Prologue

11 2 0
                                    

"Pare-parehas lang talaga kayong mga lalaki. Lahat kayo mga manloloko!" Sigaw ko habang umiiyak dito sa garden ng school habang nagbabato ng kung anong mahawakan ko dahil sa sobrang inis.

"Huwag mo namang lahatin Miss. Eto panyo, kanina pa kita nakikita dito eh" Nagulat ako dahil may biglang sumulpot sa likod ko. Pagtapos niyang iabot yung panyo ay umupo siya sa tabi ko, Huwaw feeling close naman 'to si kuya ? Nung nakita ko siyang nakangiti na parang tanga ay mas lalo lang akong nainis dahil naalala ko nanaman yung boyfriend kon--opppss let me rephrase that, dahil naalala ko nanaman yung EX-boyfriend kong manloloko.

"Nag-break ba kayo ng boyfriend mo?" Tanong niya. Ugh napaka-annoying naman ng lalaking 'to. Hindi niya ba alam na kaya dito ko napiling mag-emote dahil sa kagustuhan kong mapag-isa tapos biglang sisingit sa eksena 'tong lalaking 'to.

Moment ko kaya 'to baka hindi niya alam, tsk. Inirapan ko lang siya at hindi na sinagot yung tanong niya. Pinunasan ko na yung mga luha ko gamit ang panyong binigay niya at siningahan na rin ng sipon.

Akmang ibabalik ko na sana ang panyo ng biglang mag-iba yung itsura niya. Tsk anong problema nito? "Ahmm hehe sige sayo na yan. Marami naman akong panyo sa bahay eh" Sabi niya sakin na may hand gesture pa ng pagtanggi.

"K." Sagot ko sa kanya. "Thank you sa panyo ahh" Bulong niya pero narinig ko naman. "Welcome" I said with a cold voice.

Tatayo na sana ako para umalis kaso pinigilan naman niya ako. Argghh, ano bang problema niyong mga lalaki kayo ?

"Bakit?" Mataray na tanong ko sa kanya. "Woah, easy lang miss. Hindi ka na nga nag thank you sa panyo tapos susungitan mo pa ako?" Kunwaring malungkot na sabi niya.

"Tsk, pake ko ba sayo? Tsaka sinabi ko bang bigyan mo ko ng panyo? Hindi naman diba? Kaya wag mo kong artehan na parang ang tagal na nating magkakilala. I'm not talking to annoying strangers like you kaya tigilan mo ko. Besides quits lang tayo." Inis na sabi ko sa kanya.

"Quits? Pano naman tayo naging quits?" Nagtatakang tanong niya. "Oo quits na tayo. Quits na tayo kasi hindi ka nagsorry nung sinira mo yung pag-eemote ko kanina kaya hindi rin ako nag thank you sa panyo mo. Gets?!" Pagtapos kong sabihin yun ay umalis na ako.

Akala ko pipigilan niya ulit ako eh. Ano ba namang araw 'to, napakaganda ng araw na 'to grabe!

Umuwi na lang ako dahil ayoko munang madagdagan yung stress ngayong araw na 'to. Wala naman sila mom and dad kaya wala ring magsesermon sakin pag-uwi.

---*

Pagdating ko sa bahay ay nakita ko si Manang Celia na naglilinis ng sala habang nanonood si kuya. Hindi ko nalang sila pinansin dahil gusto ko ng umakyat sa kwarto ko dahil feeling ko ang dami kong ginawa buong araw kahit wala naman.

Nasa hagdan na ako ng biglang nagsalita si Manang Celia "Bakit hindi kananaman pumasok Kate?"

"I don't want to explain right now manang. I'm tired and I want to rest" Sagot ko ng hindi ko siya nililingon. Nakakapagod naman kasi talaga ngayong araw na 'to. Nakakapagod umiyak. Haysstt naiiyak nanaman tuloy ako.

"Sige magpahinga ka na muna sa taas. Pupuntahan nalang kita kapag kakain na."

"Thank you manang. You're the best" Ngumiti ako pero fake smile lang. Ayokong mag-alala si manang dahil sa mga ikinikilos ko, lumaki kami ni kuya ng siya lang lagi ang kasama kaya parang nanay na rin namin siya kung ituring. Bihira lang umuwi sila mom and dad dito sa bahay dahil may mga business silang inaatupag pero kapag uuwi naman lagi pa akong sinesermunan dahil sa mga kalokohan ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay umiyak lang ako ng umiyak. Hindi ko na napigilan ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko kanina pa simula nung nakipagbreak sakin si Carlo, almost 1 year na kami tapos malalaman ko lang na may iba na pala siya kaya pala hindi na nagpaparamdam minsan. At ang mas masakit hindi niya pa naalala na monthsary namin ngayon.

'Nasan na yung mga pangako mo Carlo? Akala ko ako lang huhu tapos makikipag-break ka sakin sa araw pa ng monthsary natin?'

Iyak lang ako ng iyak kaya nakatulog na ako.

"Kate gising na, kakain na ng lunch. Bumangon kana diyang bata ka" Nagtakip ako ng unan sa tenga. Pero niyugyog lang ako ng niyugyog ni manang. Kaya bumangon na ako. "Eto na po babangon na po" Antok na antok ko pang sabi.

"Umiyak ka bang bata ka? Aba sino ang nagpaiyak sayo? Tara samahan mo ko susugurin ko kung sinong nanakit sayo" Nagmamadaling sabi ni manang kaya natawa nalang ako dahil napaka overprotective niya. Ayaw niya akong nakikitang nasasaktan o di kaya ay umiiyak kaya ganyan siya kung mag-react.

"Ohh bakit ka tumatawa? Halika't samahan mo ko at igaganti kita sa taong nagpaiyak sayo" Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa hindi malamang reaksyon ni manang. "Haha manang wala po 'to. Nakagat lang po siguro ako ng ipis kaya namaga yung mata ko." Natatawang sabi ko kay manang.

"Sigurado ka ba? Baka mamaya may nanakit sayo ahh"

"Haha opo manang takot nalang nila sayo noh? Tara na po nagugutom na rin po ako eh" Inaya ko na si manang bumaba para hindi na siya magtanong pa.

---*

A/N: hellooooooo haha sana nagustuhan niyo. Feel free to comment, wag mahihiyang mag comment haha charot.

Lablots sa mga nagbasa 💚

Ikaw At Ako (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon