Chapter 4

10 2 0
                                        

"KATE!!" Tawag ng isang pamilyar na boses.

Nilingon ko yung tumawag sakin at nakita ko si Carlo na tumatakbo papunta sa lugar namin.

Hinila ko na sila Ynah at Keesha para umalis na sana doon dahil wala ako sa mood makipag-usap dahil sa narinig ko kanina. Pero hinawakan niya ang braso ko dahilan para mapahinto ako.

Tiningnan ko si Carlo ng naiirita. "Ano ba Carlo! Wag ngayon please!" Sigaw ko sa kanya at tuluyan ng umalis sa harap niya. "Pasensya kana sa kaibigan namin kuya ahh may problema kasi siya" Narinig kong sabi pa ni Keesha sa kanya.

"Kate okay ka lang ba? Sino ba yung lalaking yun?" Tanong ni Keesha sakin nung nahabol nila ako. "Wala yun" Pagsisinungaling ko.

"Kung wala lang yun bakit ka umiiyak?" Sabi ni Ynah sakin at pinunasan ang luha sa pisngi ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Gusto ko ng umuwi guys" Pumayag naman silang umuwi nalang kami. Ayoko na rin namang pag-usapan pa yun.

Totoo nga ang sabi nila na nasa iisang village lang kami at magkakalapit pa ang bahay. Hindi ko lang talaga sila napapansin kasi bihira lang naman ako lumabas ng bahay.

Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko sila mommy sa sala na mukhang inaabangan ako. Nagmano lang ako sa kanila at aakyat na sana kaso lang tinawag ako ni daddy.

"Kate!" Pagalit na tawag niya. Nilingon ko siya ng nagtataka dahil sa pagkakaalam ko kakauwi ko lang at wala pa akong nagagawang mali dito sa bahay na 'to kaya bakit siya magagalit? Tiningnan ko si mommy, kagaya ni daddy ay ganun din ang reaksyon niya.

"Bakit po?" Walang gana kong tanong. "Tumawag sakin si Ms. Berlin kanina" Oh, so yun pala ang kinakagalit nila. Hindi na ba sila nasanay na ganun lagi?

"Na nagtetext ka daw sa klase niya at hindi nakikinig sa kanya kaya binigyan ka niya ng punishment!"

"Wala na pong bago dun dad" Napatayo siya dahil sa galit.

"Ano bang nangyayari sayo Nathalie!? Hindi ka naman ganyan dati ah. Bumababa na ang grades mo! Napapabayaan mo na ang pag-aaral mo!" Tumayo rin si mommy pero this time hindi galit ang aura niya. Kinakalma niya si daddy.

"May pakialam pa pala kayo sak--" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil sinampal ako ni mommy.

"Sige ganyan nga mom, saktan niyo ako hangga't gusto niyo. Tutal yun naman ang hilig niyo diba, ang saktan ako physical and emotional? Nakakagulat lang na maririnig ko sa inyo na parang may pake kayo sakin"

Sinampal ulit ako ni mommy. Tumulo na yung luha ko na kanina ko pa pinipigilan. "At kailan ka pa natutong sumagot Nathalie!?" Galit na tanong sakin ni mommy.

"Noong mga panahong wala kayo dito sa bahay"

"Ano bang problema mo Nathalie? Bakit ka nagkakaganyan!" Tanong ni daddy sakin. Gusto kong matawa dahil sa sinasabi niya. Hanggang ngayon hindi pa rin pala niya alam kung anong problema ko sa kanila.

"Gusto niyo pong malaman kung anong problema ko? Kayo po! Kayo po yung problema ko! Hindi niyo alam kasi wala kayo lagi dito sa bahay! Nasaan kayo noong mga panahon na kailangan ko ng parents!? Nasaan kayo nung graduation ko nung elementary!? Nasaan kayo nung recognition namin!? At alam niyo po kung ano yung masakit mom and dad?" Hindi ko na napigilan yung sarili kong humagulgol, lahat ng hinanakit ko sa kanila nailabas ko na ngayon.

Niyakap ako ni kuya nung hindi ako matigil sa pag-iyak. Narinig kong nagpakuha siya ng tubig kay manang.

"Mas masakit yung nasaan kayo sa mga nagdaang birthday ko!? Akala niyo po ba sapat lang sakin ang batiin niyo ako through social media? Nung mga panahong kailangan ko ng magulang wala kayo!! Akala ko nga anak ako ni Manang eh dahil buti pa siya may pake sakin, siya yung nag-alaga sakin nung mga panahong wala kayo dito! Si Manang ang naging mommy ko at si kuya ang naging daddy ko! Alam niyo ba na nagkasakit ako? Alam niyo rin ba na may sakit ako ha!?" Sigaw ko habang humahagulgol. Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko, namamanhid na yung mga kamay ko at sumisikip na ang dibdib nahihirapan na akong huminga aatakihin na naman ako ng hika ko neto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ikaw At Ako (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon