Case No. 1

147 9 2
                                        

Cute beggar

Tirik ang araw. Ganitong mga oras ay puno na ang main and mini cafeterias ng Trinity University, at katulad ng kadalasan ay kumakain na sila ng pananghalian. From grass to any edible fauna, from dried to soup, o ano mang pagkaing maaring ilagay sa hapag meron sila. Also note that they can eat to their full whether they like or not. They are afterall pampered elites, eating habits with grace and etiquettes.

Ibang iba ang sitwasyon na nangyayari ngayon sa kanto ng isang bayan. Kung saan ang kakarampot na pagkain ay itinatapon at may pupulot roon. At iyon ang magsisilbing pananghalian ng sasalo.

Sa unang tingin makikita mo roong nakaupo ang mga pulubing marurungis, naghihingi ng limos at naghihintay ng biyayang ibibigay sakanila. Ordinaryong tanawin na iyan. It supposed to be like that, but its very unlikely now.

Mayroong tensyon bumabalot sa mga nakaupong pulubi roon, may bakas ng kaba ang mga mata nila, balisa, at hindi lilipas ang ilang segundo na hindi sila lumilingon sa isang kasamahan nila na nasa isang tabi, ilang distansyang layo mula sakanila. Itong partikular na kasamahan nila ay bago lang sa grupo nilang mga pulubi, hindi pa tumatagal ng isang linggo, hindi nagkakalayo ang pagiging marungis nila at mukhang ilang araw na ring hindi naliligo, may iilan ring langaw na lumilipad rito hindi lang kasing rami ng tulad ng sakanila, pero kahit ano pang tingin nila rito ay imposible itong maging kauri nila!


Katulad na lang ng bagong upo ito sa tinatambayan nilang kanto, habang inaalala iyon ay unti unti nilang napagtanto na simula noon ay naging madalas ang kanilang pagngiwi.

"Hello there peasants of society." sabay sabay na patingin noon ang mga pulubi sa marungis na dalaga sa harap nila, may ilang punit ang suot nitong puting mahabang damit, gulo gulo ang buhok...

May pagtataka sa mukha ng mga pulubi, may dalawang katanungang umiikot sa isipan nila noon,

Sila ba ang kinakausap ng dayung batang to? Anong lenggwage ang gamit nya?

"I see, I see." dahil sa pananahimik nila ay sya namang pagpatuloy na pagsalita ng babae, may patango tango pa ito "Tonta have a lot of kamag-anaks here. I should have known."

Matapos iyong sabihin ay nabanaag ng mga pulubi ang ekspresyong madalas na nilang makita sa ibang tao, awa. Hindi na bago iyon, pero bakit kung pakatingnan sila ng dalaga ay animo hindi sila nasa parehong sitwasyon bilang mga pulubi? Animo ang pulubing dalaga ay nakatataas sakanila? Naayon sa dalaga, sya ay tinatawag na Alpha female beggar, iyon ay binagyan nito ng diin noong magpakilala. Ano ba iyon? Kung ano man, wala silang alam.

Habang inaalala iyon ay wala sa loob na napangiwi na naman sila dahil sa nakalipas na araw animo naging alipin sila nito at hindi nila alam kung bakit nila ito sinusunod!

"Master! Master!" mula sa pagbabalik tanaw ay naglingunan ang grupo sa isa pang pulubing mula sa pagtakbo ay halos itapon na ang sarili sa paanan ng taong tinatawag nitong,

"Master Cirsa!" iyon ang tawag sa bagong kasamahan nilang pulubi, ang batang dalagang itanalaga ang sariling pinuno nila. "Master Cirsa-

Pak!

"You are so mabaho ang hininga! Do you want me to die?!"

Natahimik ang mga pulubi, pasimple silang nagsiyuko at inamoy ang sariling hininga, tulad ng kadalasan, may ilan silang naiintindihan sa sinabe ng dalaga.

"Speak! Whats nangyari ba?"

"A-ah?"

"Ha! Brother of tonta! Sabi ko anong nangyari?"

"Master! Si Dukha, may kumuha kay Dukha, kinuha sya ng mga lalaki master!"

"What?!"

Agad namang napatayo ang dalaga sa narinig, brows furrowed.

"Presumptuous! Fvckin bastards! Such insolence! Who dares kidnap my people?!" animo magsisimula ng rebolusyong pahayag nito. Kung maririnig mo iyon ay hindi mo aakalaing linalangaw ang nagbitaw ng mga salita. Kayat natigil ang ilang dumadaan sa kantong iyon, hindi maiwasang mapalingon, at sa nakita hindi makapaniwalang matatas mag ingles ang partikular na pulubi.

"Asan! Asan ang mga lapastangang yan?!"

"Doon sa may silangan ng bayan master!"

Mabilis ang naging aksyon ng dalawang pulubi. Naiwang nakatulala ang madla.

Sa kabilang kalye, isang cafe ang nakatayo, may iilang parokyano roon, panaka naka ang mga pumapasok at lumalabas. Mula roon na tanaw lahat ang mga pangyayari sa kanto kung saan kumakampo ang mga pulubi. May dalawang lalaking tahimik na nakaupo roon, dalawang pares ng mata ang nakasunod sa dalawang pulubing tinutumbok ang daan pa silangan.

"Interesting."

"Wanna watch?" tanong ng lalaking tayong tayo ang kulay berdeng buhok sa kasama.

Hindi na sumagot ang kausap, imbis dinala ang tasa ng tsaa sa bibig, bago tuluyang dumapi iyon sa mapula nitong labi ay bumuka ang bibig nito at sabay bulong....


"What a cute beggar."

I'm not a Loony!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon