PROLOGUE

780 23 4
                                    



Sa TV, nauuso na yung mga koreanovela. Well, 'yun okay lang. Aminado naman akong kinilig ako kila Steffi at Matheo, kila Jan Di at Jun Pyo, kila Jessie at Justin. Alam kong alam nyo 'yun. Pero yung KPOP? Nagpacute lang sa harap ng camera, then tada! Sikat na.



At yung mga kabataan na nahuhumaling sa kanila. Oh well, bata pa naman ako. Pero huwag nyo 'ko itulad sa kapatid nyo, sa pinsan nyo, sa anak nyo, sa estudyante nyo, sa kaklase nyo o sa inyo mismo. Yung tipong hala nagcomeback lang e halos sumabog na kayo sa kilig. Yung "ala ang pogi ni bias dito" tapos "omg buntis na me". Buhay pa kayo, pinapatay nyo lang yung sarili nyo. Sarap i-attack sa COC shet.



Tapos, hello? Andyan ba yung mga fans na bumibili ng album nila? Yung tipong may benteng members (which is bangka ko lang) na may individual covers pero binili nyo lahat? Aba mayaman 'to. Ayos lang kung pinaghihirapan nyo yung pera, pero kung hihingi ka sa parents mo, Maawa ka kahit 1% lang, ha? Payong maganda. E ano bang napapala nyo dyan? Ikinaganda nyo? Ikina-sikat nyo? Ikina-fab nyo? Ikinaunlad ba ng bansa 'yan? Ts, natahimik o. Guilty ka, guilty!



Tapos kapag nagkalovelife si baby bias. Aba 'wag nyo 'ko palamunin ng "ayos lang ako" at "kung san sya masaya, dun ako". Pakyu forever and ever. Gusto mo na bang makita yung mga kamag anak mong wala na dito? Tss kase pustahan magmumukmok ka sa kwarto tapos iiyak tapos isusumba mo yung babae tapos itatatak mo sa isip mo na "magbe-break din sila, walang forever.". Ayos ka rin no.



Kitams? Sa panahon ngayon kahit saan ka tumingin may bahid na mga mga koreano. E ano ba nagustuhan nyo dun? Yung singkit sila? Wow nagmahal kayo ng mata. Dahil ba mapuputi sila? Girl, it's not love, it's dove. Dahil sa kanila nyo nakita yung wala sa'tin? Jusko andyan naman si toot, si blah, si ano, diba?



Okay, halata naman sa mga sinasabi ko kung ano ako diba? Bukod sa maganda— nyeta sino yung umubo?! HATER AKO NG MGA KOREANONG HILAW NA GINAGAYUMA ANG MGA TAO NGAYON. Ano? Si PNoy nanaman may kasalanan? hays.



Pero paano na lang kung maramdaman ko rin yung mga nararamdaman nyo? Bukod dun sa byuntae cells kapag may hip thrust or body roll or crocth grabbing sila bias, osige konti lang.



Ah diretsuhin ko na nga!



Pano kung manirahan ang exo sa bahay ko? Kaya ba ng mga baklang lobong ito pero ubod ng gwapo na pawalain ang kulo ng dugo ko? Para makuha naman ang kaligayahan ng isa't isa? Bukod dun sa kaligayahang iniisip mo because kadiri.



Pero hindi ako tulad ng iniisip nyo, o ibang nababasa nyo. Kase di ako slave dito. Subakan lang nila akong utusan, papalayasin ko sila sige. Dahil maniwala man kayo o sa hindi pero wala akong pake kung di kayo maniwala, that these wolves call me senpai.



X—————————————X



All rights reserved 2015 ©baexology


Previous book title: My Twelve Wolves

These Wolves Call Me Senpai [EXO FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon