Case No. 2

129 6 1
                                        

Smart beggar
 

Sa kalye sa silangang bahagi sa bayan ng Poorves District, ay dalawang pulubi ang makikitang walang habas na tumatakbo. Matao ang partikular na kalye sapagkat doon nangangalakal ang mamayan ng bayan at mga karatig bayan, at dahil sa pagtakbong iyon ay mayroong hindi maiwasang masagi at naantala ang dalawang pulubi dahil roon.
 

 
"Peasants, get out my way! You mere lowly traders! Dont make harang harang!"
 
Imbis na humingi ng paumanhin ay hindi makapagpigil na sumigaw ang babaeng pulubi ng may masagi ito, matapos tapunan ng napambabang tingin ang pobreng nasalanta, kasabay ng 'hmp!' ay nagpatuloy na sya sa pagtakbo.
 
Binalingan ang kasama, "Tonyo, hurry up! Why are so mabagal?! Bamonos!"

Hindi naman makapaniwala ang babaeng na nasagi, naalala pa ng naturang babae kung paano sya tingnan ng pulubing iyon na animo isa lang syang insekto walang karapatang makita sa daanan, sobrang mapag maliit.
 
 
She, the Poorves District Mayor's daughter, was looked down by that... by that  mere beggar?!
 
Ang babaeng nasanggi ay hindi lang basta basta ordinaryong mamayan ng Poorves District. Siya si Ana Dodirty, nag-iisang anak na babae ng naturang pinuno ng bayan. Ngayong araw naroon sya para tumingin tingin dahil may mga bagong bagsak na bilihin mula sa karatig bayan, kinailangan nya pang tumakas sa kanyang mga bantay upang maka punta roon.
  
Wala loob na napahawak sya sa nakasabit sa tagiliran, agad na natigilan ng walang nakapa na nakasabit roon, napayuko sya upang konpirmahin ang hinala.
 
Wala!
 
Nawawala ang lalagyan nya ng pera!
 
Agad na nagsalubong ang mga kilay, nagtaas ng tingin, may kung anong nag-udyok sa kanyang sundan ng ng tingin dalawang pulubing tumatakbo papalayo.
 
Dont tell her....
 
Sakto namang lumingon sakanya ang babaeng pulubi nakasagi sakanya.
 
At nginisian sya!
 
"Thief!" sigaw ni Ana,

Sinasabe na nga ba! Hindi mapagkakatiwalaan ang mga batang hamog na iyon! My god! She hate drugs, este, thieves!
 
Walang sinayang na oras si Ana upang habulin ang magnanakaw habang sumisigaw, "Thief!!"
 
Sa totoo lang, ordinaryong insidente na ang ganoon sa naturang kalye ng mga mangangalakal, lalo na nitong nakalipas na linggo napadalas. Pero dahil masyadong abala ang mga naroon ay hinahayaan nalang nila. Hanggat hindi sila ang biktima, wala silang pakialam.
 
Mas bumilis naman ang takbo ng dalawang pulubi. Animo propesyonal na manlalaro sa olympics track and field ang bilis nila. At mukhang sanay na sanay na tumukas mula sa kahinahinalang mga gawain.
 
"Master! Bakit mo ninakaw ang pera nung babae?!" hindi makapaniwala si Tonyo, sabay sulyap sa hawak na lalagyan pera. Mukhang sunuwerte sila, teka, mali ito!

Nanglilimos sila hindi nagnanakaw!
 
"Brother of tonta! Hindi ba sabe mo may kumidnap kay Dukha! Its a must! Ransom! Tonto!" 
 
"Ah? Anong kinalaman ulit nun Master? Anong Ransom? Nakakain ba yon?"
 
"Argh! Tonta how I hate your kamag-anaks! Ransom! Pantubos ito!"
 
"Master ang talino mo!"
 
"Tsk."
 
Magkaagapay paring tumatakbo ang dalawa.  Habang pabulong bulong ang babaeng pulubi.
 
"Those lowly bastards! How moronic, bakit they kidnap a pulubi?! Fools! Imbiciles-—"
 
"Master! Master!"
 
"What na naman ba? Ano!"
 
"Master ayon sila!"
 
Nang malingunan ang tinuturo ng kasama ay agad nag preno sa pagtakbo si Cirsa at walang semoseremonyang hinablot ang kwelyo ng damit si Tonyo upang mapigil rin ito sa pagtakbo, sabay hila rito upang kumubli sila sa isang madilim na iskinita malapit sa grupong iyon.
 
"Master-—ampf!"
 
"Tahimik!" mula sa pagkakakubli sa iskinita ay pasimpleng sumilip si Cirsa sa grupong nasa di kalayuan, habang himas himas naman ni Tonyo ang sikmura nya ng tumama kasi roon ang siko ng babaeng pulubi, ay may narinig syang tunog ng pagkabali.
 
"M-master, bakit hindi tayo lumapit?"
 
Saglit lang na sinulyapan ni Cirsa ang kasama, bago ipanagpatuloy ang pag-obserba sa grupong may hawak kay Dukha.
 
Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim... syete, na pa mura sya sa isipan. Anim katao ang meron sa grupong iyon at lahat ay nakasuot ng puti at kulay asul na uniporme, sobrang pamilyar iyon sakanya, iyon ang uniporme ng mga nasa Degree Department ng Trinity University! Pamilyar sa kanya ang mga ito, mula sa kursong Peace Studies! Mukhang alam nya na kung anong nangyayari ngayon!
 
This is not mere coincidence! They are here to capture her!
 
Something flash in her eyes, bago tuluyang bumaling sa kasama,
 
"Listen, Tonyo, makinig kang mabuti. May plano ako." lumapit ito sa tenga ng kasama at may mga ibinulong.

I'm not a Loony!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon