6

127 15 6
                                    


Bigla na lang akong natauhan sa tunog ng bell. Tapos na pala ang last subject ko. Sa buong buhay ko ngayon lang ako na out of focus sa klase ko. Ngayon lang ako lumabas sa room namin na walang natutunan.

Napabuntong hininga na lang ako habang naglalakad sa corridor. Nagpatuloy ako sa paglakad ko na parang walang buhay. Simula ng makabangga ko si Farrah pakiramdam ko'y wala ng maganda at mabuting mangyayare sa buhay ko.

Blllaaagggg. Pagdilat ng mata ko ay nakaupo na pala ako sa sahig. Hawak ko na lang ang aking ulo dahil sa kirot. Nabangga na pala ako sa pinto ng building namin. Hays ang malas ko yata ngayon.

Meet me at the park. Bigla na lang bumulalas sa isip ko ang note ni Farrah. Tinignan ko ang oras sa relos ko. Oh no 5:30pm na. 30 mins na nag aantay si Farrah. Tila ako tangang nagtatakbo papunta sa park. Nang malapit na ako sa park tila may masamang hangin na waring bumalot sa aking katawan.

''brrr''nagcross arms ako dahil bigla akong nilamig kasabay ng pagtulo ng aking pawis at pagbilis ng tibok ng puso ko. Paglingon ko sa kaliwa may nanlilisik na mata na ang nakatuon sakin. Uh oh napalunok ako bigla at tila may kung anu na pumipigil sa akin na mag salita.

''GRRR. YUAN MENDEZ! YOU'RE 45 MINS LATE.''halos mabingi ako sa kinakatayuan ko ng bigla na lang sumigaw si Farrah. Nakapamewang siya at nagsasalubong na ang kanyang dalawang kilay habang tila may lumalabas na usok na sa kanyang ilong. Huhu nagagalit na siya. ayan na ayan na katapusan ko na. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon na kulang na lang ay tumalon ito palabas ng dibdib ko.

''Pfftt!!! Ano pang tinatanga tanga mo jan tara na!!!''Inalis niya ang pagkakapamewang at bigla siyang bumuntong hininga with matching cross fingers. Bakas mo sa mukha niya ang pigil na inis.

''Oh??''yan na lang ang tanging lumabas na kataga sa bibig ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

''Oh??''yan na lang ang tanging lumabas na kataga sa bibig ko. Bigla niya akong nilapitan at hinila na lang ako bigla ng babaeng to papunta sa kotse niya. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod.

Walang anu ano'y pinaandar niya ang kotse pagkasakay niya. Tila nakikipagkarera ang babaeng to sa daan. Wala namang traffic at kasabayan na sasakyan. Napasuot na lang ako ng seatbelt habang kapit na kapit sa pinagkakaupuan ko.

''MAGPAPAKAMATAY KA BA? KASI AKO HINDI KAYA PLS. WAG MO KONG IDAMAY''Bigla na lang akong napasigaw ng nakapikit dahil sa takot ko. Bigla naman niyang iprineno ng malakas ang sasakyan. Dahilan para mauntog nanaman ako.

''Tss. Andito na tayo bumaba ka na.''Malumanay lang ang pagkakasabi ni Farrah pero halatang mong naiinis pa din siya. Bigla na lang iniamba ni Farrah ang kamay niya na naging dahilan para hawakan at pigilin ang kamay niya.

''What now? Bubuksan ko lang yung pinto mo.''Magkasalubong ang kanyang kilay habang tinitignan niya ko. Bigla nanamang bumilis ang tibok ng puso ko ng mapansin ko na hawak ko pa din ang kamay niya. Bigla ko na lang inalis ang pagkakahawak ng kamay ko sa kanya at sabay umiwas ng tingin. Pakiramdam ko ay namula ang mga pisngi ko sa mga oras na iyon.

Binuksan niya ang pintuan ko at bumaba na din siya ng kotse niya. Ako naman ay nakaupo pa din sa aking kinakaupuan.

''Yuan tara na''May autoridad na pagkakasabi niya. Bumaba na din agad ako dahil baka mamaya ay may gawin pang masama ang babaeng ito sa akin. Nilibot ko ang tingin ko sa aking paligid namangha ako sa laki ng bahay na nakatambad sa aking harapan. Hindi ko maiwasang mapanganga dahil sa ganda ng mga puting bulaklak na bumabalot sa bakod nito. Pumasok na kami sa loob ng bahay i mean mansion nila Farrah.

      ''Good Evening madam may iniwan pong note sila Ma'am Freya sa sala para po sa inyo''Nakangiting sabi ng isang babae na kung titignan mo ay nasa mga 30's na ang edad.

     ''Thanks Fritz mamaya ko na babasahin. Siya nga pala si Yuan boyfriend ko.''Walang anu anong sinabi yun ni Farrah. Nanlaki naman ang mga mata ko sa aking kinatatayuan kasabay ng biglang abnormal na pagtibok ng puso ko.

     ''Uh-uhm M-magandang gabi po''Nauutal kong sabi. Bakas sa mukha ng babaeng yun ang pagtataka. Marahil nagtataka siya pano naging kami. Kung alam lang niya. Ako! Ako ang tunay na biktima dito.

     ''Akyat muna kami. We have some business to talk.''Nakatingin siya sakin habang sinasabi niya ang mga linya na yan. Ngumisi pa lalo siya at bigla na lang niyang hinila ang mga kamay ko paakyat ng hagdan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay may mabigat na nakadagan sa dibdib ko dahilan para mahirapan akong magsalita. Pagkaakyat namin ay huminto kami sa isang kwarto at binuksan niya yon sabay tinulak ako papasok.

     ''Ah-an-ano k-kase Farrah virgin pa ako. Hindi ako marunong.''Nauutal kong sabi. Lumapit naman siya sakin na tila ng aakit kaya napaatras ako sa pader. Inilapit pa niya lalo ang mukha niya dahilan na magtama ang aming mga mata. Ang ganda pala ng mata niya. Sobrang brown at bilugan ang mga ito. Bigla nanamang bumilis yung tibok ng puso ko pakiramdam ko namumula ako at di ako makagalaw. inilagay pa niya ang isang kamay niya sa pader habang ang isa ay nakahawak sa baba ko na tila balak niyang halikan ako. Napapikit na lang ako bigla dahil di ko alam ang gagawin ko.

     ''BWAHAHAHAHAHAHAHA TINGIN MO BA RARAPIN KITA!! HAHAHAHAHA!!! were just here para gawin yung 1month contract mo bilang boyfriend ko. Yan yung kabayaran para sa pagbangga mo sakin.''Napadilat ako bigla dahil sa tawa ni Farrah. Ang ganda niya lalo pag tumatawa at nakangiti yung mata niya tila nagkokorteng buwan pag tumatawa siya. Naglakad na siya papunta sa mesa niya at may inilabas na notebook at ballpen. Teka ano ba tong naiisip ko. Wait wait ano daw 1month contract bilang boyfriend niya? oh Lord im doomed.

''Manyak na nerd tara dito simulan na natin ang pag discuss ng contract mo''Nakangiti niyang sabi.

Agad naman akong umupo sa tabi niya at tinignan ang notebook na hawak niya.

1 MONTH CONTRACT FOR BEING MY BOYFRIEND

She's Dating The Campus Nerd #TheGoldenChoice2017Where stories live. Discover now