Chapter Four - big yes

521 15 2
                                    



"KAYO BA YUNG EXO?!"




"Yes, hana dul set." sabi nung Suho at nagulat ako na sabay sabay silang sumigaw ng "We are one, we are exo." at nagbow pa sila sa harap ko. Nanlaki yung mata ko. Pwede namang umoo na lang? Dami pang kaekekan sa buhay hays.




"Seryoso to? Hindi wow mali 'to a? Teka, baka may camera." at naghanap ako ng camera. Hinanap ko sa ilalim ng table, sa TV, pati dun sa loob ng tenga nung isang matangkad. "Ano ba, hindi nga joke 'to." sabi nya nung nakahawak ako sa tenga nya at hinawakan yung braso ko. Inagaw ko naman yon at bumalik na sa pwesto ko. Nag-isip naman ako, may utak kase ako.



"Niloloko nyo ko ano? Bat marunong kayo magtagalog?" tanong ko. "Kase nung trainee kami, nag-aral din kami ng ilang lengwahe, tapos ang pinag-aralan naming lahat, tagalog." sabi nya at nagpalakpakan yung mga kasama nya. 



"E bakit kayo andito? Dapat nasa Korea kayo diba? Kase KPOP kayo tapos--"



"Wala namang masyadong promotions, tapos malayo pa yung comeback namin. Pahinga namin 'to. Pake mo ba." KASE BAHAY KO 'TO TENGENE. Pagnahawakan ko cellphone mo mamaya bubuksan ko yung COC mo at uubusin lahat ng gem mo sige death threat 'to— pero




"HATER NYO KO." sabi ko ng taas noo. Bakit ba, muntik na 'kong mapatay ng mga kaklase ko dahil dito e, dapat proud ako.




"pero—"




"WALANG PERO PERO. LUMABAS KAYO SA BAHAY KO ISA DALAWA TATLO LIMA." sigaw ko. Di manlang sila nasindak sa'kin.



"Bakit walang apat?" tanong nung isa. "Wala kasing fourever." sagot ko at natawa kami pareho at naghighfive pa. Pero pakshet.



"LUMAYAS NA KAYO DITO BAGO PA MAGDILIM ANG PANINGIN KO." sigaw ko. Lagi kong naririnig sa nanay ko 'yan kapag nagnanakaw ako ng pagkain sa ref e, ganto pala feeling ng sinasabi 'yon.




"Alam namin." tinaasan ko sila ng kilay. "Anong alam nyo?"




"Na hater ka." sagot nila. "Oh, alam nyo na pala e. Ibig sabihin di kayo welcome dito." at nilahad ko yung kamay ko paturo sa pinto.

These Wolves Call Me Senpai [EXO FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon