Ano daw?! Eh kung bakit naman kasi Friday ang Valentines day?! Pwede bang Thursday nalang? Lord please please pakipalitan yung araw ng Valentines day. Please ....
Bakit ba ako nagrereklamo?
Wala kasi kaming pasok kapag Valentines Day. Ay mali. Eh wala pala kaming pasok kapag Friday .. Ewan ko ba dito sa school namin. Ayaw kaming papasukin kapag Friday. Kami lang tuloy ang university dito samin na walang pasok kapag Friday. Tuloy, hanggang gabi ang klase namin. Nakakatakot kayang umuwi ng gabi. Pero nasasanay naman na ako eh kaya okay na rin.. Reklamo reklamo pa ako xD
So ayun na nga. Walang pasok sa Friday. Valentines Day pa naman yun. Haist.. Isa lang meaning nun. Hindi ko makikita si crush sa Valentines Day. TT.TT Hindi niya ako mabibigyan ng flowers, chocolates at ng pictures niya..
Ay! Mali pala. xD Hindi ko siya mabibigyan ng flowers, chocolates at ng pictures ko. TT.TT Ako nga pala yung may crush sakanya. Hahahahaha!! Oo na. Desperada na kung desperada. Pero ayaw ko pa ding malaman ng mga kaibigan ko na crush na crush ko si Daniel. Ganun talaga! Babae ako eh. Dapat indenial muna sa umpisa. Hindi tulad ng ibang babae jan kung makadikit sa mga boys eh para lang mga sira. Feeling close everyday.
So ayun na nga. Anong gagawin ko sa Friday? Anong gagawin ko sa Valentines Day??
FRIDAY?
Teka,. Anong araw na ba ngayon??
*le look at the calendar.
Thursday,. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!
So, valentines day na tomorrow. TT.TT
Anong gagawin ko?? huhuhuhu!!
tara bigti. Pero joke lang. hahahaha! bad yun. xD makapagpahinga na nga..
***
Haist. FRIDAY na. VALENTINES DAY na.
Shocks!! umaga na pala. teka ano bang first subject ngayon?? ay! Wala nga palang pasok ngayon. hahahahahahaha!. naalimpungatan ako dun ahh..
Makapagfb nga muna. 77 notifications. Wow!! Sabog nanaman no ti ko sa kpop account ko. What's new? Hahahahaha! Teka.. daniel posted on my wall? Can someon explaine this?? Pano ko siya naging friend dito sa kpop account ko? Pano nangyari yun?? Inadd ko ba siya?? Parang hindi naman eh. Pero okay lang. Anong pinost niya sa wall ko??. Anong sinabi niya???
kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! Anong sabi niya? Teak read it again. "Nasan ka mamaya?? May pupuntahan ka ba mamaya? Magkita tayo." Shocking! AS IN SHOCKING! Pero,,, waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Bakit?? Pero parang biglanaman ata akong kinabahan. Ano kayang gagawin niya? Bakit niya naman tinatanong kung asan ako mamaya?? Bakit gusto niya na magkita kami?? hmmmm.
* 1 text message
Anne:
Gagawa tayo ng thesis later ahh. 9 to 5pm dito sa bahay namin. ingat kayo.
ahh. ganun? ganun na nga??. tsssss ... wait.. Anong gagawin ko?? Anong sasabihin ko kay Daniel??. Pano ko sasabihing gagawa kami ng thesis mamaya?? Na hindi ako pwede mamaya.. Eh kung bakit naman kasi nagtext pa si anne na gagawa kami ng thesis ngayon eh. Pwede naman bukas. Sabado naman bukas. walang pasok.. hmmmmm. Hindi ko naman pwedeng dalhin si Daniel dun sa bahay nila Anne. nakakahiya sa mga tito niyang binata pa.
Nagcomment ako sa post niya.
sorry. hindi ako pwede mamaya eh. gagawa kasi kami ng thesis mamaya sa bahay nila anne.
shocks! Hindi na siya nagreply sa comment ko. so ayun na nga.. Ano ba yan?! Sayang naman yung pagkakataon ko na makita siya ngayong Valentines Day. Haist. Si Anne naman kasi eh. Bakit kasi ngayon pa??. Wrong timing naman tong si Anne eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/8126909-288-k780601.jpg)
BINABASA MO ANG
Hanggang CRUSH nalang KAYA??
RomanceSi CRUSH na laging nagpapabilis ng tibok ng puso mo, hanggang CRUSH na nga lang kaya?? facebook page : https://www.facebook.com/hanggangcrushnalangkaya?fref=ts