''Farrah anong ginagawa mo dito?'' Nanlaki ang aking mga mata dahil sa gulat. Nasa harap ko lang naman si Farrah. Bigla akong kinabahan dahil sa posisyon namin ngayon nakadapa siya sa ibabaw ko at hawak ng dalawang kamay niya ang aking buhok habang itoy nilalaro laro niya. Nakatitig lang siya sa akin isang titig na lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko at dahil sa mga titig na iyon nag mistulan akong istatwa sa sarili kong kama.''Yuan mahal kita'' Parang nagsitayuan ang aking mga balahibo sa sinabing yun ni Farrah gamit ang kanyang soft voice na punong puno ng emosyon at pagmamahal. Kasabay ng aking naramdaman ay ang biglang pagtigil ng aking mundo at tanging si Farrah lang ang nakikita ko. Bigla naman niyang nilapit ang kanyang mukha sa mukha ko dahiĺan para mas lalo kong makita at matitigan ang kanyang brown na mata. Napatingin ako sa mapupulang labi ni Farrah napalunok na lang ako pag balik ng mga paningin ko sa mata ni Farrah ay akmang hahalikan na niya ako. Bigla namang nag slow motion ang mga kilos ni Farrah at ng malapit ng magtama ang mga labi namin ay napapikit naman ako. Bigla na lang ...
''Gumising ka na nga! may panguso nguso ka pa! bilisan mo na !''.Sabi ng boses na nadinig ko. Hindi ko muna hinayang mawala ang moment namin ni Farrah.
''Farrah di ba gusto mo kong halikan ito na''Nakanguso kong sabi habang nakapikit ako.
''OH MR.MENDEZ HINDI KO ALAM NA AKO PALA ANG LAMAN NG PANAGINIP MO. HAHAHA. GUMISING KA NA JAN MALALATE NA TAYO'' Tila may mga matang nakatingin sa akin sa pinagkakahigaan ko. Bigla namang nabuhayan ang natutulog kong diwa. Bakit parang di ako makakilos. Bakit parang. Pppsshh. Wag mong sabihin na. Oh no. Bigla na lang akong pinapawisan kasabay ng biglaang pag bilis ng tibok ng puso ko. Unti unti kong dinilat ang aking mga mata at ng maidilat ko ito ay bigla na lang nanlake ang mata ko sa taong nakatayo sa harapan ng kama ko. Bigla na lang akong napasïgaw.
''WAAAAAHHHHH!!!!''halos mapatid yung litid ko sa pagsigaw kasabay ng pagkita ko na si Farrah ay nakatingin sa ibabang bahagi ng katawan ko ng nakangisi. Napasigaw nanaman ulit ako.
''WAAAAAAHHHHH!!!''kasabay ng biglaan kong pagtayo ay ang paghatak ng kumot ko para maibalot sa aking buong katawan. Shemayy!! Nakaboxers lang ako. Huhu nakita ni Farrah ang katawan ko. Walang humpay naman sa kakatawa ang babaeng to na tila nanalo sa lotto sa saya.
''Ngayon ko lang nalaman na mahilig ka pala spongebob and by the way nice abs''Nakangising sabi ni Farrah habang nakacross arms at may pailing iling pa. Tila naman bigla akong natigilan at namula sa sinabi niya.
''Manyak!! Bakit ka ba kase nandito!!''Pasigaw kong tanong habang nakatayo pa din ako sa may ko at balot na balot ako ng kumot.
''Rule number two. Antayin na lang kita sa baba.''Nakangiting sabi ni Farrah at kumindat pa siya bigla. Agad naman siyang tumalikod at lumabas ng kwarto ko. Ako naman ay parang nakahinga ng maluwag kahit papano. Pagkasara ni Farrah ng pinto ng kwarto ko ay dali dali kong kinuha yung notebook ng kontrata at tinignan ang rule number two at binasa ito.
Rule number two:
Sabay tayong papasok araw araw.Bigla na lang akong napaupo sa aking pinagkakatayuan na tila nawalan ako ng gana. Bigla na lang akong nakarinig ng tawa mula sa aking pinto. Shemmski andito pa pala siya.
''Tita Trixie gising na gising na po yung baby boy niyo.''Natatawang sabi ni Farrah. Napakalakas ng pagkakasabi niya nun habang dinig na dinig ko ang mga yabag niya pababa ng hagdan. Ako nama'y bigla na lang napatayo at nagpapapadyak ng dahil sa inis. Dali dali na lang ako naligo at nag ayos para pumasok dahil baka mamaya ay malate kami ng demonyong babae na yon. Nang matapos ako ay agad na akong bumaba ng hagdan at dumiretcho sa kusina. Laking gulat ko ng makita ko si mama at si Farrah na nagtatawanan. Tila close na agad sila sa isa't isa. Napatitig na lang ako bigla kay Farrah at napansin ang napakaamo niyang mukha. Ibang iba sa Farrah na kilala ko.
YOU ARE READING
She's Dating The Campus Nerd #TheGoldenChoice2017
Novela JuvenilPano kung ang isang campus badgirl ay mainlove sa isang campus nerd.