Chapter 5 He's back
[Kinabukasa]
Cafeteria
Nandito kami ngayon sa cafeteria at kasulukuyang kumakain.Nakisabay na naman ako kina Jezzelle kumain,eh kasi naman wala akong ibang kilala dito eh.Alam niyo ba lately nagiging weird ang nararamdaman ko tuwing kasama ko si Jezzelle.Feeling ko unti-unti na akong nahuhulog sa kanya.Well,aaminin ko noon pa talaga ako nahulog sa kanya pero ngayon parang bumagsak na talaga ako sa kanya eh.Para ngang unti-unti niya ng binabalot ang nakaraan ko.
Napatingin ako sa relo ko and nagmamadali na ako ng makita kong 12:30 na kaya nagpaalam na ako sa kanila.
“Uhm..,guys I have to ga na,may pupuntahan pa kasi akong importante eh” pagpapa-alam ko sa kanila
“O sige,Bye” sabi ni Jezzeelle and I just smile at her and umalis na
“Bye”narinig ko namang sabi ni Krizza sa akin habang papaalis na ako.By the way,hindi namin nakasabay kumain si Mike kasi may mahalaga daw siyang gagawin.
Tumakbo ako ng mabilis and pumunta na sa parking lot at nakita ko naman ang driver naming naghihintay na sa akin.
Kynczhyn’s POV
Airport
Ang tagal naman ni insan dumating,nakakainip naman.Uupo na sana ako sa bench doon ng may bigla akong narinig na pamilyar na boses.
“Ken,ikaw ba yan?” Tumingin ako sa likod ko and yeah,it’s my cousin John and oo Ken tawag niya sa akin because of my name Kyn iniba lang niya ang pronounciation.
“Oo ako na nga to,Long time no see bro”-ako
“Grabe,ang laki ng pinagbago ng itsura mo ah” compliment ba yun?Ah.. ewan!!
“Syempre naman,mas pumogi,mas pumuti,at mas tumangkad ako” Naks naman.!napaka proud ko ba??
“May bagyo ba?”tanong niya sa akin
“Bat mo naman natanong?” sabi ko sa kanya ng may halong pagtataka
“Bigla kasing humangin ng malakas.Hahaha….” At tawang-tawa pa talaga siya ha!!Kung makatawa,wagas!!Hay naku!maiwan na nga tong isang to!Parang wala naman itong magawang matino eh!Bahala siya sa buhay niya at iiwan ko na siya.!
Naglakad na ako papunta sa kotse nila John para malagay ko na ang mga baggage ko at makauwi na sa house nila.Sabi kasi nila mom doon daw muna ako tutuloy sa bahay nila John though may bahay naman talaga kami dito sa pinas kaya lang gusto nila mom na may kasama ako kaya paguwi nila,eh doon na kami sa bahay namin titira.
“Hoy ken, tama bang iwan mo ko dito ha?” At nagtanong pa talaga tong mokong na to.
“Ewan ko sayo!Halika na nga dito!” Sumunod naman siya sa akin papunta sa kotse nila.Nang makapasok na kami sa sasakyan agad naman itong pinaandar ng driver nila.
Nakarating naman agad kami sa bahay nila John at tinulungan niya akong magligpit ng mga gamit ko.Mabuti nalang at marunong tumulong tong pinsan ko kaya loves ko yan eh, ano ba to? Para naman akong bading nito eh!Ahhh basta!!!
BINABASA MO ANG
Till we meet again
Teen FictionThis is a story about a girl and a boy turned to be bestfriends... Bestfriend lang ba talaga o may something pa?? pls.read para malaman ang sagot :))