Chapter Two - Kidnappers?!

634 18 5
                                    


Paglabas ko ng room napahawak ako sa pader. Huminga ako ng malalim at kinapa kapa yung katawan ko kung kumpleto pa o hinagisan nila ako ng kutsilyo bago ako lumabas. Nung nasiguro kong buhay pa ko napahinga ako ng maluwag. Ano bang katangahan yung ginawa mo Nian na maganda? Alam mo namang wala kang laban sa mga taguro na 'yon e. Swinerte lang siguro ako ngayon. Yeah.



Naglakad ako papunta sa rooftop, rooftop ng building ng mga freshmen. Dun ko gusto e, saya kaya. Tas mas malinis dun. Ts siguro naman hindi na aabot yung kanta nila, kapag umabot pa sa rooftop yon nako iba na. Tatalon na lang ako pababa. Humawak ako sa railings at huminga ng malalim bago sumigaw



"AKO?! AKO MAGPAPAKATANGA SA KANILA?! MAG-SASAYANG NG EFFORTS SA KANILA?! BAKIT?! KAPAG BA NAMATAY AKO PARA SA KANILA MALALAMAN NILA NA NAG-E-EXIST AKO?! HINDI DIBA?! KAYA HINDI AKO MAGPAPAKABALIW SA MGA KOREANONG 'YON! I SWEAR!"



Pagkasigaw ko nun feeling ko ang ganda ko, lol. Feeling ko nabuo lalo yung pagkainis ko sa kanila. Pakiramdam ko hanggang mamatay ako hater pa rin ako ng mga baklang yun.



teka, bakit nga ba ako hater? wala, gusto ko lang. Walang basagan ng trip brad. humiga ako malapit sa railings, at tinakpan ko ng panyo yung legs ko lol nakapalda lang ako no. Mamaya hanginin e may makakita pa ng perlas ng sinilangan ko. Pero wala namang pupunta dito e, asang may tatambay dito. Bawal kaya magcutting, kaya mga bata ha wag nyo gagayahin 'tong maganda na 'to ahehe. Dito na lang ako, kesa sa room kase baka paglamayan na 'ko mamaya. Buti hindi masyadong mainit, edi hindi ako nakahiga dito diba? Baka matusta ako ng di oras. Dahan dahan akong napapikit.



**



may narinig akong nagtatawanan ng mahina. Hala nasa langit na ba ako? Sinugod na ba ako ng mga kaklase ko dito at pinatay ako habang natutulog ako? Hindi na ba matutupad yung pangarap ko? Hindi ko na ba makikita si Pororo sa totoong buhay? Hindi na ba ako makakapag alaga ng penguin sa bahay? Hindi na ba—



pero bakit matigas yung hinihigaan ko? Ganto ba talaga? O baka nasa morgue pa lang ako. O hindi kaya nasa kabaong na ko. O kaya nandun ako, dun sa baba. Hinde! Sinipa sipa ko yung paa ko at sinuntok suntok ko yung kamay. Paikot ikot din ako. Di ako papayag! Dat sa taas ako! Walang pagkain dito!



"Hala, anong nangyayare dyan?" narinig ko 'yun. T-Teka, ikaw na ba si Santanas? Wait mabait naman ako a? Anong ginagawa ko dito? Ibalik nyo ko sa katawang lupa ko!



"Nangingisay na. Baka sinasapian 'yan." may nagsalita ulit. Sino ka naman? Si Santanas junior? Watdapak ibalik nyo ko sa earth! Ibalik nyo ko!



"Huy di ka namin gagahasain, kumalma ka." tapos may naramdaman akong humila ng sapatos ko sa paa ko at ibinato sa mukha ko. Napadilat ako nun. Tae masakit kase, tapos may amoy. Lol bango bango ng paa ko e—

These Wolves Call Me Senpai [EXO FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon