Chapter 3

6 2 0
                                    

Pagtapos ng pag-uusap namin ni Carlo kanina nawala na ako sa ulirat. Hindi na ako nakikinig sa mga tinuturo ng mga lecturers ko. Ang nasa isip ko lang ay yung huling sinabi niya bago siya umalis, hindi ko alam kung sisiputin ko ba siya mamaya o hindi.

'Ano naman kayang pag-uusapan namin?'

Tiningnan ko yung phone ko nung maramdaman kong mag-vibrate. Tiningnan ko kung sino yung nagtext, bumilis na naman yung tibok ng puso ko.

SMS From Carlo:
Kate mamayang uwian hihintayin kita sa garden. Please mag-usap naman tayo. Hihintayin kita dun kahit anong mangyari.

"Ms. Mariano! Are you listening!?" Napatingin ako sa lecturer na nasa harapan ko na pala. Hindi ko namalayan na nasa harap ko na siya, bakit pa kasi nagtext 'tong si Carlo!? Tsk, nakita pa tuloy ako ng lecturer ko. Hayysst, malamang may punishment nanaman ako neto.

"Sorry po Ms--"

"You have a punishment. Go to the punishment room later before you go home! Understand Ms. Mariano!?" Galit na sigaw sakin ni Ms. Berlin, terror lecturer ko pa naman 'to asar naman ohhh.

"Yes Ms. Berlin" Walang gana kong sagot.

Lumipas ang dalawa pang subject ko nang hindi ako nakinig. Naalala ko nanaman yung text ni Carlo hindi ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa dahil nagtext siya. Matutuwa dahil simula nung break up namin hindi ko na siya tinitext ganun rin siya. Ilang beses akong nagtempt na burahin number niya pero meron pa rin sakin na umaasang babalikan niya ako. At maiinis naman dahil kung hindi siya nagtext edi hindi ako pupunta sa punishment room mamaya at hindi ako mabibigyan ng punishment.

*Riiiinnnnggg*

"Okay class dismiss" Pagkarinig ko sa sinabi ng lecturer namin ay tumayo na agad ako. Palabas na ako ng room ng may humila sakin.

"Nathalie sabay na tayo kumain"nakangiting sabi sakin ni Kenneth. Wala ako sa mood para makipagbangayan sa kanya. "K." Yun nalang ang nasabi ko sa kanya at tuluyan ng lumabas ng room.

*Canteen*

Pagdating namin sa Canteen ay agad na kaming umorder. Habang naghihintay sa order namin bigla siyang nagtanong. "Pupunta kaba mamaya sa sinabi kanina nung lokong Ex mo?" Tanong niya sakin na may pagkainis. Bakit naman kaya naiinis 'to?

"Eh ano naman ngayon kung siputin ko siya? Wala ka namang pake dun" Mataray kong sabi sa kanya. Biglang nagbago yung reaksyon niya, hindi ko alam kung totoo 'tong nakikita ko o dala lang ng stress. Nakita kong naging malungkot yung mukha niya gusto kong magtanong kung bakit siya naging malungkot pagtapos kong sabihin yun, eh kasi totoo namang wala na siyang pake dun.

"Sorry. Oo nga pala wala nga pala akong pake sa kung anong nangyari sa inyo" Malungkot na sabi niya pero mahahalata rin yung inis sa tono niya. Tsk, anong problema nito?

Maya-maya ay dumating na rin ang inorder namin kaya kumain na kami. Ang tahimik ng table namin, walang gustong magsalita saming dalawa. Ayoko naman siyang tanungin baka mamaya mag-assume siya na magiging mabait na ako sa kanya.

"Nathalie/Kenneth" Sabay naming sabi. "Sige ikaw na mauna/You speak first" sabay ulit naming sabi kaya naman iniharang niya ang kamay niya para pigilan akong magsalita.

"Sige na ikaw na mauna" sabi niya sakin at pinagpatuloy ulit ang pagkain.

"No ikaw na magsalita muna mukha kasing importante yung sasabihin mo" Binigyan ko siya ng fake smile after kong sabihin na siya na maunang magsalita. Kaya naman wala na siyang nagawa kundi ang magsalita. Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita.

Ikaw At Ako (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon