First day of school na!! Exited na ako pumasok!yehey!!. By the way, nag-aaral ako sa Royal Academy a school for elite students. Yes, you read it right. Mayaman kami eh kasi naman sina mom and dad ay parehong business man kaya ganun.
Pagkagising ko , agad ko namang nilinis ang room ko. Kahit naman mayaman kami marunong naman akong maglinis ah. Sinong may sabing hindi? Talagang bubugbugin ko!! Ganito lang talaga ako may pagkaboyish kaya masanay na kayo. By the way, my name is Vyne Jezzelle Aquino.Alam niyo bang daddy ko si Noynoy then Lolo ko si Ninoy,Lola ko si Cory, and Tita ko si Kris.Ang swerte ko noh ang dad ko presidente hehehehe J . And may trivia pala ako sa inyo guys , alam niyo bang joke lang yun hahahaha XD.
Pagkatapos kong maglinis naligo na ako at nag-ayos tapos bumaba na ako para kumain. And pagkababa ng pagkababa ko nakita ko na sina mom and dad sa hapagkainan nakaupo at naghaharutan. JUSKOOO !!ewan ko sa dalawang ito ang aga-aga yan na ang inatupag.
“Good morning mom ,good morning dad” bati ko sa kanila sabay sabing “ang aga-aga naghaharutan na kayong dalawa jan.!”pagsaway ko sa kanila at sabay sabing “Wala ba kayong kahihiyan?” tanong ko sa kanila
“Good Morning our princess” they both said in unison and sabay sabi saakin “Hayaan mo na kami our princess minsan na nga lang kami naglalambingan eh” sagot naman ni dad saakin.
Kung sabagay ,halos wala na silang time para sa isa’t isa at tsaka wala na nga rin silang time para sa akin eh.
Pagkatapos kong kumain tumayo na ako at naglakad papunta sa labas but before that nagpaalam muna ako sa parents ko.
“Bye mom ,bye dad” pagpaalam ko sa kanila
“Goodbye our princess, take care on the road ha” sabi naman ni mom sa akin
“Don’t worry mag-iingat po ako “ sagot ko naman
At nagpatuloy na ako sa paglakad hanggang sa nakalabas na ako sa bahay.Tumingin ako sa paligid at napansin kong maaga pa pala kaya naisipan kong maglakad nalang papuntang school.Siguro sa sobrang excitement ko kaya ako napa-aga.
Habang naglalakad ako, bigla kong naalala ang mga times na magkasama kaming naglalakad papuntang school dito mismo sa street na to ng lalaking minamahal ko hanggang ngayon, kaya lang nagpunta na siya sa abroad kasama ang family niya kaya lonely ako ngayon.
*Flashback*
Airport
“Kailangan mo pa ba talagang umalis? “ tanong ko sa kanya
“Wag kang mag-alala magco-communicate naman tayo sa isa’t-isa eh.” Sagot niya sa akin
OH diba ang ganda ng sagot niya, ang tanong ko sa kanya kung kailangan pa ba talaga niyang umalis,yan ba ang isagot sa akin??JUSKOOOO NAKAKALERKEY na talaga to…
Bigla nalang akong napahagulgol ng iyak,eh ikaw kaya iiwan ka ng bestfriend mo ng ilang taon, hindi ka ba iiyak??
Napatigil naman ako sa pag-iyak ng bigla niya akong niyakap “Hay nako, paano pa kaya ako makakaalis nito kung maiiwan mag-isa ang bestfriend kong iyakin dito?” iniangat niya ang ulo ko then he wiped my tears at sabay smile “wag ka ng umiyak, gusto mo bang umalis ako baon ang malungkot mong mukha?”
“Ayaw”sagot ko sa kanya
He smile brightly then “Kaya ngumiti ka na diyan”
I gave him my biggest smile para mabaon niya to sa pag-alis niya.Bigla nalang siyang bumitiw sa pagkakayakap sa akin “ I think we have to go na, naghihintay na sila mom sa loob, goodbye best” sabi niya sa akin
Tinignan ko lang siya habang papalayo sa akin ng bigla siyang huminto at tumakbo papalapit sa akin.Kinuha niya ang kamay ko then may nilagay siyang kwintas dito. “Ingatan mo yan ha, pagnawala yan lagot ka talaga sa akin.” Sabi niya sa akin “tsa nga pala may pares yan at na sa akin ito para pag-uwi ko galing States ay makilala pa kita” dugtong pa niya “Baka kasi gumanda kana pag-uwi ko at tsaka pumuti pa at malay mo di kana iyakin” he told me sarcastically “Goodbye iyaking bestfriend” pagpapaalam niya sa akin sabay wave.Nag wave naman ako sa kanya pabalik.
*End of Flashback*
Yeah you read it right inlove ako sa bestfriend ko kaya nga favorite song ko eh “LUCKY” by Jason Mraz .
Lucky I’m Inlove with my bestfriend
At bago ko pa makalimutan his name is Kynczhyn Mendoza.Ang weird ng name no and by the way ang pag-pronounce ng name niya ay Kinzin.
At yun sabi niya magco-communicate kami pero wala akong na receive na e-mail o text magmula noon.Nag-aalala tuloy ako baka ano na ang nangyari doon.
Hay sa wakas , nakarating na ako sa school namin agad ko namang nakita ang friends kong sina Krizza Alcantara at Mike Joshua Sanchez.
“Long time no see sa inyong dalawa,kamusta naman kayo?” tanong ko sa kanila
“mabuti naman” they both said in unison
“eh ikaw kamusta ka naman friend?” tanong naman ni Krizza sa akin
“eto ok lang pero hindi masyado” sagot ko sa kanya
“Bakit naman?” tanong ulit ni Krizza sa akin
“hay naku Krizza, magtataka ka pa ba dyan? Eh malamang namimiss niya naman yung one and only love niyang si Kynczhyn” sagot naman niya kay Krizza
“Hay naku Jezzelle! Hindi mo pa ba siya magawang kalimutan? Jezzelle,it’s been 5 years and wala kang ni isang balita sa kanya, hindi nga siya bumalik dito eh.! Move on girl!!” ang sabi ni Krizza sa akin
“Pero alam kong babalik siya dito,binigyan pa nga niya ako ng kwintas eh para paguwi niya galing States makilala pa namin ang isa’t-isa.”sagot ko naman kay Krizza
“Tanga ka ba?! 10 years old pa kayo nun, malamang nakalimutan ka na nun no.!! eh baka nga wala na yung kwintas sa kanya!”galit na sabi ni Krizza sa akin
“Kaysa pagusapan niyo yang bestfriend nitong si Jezzelle, eh mas mabuti pang pumunta na tayo sa silid-aralan natin” sabi ni Mike
“Ano bang section niyo?” tanong ko sa kanila
“Magkaklase kami ni Krizza sa II-A, eh ikaw?” sagot ni Mike sa akin
“Eh,II-A din ako magkaklase parin pala tayong tatlo” sagot ko kay Mike
“Tara na” paghikayat ko sa kanila
“Sige.!” They both said in unison
BINABASA MO ANG
Till we meet again
Teen FictionThis is a story about a girl and a boy turned to be bestfriends... Bestfriend lang ba talaga o may something pa?? pls.read para malaman ang sagot :))