Chapter Three - home sweet home

491 16 0
                                    



"SINO KAYO?! PANO KAYO NAKAPASOK?! ANONG GINAGAWA NYO DITO?!"



dali dali akong tumayo at tinignan ko sila ng masama.



Nakanganga lang sila sa'kin. Aba sila pa may karapatang ngumanga? Ano? Bahay nyo bahay nyo? Lumapit sa'kin yung nagbukas ng pinto.



"Hoy hoy hoy anong gagawin mo?! Layo! Shupe!" dahil pinalaki akong masunurin ng nanay ko, teka— lumaki ba? Masakit sa heart. Pero dahil masunurin nga ako, ako yung lumayo. Good dog well trained.



"ikaw ba si Nian?" tanong sakin ng bagong gising ata na lalake at tumayo.



"B-Bakit nyo 'ko kilala?!" sigaw ko at nagtinginan silang pito.



"ewan."



"di ko alam."



"secret."



"malay ko."



"tanong mo sa ask.fm ko lol."



"ah Nian ba, kala ko Jenny."



"ang lapit nung Jenny sa Nian ah—"



"MATINONG SAGOT NGA! Alam nyo kanina pa 'ko nagtitimpi pumatay ng punyeta." at natigilan sila sa pambabara sakin. Kinuha ko yung walis tambo. "Oh, chill lang." sabi nila. Leche.



"Hoy ikaw, sagot!" sigaw ko at tinuro yung may hawak ng remote.



"go Kris-ge~"



"kaya mo yan!"



"SHATTAP IPAPALUNOK KO SA INYO 'TONG WALIS TAMBO." sigaw ko ulit, napahawak sa bibig nila yung dalawang makulit na yon. Aba nauto, asa namang ipapalunok ko 'to, wala na kaya akong pambili, sayang lang.



"oh sagot." at tinignan ko ng mabuti yung Kris. Tapos nang asar pa ata, lumapit pa talaga, nakatingala tuloy ako. seryoso nya kong tinignan sa mata. at unti unting bumuka yung bibig nya.

These Wolves Call Me Senpai [EXO FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon