Sino ka ba para gawin sakin to? Sino ka ba para mabaliw ako ng ganito sayo? Sino ka ba para intindihin ko? Sino ka ba para hindi ako makakain ng maayos? Sino ka ba para maging isang pimple sa mukha ko? Sino ka ba para hindi ako makatulog? Sino ka ba para iyakan ko? Sino ka ba para hintayin ko? Sino ka ba??? SINO KA BA???!
wala akong magawang matino nung hapon na yun. ang mga tanong na yan ang mga pumasok sa isip ko. Sino ba siya para maramdaman ko ang mga nararamdaman ko ngayon? Hindi naman ako ganito dati eh. Hindi ganito ang buhay ko. Masayahin akong tao. Hindi ako ito. Hindi ko ginagawa ang mga bagay na ginagawa ko ngayon.
Ngayon, nandito ako sa library. Gumagawa kami ng thesis na hanep makastress. Stress na nga ako sa pag aaral ko, sinabayan pa ni daniel. Bwisit siya. Bwisit din ako. Bwisit na bwisit. Ano na bang nangyayari sakin???
"tsk. tsk. tsk."
nang aasar pa?? sino ba to?? nilingon ko siya.
WHAT??? SIYA NANAMAN?? hanep naman. siya na nga ang iniisip ko, siya pa ang makikita ko at mang aasar sakin.
"busing busy ahh" sabi ni daniel.
"don't talk to me. I'm busy" sagot ko sakanya.
"hoy lyka anong don't talk to me i'm busy ka jan?? sige wag na tayong gumawa ng thesis." sabi nung tao sa likod ko. nilingon ko siya ulit. schocks. si jepht pala yun. asan na si daniel?? bakit biglang nawala.
"si daniel ang sinasabihan ko nun hindi ikaw. loko. asan na ba yun??"
"daniel?? wala namang daniel dito ahh." what??? walang daniel?? pinagsasabi neto?? eh kanina lang nakita ko siya sa likod ko. kinausap pa ako.
"eh sino pala yung kumausap sakin kanina?" tanong ko kay jepht.
"walang daniel dito. ako yung kumausap sayo. eto talaga!! puro si daniel na ata ang nasa isip mo eh. masama na yan."
"luh. asan na yun?? si daniel talaga yung kausap ko kanina."
"kulit mo din no?? sabi na ngang ako yung kumausap sayo kanina." mukhang nakukulitan na talaga si jepht sakin.
promise. siya talaga yung nakita ko kanina,. shocks!! ano na bang nangyayari sakin. GOLAY naman oh. kakaisip ko sakanya, siya ang nakikita ko. GOLAY talaga!! Ano ba daniel?? naiinis na ako ahh. bakit ka ba ganyan?? ano bang meron sayo at nagkakaganito ako??
HOW DARE YOU DANIEL!! HOW DARE YOU!!
wala kang karapatan na ganituhin ako. leche.
~~~~
Ehmleeee's note
sensya kung maikli. wala kasing inspirasyon eh. huehue.
nga pala tatapusin ko na po tong story na to,. abangan niyo ang mangyayari kay lyka at daniel.
ano kayang mangyayari sa buhay ni Lyka na kay Daniel na lang umiikot ang mundo. hahahaha!!
abangan ang bonggang nakakabaliw na ending. asahan ang hindi dapat asahan :D
end of note.***
BINABASA MO ANG
Hanggang CRUSH nalang KAYA??
RomanceSi CRUSH na laging nagpapabilis ng tibok ng puso mo, hanggang CRUSH na nga lang kaya?? facebook page : https://www.facebook.com/hanggangcrushnalangkaya?fref=ts