"Lyka tulala ka nanaman jan." sabi nanaman sakin ni rose.
"tara rose. samahan mo ko. libutin natin yung buong campus." pagyaya ko sakanya. ewan ko ba. parang may gusto akong makita.
"at bakit naman lilibutin natin ang buong campus? may gusto kang makita no?" aray! pano niya nabasa ang nasa isip ko??
"sige na please. saglit lang tayo"
"sige. sabi mo yan ahh. saglit lang tayo."
lakad papuntang canteen.
pagdating namin sa canteen, tumingin ako sa buong paligid. wala naman si daniel dito eh. hmmmmm. hindi naman kasi dito sa canteen kumakain yun. pero minsan naalala ko kumakain kami nun nang sinabi ni Giselle na.....
flashback***
Giselle: Lyka, yun ba yung crush mo?
ako: huh?? saan??
Giselle: ayun oh. nakatingin pa nga sayo kanina eh pagpasok dito sa canteen.
ako: luh. asa naman.
end of flash back***
ayun na nga. pumunta lang yun si daniel sa canteen para bumili ng kailangan niya. hindi naman niya alam na andun ako eh. bakit kapag nasa canteen ako tapos pumunta din siya dun, meaning nun hinahanap ako??
baka pwedeng may bibilhin lang. haler?? canteen kaya yun. hahahahaha!!
papunta na kami ngayon ni rose sa hallway sa first floor. naalala ko nanaman yung mga panahong lagi akong dumadaan dito kasi gusto ko siyang makita. itong part kasi nato yung hrm department. remember?? hrm siya diba. kaya lagi ko siyang nakikita dito dati.
flashback***
ano ba yan lagi nalang akong late pero dito pa din ako dumadaan para lang makita si daniel. sana naman makita ko siya ngayon para maganda pasok ng araw ko. good vibes agad.
"lykaaaaaaaaaaaaa!! wait mo ko" may sumisigaw sa likod ko. parang may humahabol sakin. nilingon ko siya.
si Giselle pala yun. bakit kaya?? huminto ako para hintayin siya. nang maabutan na niya ako, nagtanong siya sakin...
Giselle: oi. ikaw ahh.. bakit dito ka dumadaan???
ako: wala lang.
Giselle: eh. ang layo neto sa room natin ahh?? late na tayo. bilisan na natin.
ako: okay. tara na.
Giselle: Lyka! sa kanan!!
napatingin ako sa kanan. sa mirrored window. saktong sakto!! kitang kita ko. si Daniel, nakatingin sakin. SHOCKS!!! napatakbo ako ng wala sa oras. hinabol naman ako ni giselle. nang mahabol niya ako may sinabi siya sakin,
Giselle: oi. ikaw ahh. ang haba na talaga ng hair mo teh.
ako: huh? pano mo naman nasabi??
Giselle: nung dumaan kasi tayo dun kanina sa hrm dept nakita ko na agad na nakatingin sayo si daniel. kaya naman sinabihan na kita agad na tumingin ka sa kanan mo. tapos nung tumakbo ka, sinundan ka niya ng tingin. tinignan ko lang siya sa paghabol ng tingin sayo. tapos nailang ata siya kasi feeling niya may nakatingin sa kanya,. nagulat siya ng nakita niya akong nakatingin sa kanya.
ako: luh. malabong mangyari yun, baka may hinahanap lang siya o kakilala na kasabay natin kanina kaya siya nakatingin. hindi ako yung tinitignan nun noh.
end of flashback***
ngayon naman nasa basketball court na kami ni rose.
naalala ko tuloy nung may nagseminar dito samin ng about sa mangrove chorva...
![](https://img.wattpad.com/cover/8126909-288-k780601.jpg)
BINABASA MO ANG
Hanggang CRUSH nalang KAYA??
RomanceSi CRUSH na laging nagpapabilis ng tibok ng puso mo, hanggang CRUSH na nga lang kaya?? facebook page : https://www.facebook.com/hanggangcrushnalangkaya?fref=ts