Case No. 3

100 5 0
                                    

Cat buglar

"What a smart beggar."

Agad natigil si Cirsa paglalakad. Napalingon.
 
Pak!

"M-master bakit mo ko binatukan?!"
 
"There's langaw sa iyong ulo."
 
"A-ah?"
 
"Nevermind because you dont have mind! Bamonos brothers of Tonta!"
 
Walang lingon likod pa ay nagsimula na ulit sa paglalakad ang babaeng pulubi, na dali dali namang sinundan ng dalawa.
 
"Master Cirsa, yung lalaking nadaanan natin nakatingin po sayo."
 
"Well Dukha, thats only natural."
 
"A, e. Master ano yung ng natyural?"
 
May sumilay na pasensyosong ngiti sa labi ng babaeng pulubi sa inosenteng tanong ng batang kasama, bago sumagot,
 
"Natural, Dukha, dalawa lang mamaaring dahilan nyan, una, kinaiingitan nya tayo, o di kaya namay gusto nyang sumapi sa ating samahan."
 
"Ganun?! Pero Master kung mayroon pang makikiupo san kanto natin ay sisikip na roon!"
 
"Ganyan talaga ang buhay Dukha, sometimes people want to be you, gagaya at gagaya sayo."
  
Nagkatinginan si Tonyo at Dukha na nasa magkabilang tabi ng babaeng pulubi, kahit may ilang silang salita na hindi makilala roon pero nakuha naman nila ang gustong iparating niyon!
 
Agad na napalingon sila sa lalaking nadaanan nila at sinamaan ito ng tingin. Dalawang pares ng matang nagsasabing 'Huwag mo nang subukan umupo sa kanto namin dahil masikip na roon!'
 
Matapos bigyan ng kakaibang tingin ang pobreng lalaki ay nagpatuloy na ulit sa paglalakad ang dalawang pulubi habang nagbubulong bulong ng mga bagay paukol sa mga taong hindi minamahal ang sarili, na gumagaya sa iba. At lumayo na ng hindi na lumilingon pa.
 
"Pft."

"If you dare to laugh, I'll kill you."
 
"Hahaha!"
 
"Try." 
 
"That's so epic, Devi!" hirap man ay pinigil ni Forest ang matawa ulit ng malakas. Hindi nya maiwasang tanawin ang kabilang kalye na tinungo ng tatlong pulubi, katulad ng kadalasan ay nakaupo na ulit ang mga ito sa isang kantong iyon tulad ng mga kasama nitong namamalimos. Napahawak sya sa baba at matamang tiningnan ang naturang tanawin. Ito ang ika tatlong araw sumila ng dumating sila ng bayang iyon. Sa tatlong araw na iyon ay ito ang ikadalawang beses na nagpunta sila rito upang magpalipas oras. On their first visit there they've already took notice of the pack of those beggars, dahil iyon sa babaeng iyon.
 
That particular beggar is indeed, a peculiar one. She just doesnt fit in. Sticking out.
 
"Interesting, indeed." napatango tango pa ito. "Hey, that beggar is really interesting. Ano palagay mo, how about we took her-—oy! Wait up!"
 
Hindi na ito pinasin ng kasama na nagsimula na palang maglakad tungo sa kabilang deriksyon, at napag iwanan na pala sya habang kinakausap ang sarili. Napakibit balikat ang lalaking may berdeng buhok, at nakapamulsang sumunod na lang.
 
"'Nway, kelan pala tayo babalik ng Hollows? We're already done here, and its getting boring already."

"The day after tomorrow."
 
"Alright!"
 
Tahimik nang nagpatuloy ang dalawa sa paglalakad hanggang lumiko sila kung saan nakatayo ang isa sa popular na tinutuluyan ng mga dayo ng bayan.
 
Mula sa nakayukong pagkakaupo sa tambayan ng samahan ng mga pulubi, isang matalas na mata ang nag-angat ng tingin. Animo mga mata ng pusa na puno ng kuryusudad. Nakasunod ang tingin dalawang papalayong pigura.

May isang bagay na nakakuha sa atensyon ni Cirsa unang kita nya pa lang sa mga ito noong isang araw. Looking from a far is not enough to confirm her suspicion. Kayat kanina ng makakita ng oportunidad ay pasimple nyang sinuri iyon ng dumaan sya.

That uniform! And insignia!
 
Isang ngiti ang unti unting gumuhit sa labi ng dalaga. Kasabay ng unti unting pagbuo ng kanyang plano sa isipan....
 
"Meow~"
 
Napabaling sya sa itim na pusang lumapit sa kanyang paanan. Napangiti, "Meow~"
 
"Meow, meow~"
 
"Meow, meow, meoww~"
 
"Meow, meow, meow~ meow, meow, meow~"
 
"Meooowwwww~"
 
Nagkatinginan si Tonyo at Dukha na syang malapit sa naturang dalaga. May paghanga na babanaag sa dalawang pares ng mata.
 

Ngayon lang sila nakakita ng taong marunong magsalita ng lenggwahe ng mga pusa! Si Master Cirsa lang!
 
A newly found respect is given to that girl without her knowing it. Nagpatuloy lang sya sa pakikipag talastasan sa ligaw na pusa.

At ang tagpong iyon, walang mag-aakalang, magiging metsa ng lahat.
 
Ang araw na kanina'y tirik na tirik ay unti unti nang tumutungo pa kanluran upang magtago, ang asul na kalangitan ay animo karagatang sinisilaban. Hanggang sa ang apoy ng liwanag ay naging takip silim hanggang sa tuluyang lumalim ang gabe.
 
Nang matapos kumain ng hapunan, magpakabusog at magpakasaya ang karamihan ay makikita na sa kanilang mga higaan. Kahit ang mga pulubi sa isang partikular na kantong nakatalaga sakanila ay nakalatag na ang mga karton at nakamaluktot na.

Mas lumalim ang gabi, panahon ng tag-init kaya hindi gaanong iisipin malamig ang pagtulog sa labas katulad ng nakasanayan.
 
Tahimik na ang buong bayan. Mag-iisang oras na simula ng magsara ang huling establisyemento. Mula sa mga kabahayan ay may ilang humihilik na at nasa gitna ng kanilang panaginip.
 
Natutulog na ang lahat. Pero sa hanay ng mga pulubi, makikita ang isang abandonadong karton na higaan....
 
"Meow~"
 
Bati ng itim na pusa sa dalagang dumaan sakanya, bago nagyuko nagpatuloy sa pagtulog.
 
Naglalakad ang isang pigura tungo sa partikular na bahagi ng sentro. The street where famous Inns can be found.
 
And that night a cat buglar was on the loose....

I'm not a Loony!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon