.

''hmm anu ngang pangalan mo??''nakangiti pa din siya nagtataka naman ako. Anong iniisip niya.

''Huh? Y-yuan Mendez''tipid kong sagot agad nanlisik yung mata niya na tila nagbabanta.

''ok makakaalis ka na.''Agad siyang naglakad palayo. At ako naman naiwang tulala. Di ba niya ko paparusahan papahirapan. Usually kasi pag inis siya sa tao pinapahirapan niya ito eh. Pumila na lang agad ako sa dulo ng section namin. Pagtapos ng flag ceremony agad na akong dumiretcho sa room namin. May long quiz pa naman kami. Di ako pwedeng bumagsak.

She's Dating The Campus Nerd #TheGoldenChoice2017Where stories live. Discover now