Chapter 2 Help

48 1 0
                                    

AN: Pls. vote and comment :))

-------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 2 Help

[Class room]

Pumasok na ang teacher namin at nagpakilala na siya sa amin“Good morning class,I am your English teacher ------“

Ewan ko kung ano ang sunod na sinabi ng guro namin, busy kasi ako eh..,busy sa kakaisip kay Kynczhyn my loves.Bigla ko nalang naisip ang conversation namin ni Krizza kanina.

*FLASHBACK*

“Hay naku Jezzelle! Hindi mo pa ba siya magawang kalimutan? Jezzelle,it’s been 5 years and wala kang ni isang balita sa kanya, hindi nga siya bumalik dito eh.! Kaya wag ka ng umasang babalikan ka pa niya.Move on girl!!” ang sabi ni Krizza sa akin

“Pero alam kong babalikan niya ako,binigyan pa nga niya ako ng kwintas eh para paguwi niya galing States makilala pa namin ang isa’t-isa.”sagot ko naman kay Krizza

“Tanga ka ba?! 10 years old pa kayo nun, malamang nakalimutan ka na nun no.!! eh baka nga wala na yung kwintas sa kanya!”galit na sabi ni Krizza sa akin

*END OF FLASHBACK*

Paano kung maging katotohanan ang lahat ng sinabi ni Krizza sa akin?? Hindi ko to kakayanin.Siguro nga kailangan ko na siyang kalimutan pero ilang beses ko nang sinubukakn yun pero hindi ko parin magawa dahil na rin siguro sa mahal ko pa rin siya.

[Dismissal Time]

Agad akong tumakbo papunta kina Krizza at Mike upang sabay na kami palabas ng room.

“uhmm..P-pwede ba akong magpatulong sa inyo?” tanong ko sa kanila

“Ano naman yun?” sabi ni Mike

“Kung tungkol yan sa lessons natin, eh mas matalino ka naman sa amin ah.” Sabi ni Krizza sa akin

“Hindi tungkol dun” sabi ko sa kanila habang nakayuko ang ulo ko

“Tungkol saan?” tanong ni Mike

“Tungkol sa…” bigkas ko ng mahina

“Sa ano ba talaga??” sabi ni Krizza na parang napipikon na sa akin

“Napagisip-isipan ko kasi yung sinabi mo kanina Krizza,kaya…”-ako

“kaya ano”-Mike

“Kaya gusto kong tulungan niyo ako para maka move on kay Kynczhyn kasi naisip kong maaaring tama rin ang sinabi ni Krizza, maaaring hindi na niya ako balikan”sabi ko with a sad face

“Sa wakas.! Natauhan ka na rin” sabi ni Krizza

“So ano tutulungan niyo ako?” tanong ko sa kanila

“Sure.!” Sabi naman ni Krizza with a big smile on her face

Bigla nalang may humintong car sa harap namin “Guys, nandito na sundo ko ,kaya uuwi na ako.Sumabay na kayo” sabi ni Mike

“Kayo nalang ni Krizza may pupuntahan pa ako saglit” sagot ko naman

“Sure ka ?” tanong ni Mike

“oo sige,umalis na kayo at gumagabi na” sagot kokay Mike

Pumasok na sila sa kotse at umalis at ako namn nagpaiwan mag-isa.Sa totoo lang wala naman talaga akonng pupuntahan eh,ayaw ko lang talagang umuwi muna sa bahay.Pero saan ako pupunta?

Naglakad-lakad ako kung saan-saan.Hindi ko alam kung saan ako papunta hanggang sa naisip kong pumunta nalang sa park para makapag-relax.Pero bago ako  pumunta sa park pumasok muna ako sa isang convenience store para bumili ng ice cream.Paglabas ko may nabangga ako na kung ano.

Tumingin ako sa nabangga ko at nakita ko

ang isang lalaki pala ang nabangga ko.Natulala naman ako dahil ang gwapo gwapo niya para akong nakakita ng anghel.

“Ok ka lang ba miss?” tanong niya sa akin

“a-ah.. ok lang ako , s-sorry nga pala ha” sagot ko sa kanya

“Anong sorry? Ako nga dapat ang magsorry at natapon tuloy ang ice cream mo” sabi niya sa akin

“Wag mo ng intindihin yan”-ako

“Anong wag? Sandali lang at bibilhan kita ng bago”-siya

Pumasok siya sa loob at bumili ng ice cream para sa akin.Hindi lang pala siya gwapo ang bait bait pa.Maya-maya lang at bumalik na siya.

Inabot niya sa akin yung ice cream “Salamat”then I smile at him

“Pauwi ka na?”tanong niya sa akin

“hindi,pupunta pa ako sa park  para magrelax” sagot ko sa kanya

“Pwede ba akong sumama ? Gusto ko kasing magpahangin eh”-siya

“Sure”-ako

“By the way, what’s your name?”-siya

“Hmm… Vyne Jezzelle Aquino just call me Jezzelle,ikaw?”-ako

“John Mark Dionisio” he smiled at me

Nakarating na kami sa park at umupo kami sa isang bench doon.Wala kaming ibang ginawa kundi nagkwentuhan at nagtawanan.Dumidilim na at nagpasya kaming umuwi na.

“Hatid na kita sa inyo, gabi na kasi baka ano pang mangyari say o”-John

“Ok lang ba sayo”-ako

“oo naman”-John

Pumunta na kami sa parking lot at hinanap ang kanyang sasakyan,nang makita na namin, pumasok na kami at nagstart ng umandar ang car niya. Nung nakarating na kami sa bahay bumaba na kami at nagpaalam na.

“Pumasok ka muna sa bahay”-ako

“wag na ,hinahanap na rin kasi ako sa bahay,next time nalang siguro”-siya

“sure ka?”-ako

“oo naman, sige pumasok ka na”-siya

“Thank you sa paghatid sa akin ha”-ako

“walang ano man”-siya

“Ingat ka sa paguwi ha ,bye”ako

“sige,bye”-siya

Pumasok na siya sa car niya umalis na,ako naman pumasok na sa loob at dali-dalin akong nagbihis at bmaba para magdinner.Ang lungkot naman dito wala  akong kasama mag dinner ,parehong wala sina mom and dad dahil sa kanilang work ang kasama ko lang dito sa bahay ay yung mga mga maid naming.

Pagkatapos kong kumain ay nagtungo na ako sa room ko at nagbasa  ng libro.At nung dinalaw na ako ng antok, agad kong tinabi ang aking libro at natulog na.

Till we meet againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon