Chapter One - HATER.

760 22 2
                                    

♪ ♫ " Doro wie yeogin runway

Nal baraboneun nun sok milky way
Just love me right (aha!)
Baby love me right (aha!)

Oh! Naegero wa mangseorijima
Neon maehokjeogin naui universe
Just love me right (aha!)
Nae ujuneun jeonbu neoya
 " ♪ ♫


Isang tanong isang sagot mga ulupong kayo, naiintindihan nyo ba 'yan? Sa totoo lang napapakunot na yung noo ko kanina pa. Tangina kase, para silang nagriritwal o kaya nagtatawag ng masamang espiritu mula sa kabilang mundo, ching chaw chang chaw ano daw? 'Yan ang advantage kapag kumakanta ka ng korean song o kaya chinese o kaya japanese kase walang makakapansin kung bumabangka ka lang ng lyrics. Mahiya kayo kapag may Koreang nakarinig sa inyo. Sarap nyo bigwasan.


Kanina pa sila kumakanta dito, sa loob ng room. Oo sa loob. Sinasabayan nila yung phone nila. Feel na feel. Ganda ng boses e. Grabe! Ang ganda! Oo! Idol! Ew. Nakataas lang yung kilay ko habang nakapalumbaba tapos nakatingin sa kanila. Nakakaleche na. Lord, ganun na ba 'ko kasama para pagdusahan ko 'to? Yung kanta, tsk, kanta ng ekso 'yan diba? Ekso? Naririnig ko rin na pinag-uuspan nila yung Ekso M at Ekso K. Ekso K? Diba 'yun yung pampalakas ng loob kapag natalo ka? Ekso K, makakabawi ka rin. Tae tumawa kayo please, joke yun.


Kinuha ko yung phone ko at naglaro ng COC, buti may mobile data ako hehe. Hinalukat ko yung bag ko yung tipong malabas ko na pati alikabok sa loob kakahanap ng headset. Okay, nasa bahay. Naiwan ko nanaman. Naiiyak na ko lol. Pano ko ba matatakasan tong paghihirap na 'to? Pero sa totoo lang, hindi lang naman ako yung naghihirap dito e. Andyan pa yung boys o. Pano kase halos lahat ng populasyon ng kababaihan, ayan o, nagpapakabaliw sa mga bakla. Halos lang, syempre hindi ako kasama, edi sana lahat ano po. Mag-isip tayo. Oo madlang people, hater ako, hater ako ng kpop!


Pero bakit nga ba hindi na umaangal yung mga boys sa ingay ng mga namaligno dito? Sanay na sila? Ay teka, baka fanboys? Puta naman, lilipat na 'ko section please.


Naglaro na lang ako. Tapos parang mga nanadya pa 'tong mga tukmol na 'to at nilakasan pa yung pagkanta nila. Ano sapakan na lang. Tinakpan ko yung magkabila kong tenga. May naisip naman ako. "Oh ano pano na 'ko maglalaro neto sige." sabi ko nung narealized kong wala akong pangpindot para umattack yung troops. Naloloka na kaluluwa ko. Ipinasok ko na yung cellphone ko sa bag ko at tumulala. Nasan na yung teacher namin? Ngayon ko sya kelangan, nagmamakaawa ako. Sana dumating kana kase sobs.

Mas lalo pang lumakas yung pagkanta nila. Dinasalan ko na lahat ng santong kilala ko kase feeling ko mamatay na ko. Meron pang lamang dagat na tumabi sa'kin at pilit na inaabot yung high notes na tipong puputok na yung lalamunan nya. oh please. Hindi ko na kaya!


"UTANG NA LABAS NA MAY KASAMA PANG LIBRENG FEELINGS. TUMIGIL NA KAYO." napatahimik sila nung sumigaw ako at tumayo pa. Omg sikat na me. Tumingin ako sa paligid at tumawa. Gusto ko pang mabuhay, kelangan ko makipag-plastikan sa mga tupperware na 'to. "Baka.. Baka kase dumating na yung next teacher, baka magalit pa kaya boom baka magka-surprise quiz tayo diba? Concern lang ako. Hehehe." at dahan dahan akong umupo mula sa pagkakatayo. Napatingin ako sa paligid ko, OKAY BUHAY PA KO YES. 


"Nian." napalingon ako sa kaklase kong 'yon. Hawak hawak nya yung iPhone nya na dual sim at nakakapagbluetooth kahit sa Nokia lols. "Ano magpapa-5-6 ka? Magkano ba? 50k? Deal." sabi ko at inilahad yung kamay ko para sa shake hands. Tinaasan nya naman ako ng kilay, yung parang papaabutin nya yung kilay nya hanggang batok nya sa sobrang taas.

These Wolves Call Me Senpai [EXO FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon