"Kate gumising kana! Anong oras na ohh malelate ka na sa klase mo!" Sigaw ni kuya sa labas ng pinto ng kwarto ko. Tsk, aga-aga namang mang-istorbo nito ni kuya.
"Tinatamad ako pumasok kuya!" Sabi ko sabay talukbong ng unan sa mukha. Nakakatamad naman kasing pumasok noh. Lalo na kapag makikita mo yung pagmumukha nung asungot na si Kenneth pagpasok sa school.
"Hoy anong tinatamad!? Kapag hindi mo 'to binuksan sisirain ko pinto mo!" Tumayo na ako sa kama at pinagbuksan siya ng pinto. Ayokong sirain niya ulit pinto ko dahil nung nakaraang sinira niya pinto ko hindi niya inayos o pinaayos man lang. Napakabait kasing kuya niyan eh!
"Ayokong pumasok kuya. Tinatamad ako tsaka masakit ulo ko." Pagdadahilan ko sa kanya para hindi niya na ako pilitin pa. "Hindi. Papasok ka sa ayaw at sa gusto mo! Tsaka anong masakit ulo? Nagdadahilan kananaman para hindi makapasok. Bumabalik nanaman yang pagiging maldita mo Kate ah, nagbreak lang kayo ni Carlo"
"Anong nagdadahilan ka diyan. Mas marunong ka pa sa nararamdaman ko. Hindi kasi ikaw yung nakakaramdam kaya hindi mo alam tsk." Pagtapos kong sabihin yun ay tinalikuran ko na siya. Maliligo na ako para pumasok, malamang hindi ako titigilan nito eh.
Tiningnan ko yung orasan sa study table ko. 6:15 AM palang pero kung magmadali 'to akala mo siya yung malelate eh. 8:00 pa naman yung pasok ko eh, ayaw niyang magmadali ah.
"Bilisan mo maligo ahh, hinihintay ka nila mommy sa baba." Humarap ako sa kanya pagtapos niyang sabihin yun. "Kailan pa sila dumating? Himala ata naisipan nilang umuwi dito. Akala ko nakalimutan na nilang may mga anak pa sila eh." Inis na sabi ko sa kanya. Sinamaan niya naman ako ng tingin.
"Huwag mo ngang pagsalitaan ng ganyan sila mom at dad. Dumating sila dito kaninang 4:30 AM. Sige na maligo kana, bilisan mo ahh." Sinara niya na ang pinto kaya pumunta na ako sa CR para maligo.
'Tsk, ano namang naisipan nila at umuwi sila dito? Sana hindi nalang sila umuwi'
Pagtapos kong maligo ay nagbihis na agad ako ng uniform ko at bumaba na. Pagpasok ko palang sa kusina ay niyakap na agad ako nila mommy at daddy. "Namiss namin ang prinsesa namin" Masayang sabi ni mommy at niyakap ulit ako.
"How's your first day at school princess" Panimula ni daddy pagkaupo ko. Tiningnan ko lang siya at kumuha ng pagkain sa mga nakahain. "Graduating ka na anak, kaya ayusin mo ang studies mo ah. Lalo na't minsan lang kami umuwi dito ng daddy mo" Hindi ko nalang rin pinansin si mommy at tinuloy ko nalang ang pagkain ko.
Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa hapag kainan namin. Walang gustong magsalita kaya lalong naging awkward ang atmosphere. "Kamusta naman kayo ni Carlo anak? Sabihin mo sa kanya pumunta siya dito mamaya para dito na siya magdinner ah. Namimiss na kamo siya ng maganda niyang soon-to-be-mommy haha." Masayang sabi ni mommy.
Tumayo na ako para pumasok, nawalan na ako ng gana kumain eh. "Oh tapos ka na agad Kate?" Tanong ni kuya pagtayo ko. "Sorry I have lost my appetite. Pasok na po ako mom and dad" Walang gana kong paalam sa kanila at nagbless.
"Okay ingat sa pagdadrive princess" Narinig kong sabi ni daddy pagtalikod ko. "Bye anak ingat ka ah. Aral mabuti. I love you" Pahabol ni mommy. Itinaas ko nalang yung kaliwang kamay ko senyales na aalis na ako.
Pagdating ko ng school hindi muna ako dumiretso sa room. Dumiretso ako dito sa garden ng school, maaga pa naman eh. Nakakarelax kasi dito sa garden puro green nakikita ko.
At kung sinuswerte ka nga naman destiny oh. Bakit kailangan pang makita ko si Carlo dito at yung bago niya? Hindi ba pwedeng doon sila sa ibang planeta maglandian. Dumaan ako sa harap nila, at mukha atang nag-aaway sila. Kasi parehas masama tingin nila sa isa't isa eh. Pero ano bang pake ko? Magbi-break din yan kasi walang forever.
Buti nalang malayo sa kanila yung pwesto ko. Pero nacucurious ako bakit kaya sila nag-aaway? Wala pa nga silang 1 month nag-aaway na agad sila. Pero ano ba kasing pake ko? Edi magsama sila tsk, mag-away sila ng mag-away wala naman akong pake.
"Mahal mo pa noh?"
"Ay kabayong bakla!" Nagulat ako sa nagsalita dito sa tabi ko. Tiningnan ko kung sino yung lalaking nanira ng moment ko. "Ikaw nanaman!? Bakit ba bigla-bigla kang sumusulpot sa tabi ko!?" Inis na sabi ko sa kanya. Hinabol ko yung hininga ko dahil hiningal ako sa gulat. Gusto ba ng lalaking 'to lumala sakit ko!?
"Easy lang Nathalie haha. High blood kananaman eh. Hindi mo ko napansing tumabi sayo kasi nga busy ka kakatitig sa Ex mo at Girlfriend niya" Mapang-asar na paliwanag niya.
"K. Whatever. Eh ano bang ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako!? Sabihin mo nalang kasi kung may gusto ka sakin hindi yung iniistalk mo pa ako." Mataray kunyari kong sabi.
"Hahaha. Bakit naman ako magkakagusto sa isang masungit na tulad mo? Tsaka tambayan ko kaya 'to. Tingnan mo 'tong puno na sinasandalan mo may nakasulat." Natatawang sabi niya. Tiningnan ko yung puno, tama nga siya may nakasulat nga.
"Kenneth Park's Property" Binasa ko yung nakasulat. Tiningnan ko siya at inirapan. "Ano namang pake ko kung nakasulat pangalan mo diyan? Sino ka ba para sundin ko?" Mataray na sabi ko sa kanya at tumingin ulit sa kinaroroonan nila Carlo. Nag-aaway pa rin sila kasi halatang nagsisigawan sila.
"Mas pogi naman ako diyan eh" Biglang sabi ni Kenneth. Tiningnan ko siya at nakita ko siyang nakatingin kila Carlo. Huwaw lang ahh, makapal rin pala mukha nitong isang 'to noh?
"Ahh oo mas pogi ka sa aso nila" Sabi ko na ikinainis niya. "Anong aso!? Mukha ba akong aso? Sa gwapo kong 'to sa aso lang makikipag-kumpetensya ng kagwapuhan!? Hindi naman ata fair yun" Inis na sabi niya. Gusto kong matawa dahil sa reaksyon niya hahaha.
"Hahaha may lahing aso ka diba? Kaya no wonder na hanggang aso lang kaya mo hahaha" Sabi ko sa kanya habang tumatawa. Natigilan ako sa pagtawa nung mapansin kong nakatitig siya sakin.
"Bakit ka nakatingin ng ganyan?" Mataray na tanong ko.
"Tumatawa ka rin pala. Akala ko puro kasungitan lang alam mo eh hahaha." Hindi ko na siya pinansin at naglakad na ako papunta sa room kasi magta-time na rin naman.
'Tsk malamang tumatawa ako. Tao kaya ako mukha ba akong alien? Sa ganda kong 'to mukhang alien? No way!'
Papasok na sana ako sa room nung may biglang humila sa braso ko. Tiningnan ko kung sino yung humila sakin at halos lumabas yung puso ko sa sobrang bilis ng tibok.
"Kate okay ka lang? Bakit namumutla ka!? Hindi ka ba makahinga? Teka dala mo ba yung gamot mo? Umin--"
"A-anong kai-langan m-mo?" Nauutal na tanong ko. Bakit ba ako nauutal? Ugh!! Sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. "Okay ka lang ba? Uminom ka muna ng gamot mo" Nag-aalalang tanong niya. Kinuha ko yung gamot ko sa bag at ininom.
'Bakit ganyan ka magsalita Carlo! Huwag mo na akong saktan pa lalo please! Bakit nag-aalala ka pa sakin?'
"Pwede ba tayong mag-usap? Kate ma--"
"Wala na tayong pag-uusapan Carlo tsaka may klase pa ako" Tatalikod na sana ako kaso hinila niya ulit yung kamay ko.
"Mamayang uwian susunduin kita dito sa room niyo. Please mag-usap tayo Kate, kapag kinausap mo ko hindi na kita kukulitin. Prom--" Naputol yung sasabihin niya nung biglang may humila sakin papasok. Pagtingin ko si Kenneth yung nanghila sakin. Ano nanamang ganap ng isang 'to?
"Sorry pre, may klase pa kami. Wag mo na siyang kulitin pa."
"Kate please mag-usap tayo! Maghihintay ako dun kahit anong mangyari!" Pahabol na sigaw ni Carlo kaya pinagtinginan tuloy ako ng mga kaklase ko.
To be continued..
BINABASA MO ANG
Ikaw At Ako (ON GOING)
Dla nastolatkówMay mga taong hindi naniniwala sa Destiny dahil tayo raw ang gumagawa ng sarili nating tadhana pero paano kung pinagtagpo kayo ng hindi inaasahan ? Unti-unting magbabago ang pananaw mo dahil sa taong minahal mo ng hindi inaasahan. Handa ka na bang...