Kayne POV
"BUNSO!!!!"sigaw ni kuya Dae, lumabas ako sa kwarto na may toothbrush sa bibig ko.
"Ow!"sagot ko.
"Manliligaw mo nasa baba" sabi ni kuya Dae.
"Sinusundo ka na bunso" sabi ni kambal
"Ayiehhhh...."sabi ni kuya Dyle
"Hart..hart..."sabi ni kuya Lance
"*click* when your sister finally got a new suitor after the gago!" Sabi ni kuya Law
Tinaas ko yung daliri ko then I mouthed 'F you'
Tumawa lang sila. "Dalian mo dyan, DALAGA!"pahabol na sabi ni kuya Dyle, napailing nalang at mali talaga na nagpahatid ako kay Wayne. I sighed.
Pumasok ulit ako sa kwarto ko at dun ako nagpalipas ng oras. Di na rin ako kumain nakakainis kasi sila eh umagang umaga nagaasar!
Napapikit ako ng mariin.
"Mahal kita Kay, mahal na mahal" sabay yakap niya sakin at halik sa noo. Napangiti nalang ako.
Naghihintay ako sa kanya sa playground. Sasagutin ko na siya pero bago pa ko makapagsalita. He suddenly hug me.
"Sorry pero di na kita mahal" sabay bitiw niya sakin.
Napamulat ako ng mata saka tumayo naalala ko nanaman siya, napailing nalang ako.
Saka bumaba "MGA KUYA!!!AALIS NA KO PA---" natigilan ako dahil nandito yung pinsan ni Riley.
"Hi!"bati niya sakin.
Napatingin ako sa kanila. Yung mga tingin nila parang we-told-you.
"Bunso, magaling kang pumili ah mabait!"sabi ni kuya lance.
'What the heck kuya lance!!!' Gusto kong isigaw sa kanya yan -.-
Hinila ko nalang si Wayne palabas ng bahay haan kinakagat ang sandwich na inabot sa kanya ni Kuya Dae.
"Bye! Ingat kayo. Ingatan mo yan Wayne lagot ka samin!"sigaw ni Kuya Dae.
"Salamat mga kuya! Opo, 'di ko siya sasaktan. Till next time"sigaw ng katabi ko.
Tumigil ako at lumingon. Tinignan ko sila ng masama. Tumawa lang sila. Pagkalabas namin sa garden sinikmuran ko siya.
"Awwww..."rinig kong sigaw ng nga kuya ko 'di ko sila pinansin.
"Para saan yun?"tanong niya, habang hawak sa sikmura niya.
"Tanong mo sa sarili mo gagu!" I said then sumakay sa kotse niya. Ako magdridrive, kakarnapin ko sasakyan niya.
Bumalik ako sa kanya at kinuha ung susi niya.
"Oyyyy!!!"sigaw niya ng paandarin ko yung kotse niya. Di ko siya pinansin at nagdrive, thanks to my kuya tinuruan nila akong magdrive.
Tinawagan ko si Ry, pagdating ko sa school.
"Sis! Bakit mo dala ang car ni insan?" bungad niya sakin, binigay ko sa kanya ung susi.
"Pshh... kasabwat ka ba ng pinsan mo Ry?" inis na tanong ko sa kanya, napakunot lang siya ng noo.
"Huh?"she asked.
"He went to my house kanina!" gigil na sabi ko sa kanya. Hinawakan niya ko at niyugyog.
"OMG!!! Kinikilig ako bes!!!" Sabi niya.
YOU ARE READING
When Ms.Dude Fell Inlove
Teen FictionMasyado po kong na LSS sa kantang titibo-tibo kaya gusto kong ituloy ang story na to na nakatengga lang sa documents ko. Anyway, sana po magustuhan niyo.