Farrah's PovFarrah think. Think. What’s wrong with my brain bakit hindi nag fufunction nakatulala pa din ako sa lalakeng to. I can’t believe na nagagawa ko to.
“Ano ma’am ang gwapo na po ni sir noh.”Thanks Mitch sa pag salba sa namuong katahimikan. Sabi ng utak ko. Mejo na pre occupied ako dun aa.
“h-huh g-gw-gwapo?, S-si Yuan? Hindi mas nag mukha lng siyang tao.”Napangiwi ako sa sagot ko ano bay an nauutal pa ko. Langya feeling ko ang defensive ko sa part na iyon. Urggghhh Very wrong naman.
“Ate Mitch pwede ko na bang Makita yung itchura ko baka kase mamaya napagtripan niyo lang ako.”Sarkastikong sagot ni Yuan. Tumalikod na agad ako at niyaya si Yuan. Tss baka mamaya lumaki ulo nito pag pinuri haha.
“Yuan tara na may pag uusapan pa tayo.”Seryoso kong sabi habang sinamaan ko siya ng tingin. Actually wala naman talaga kaming pag uusapan ee. Nagugutom lang yung mga alaga ko sa tiyan haha.
“Mitch thanks huh, iba ka talaga mauna na muna kami.”Nginitian ko si mitch bago tuluyang lumakad palabas ng shop. Nagugutom na talaga ako. Pag gutom ako mabilis uminit ulo ko ee haha.
“Bye Ate Mitch salamat.”Nag paalam na din si Yuan at dali nadali na din siyang sumunod sa akin.
“ingat kayo.”Sigaw ni mitch samin ni Yuan.
“Farrah san tayo pupunta. At ano pag uusapan natin. May nagawa ba ako.”Ano ba yan nakakairita talaga ang bunganga neto pag nag sasalita. Ang dami niyang tanong. Bahala siya mapagod siya kaka dada jan. Nagugtom ako. Wow. Sa wakas nakarating na kami sa Mcdo. Favorite ko kumaen dito. OY HINDI AKO BROKEN AT NAG MOMOVE ON AA! Pumasok na kami sa loob at agad akong nag hanap ng mauupuan. At di naman ako nabigo kase nakahanap naman agad ako.
“Maupo ka na. Ako na ang oorder.”Iniwan ko muna si Yuan dun at mag iisip pa pala ako ano ba yan. Think… think… TINNNNGG paramg niglang may lumabas na lightbulb sa ulo ko., Babawiin ko yung kontrata. I’m pretty sure naman na di niya pa nabasa yun kanina ngang umaga takang taka pa siya sa rule number two ee. Umorder na agad ako ng makakain. Dinamihan ko na baka gutom na din si nerd. Nag pa assist na lang ako sa crew dun kase di nagkasya sa isang tray yung inorder ko haha. Pag dating ko sa upuan ay nakita ko si nerd na nag sasalamin. Mukhang manghang mangha siya ngayon sa kanyang new look. OO na Yuan gwapo ka ni ikaw na.
“Mukha ka pa ding nerd kumaen na tayo. Tigilan mo na yan.”Tsss nagulat pa. Mukhang ggss na siya. Inilapag na namin ng crew ang mga pag kain sa mesa. Naglalaway na ako ang sarap.
“Di ka naman gutom niyan.”Sarkastiko niyang tanong sakin. Bahala nga siya. Inalis ko yung bun ng burger ko atsaka nagsimulang ipatong ang fries sa fillet nito. Ang weird ko nga daw ee. Pero ang sarap naman kaya ng ginagawa ko. Minsan nga kumakaen ako ng rice tas ulam ko is spaghetti oh diba pak. Carbs on Carbs buti na lang talaga at hindi ako tabain.
“HOY kadiri naman yang ginagawa mo sa pagkain Farranghot.”Kamot noong pagkakasabi ni Yuan na agad naming nagpalabas sa aking itim na awra. Laitin na niya lahat wag lang yung kinakaen ko. DANGGG11 Nows the perfect time hahahaha. Before kong sagutin si Yuan ibinigay ko na yung nanlilisik kong mga tngin.
“Wala kang pakielam sa gusto ko gawin sa pagkain ko. Pasalamat ka nga eh nilibre pa kita. AKIN NA YUNG KONTRATA! BILISAN MO NGAYON NA!!!” Sabay abot sa kanya ng isang kamay ko na nakabukas palad sa kamay niya. Mukhang nataranta si Yuan kaya pag abot niya ng kontrata nasagi niya yung inumin at sa di inaasahang pangyayare natapunan din yung kontrata. Mukhang pabor sakin ang panahon ah.
“Oooopsss Sorry.”Nag aalangang sabi ni Yuan.
“AYAN WALA NG KONTRATA!! Gagawa na lang ako ng bago. Punasan mo nay an. Tapos kumaen na tayo dahil may pupuntahan pa tayo.”Bigla naman akong umamo sa kanya. Siguro nga oras na para mas lalo ko siyang kilalanin. Hayyysss Farrah ano bang nangyayare sayo. That’s not youuu.. Baliw ka na yata.
“Farranghot kumaen ka na kaya napunasan na ng crew yung natapon oh nakatulala ka pa din dyan.”Nagtatakang sabi ni Yuan. Iniisip niya siguro bakit ako nakatulala. Haist ano ba yan nakakahiya naman! Binilisan ko na lang ang kain ko para makapunta na kami ni Yuan sa paborito kong lugar. Binitbit ko na lang tong natirang fries at inumin ko kase maganda pumunta dunpag mejo padilim na makikita mo kase yung city at yung pag lubog ng araw. I always love to watch the sunset. Pagsapit naming sa akingsasakyan agad kong pinaharurot ito. Syempre nakita ko nanaman ang epic na reaksyon I Yuan. Sana walang Traffic. Sana talaga. Di naman ako binigo di naman ganun ka traffic agad kaming nakarating sa tagaytay. May rest house kami ditto sa taas ng bundok kitang kita ang view ng city. We arrive just in time.
“Yuan dumilat ka na jan ang oa mo di naman ako ganun kabilis mag drive. Tara na nga.”Hinatak ko ng palabas ng kotse si Yuan hinwakan ko yung kamay niya habang tumatakbo ako paakyat sa rest house. Biglang may kung anong kuryente ang dumaloy sa kamay ko at biglang nag pabilis ng tibok ng aking puso. Hingal na hingal si Yuan ng makarating kami sa taas sakto ang dating naming masisilayan pa naming yung sunset.
“Farrah bat ba tayo andito. Ang bilis mo manakbo halos madapa dapa ako sa pagkakahatak mo. Tsaka baka pwede mo ng bitawan yung kamay ko”Hingal na hingal na tanong ni Yuan. Bigla naman ako nakaramdam ng hiya at pamumula sabay ng pagbitaw sa kanyang kamay.
“AH ano kase Yuan. Tungkol sa kontrata at sa atin.”Hindi ko alam kung anong nagtulak sakin na sabihin ang mga ganyang bagay. Isang katangahan nanaman Farah.
---*
Super late update guys ^^ Sorry ngayon lanh (: Comments and Suggestions are highly appreciated don't forget to vote for my story. And guys please check also my friends story you may find it here joenats follow niyo na din siya (: and maganda yung story niya goodvibes lang and i assure na kikiligin kayo (:
YOU ARE READING
She's Dating The Campus Nerd #TheGoldenChoice2017
Genç KurguPano kung ang isang campus badgirl ay mainlove sa isang campus nerd.