Chapter 6: Stay, I want you

387 36 10
                                    

Chapter 6: Stay, I want you

Erenz's P.O.V

Nagmamadali akong lumabas ng meeting room. Hindi ko na pinansin ung co-teacher kong tumatawag sakin. Nakakabadtrip naman kasi, biglaan kaming pinatawag ng head namin may urgent meeting daw. No choice responsibility ko bilang teacher ang dumalo. Pero hindi ko inaasahan na tatagal ng mahigit dalawang oras.

Late na late na ako sa usapan namin ni Fay. Hindi ko pa naman siya naitext kanina, bawal kasi ang cellphone kanina. Importante daw kasi ang imemeeting kaya dapat mag focus daw.

Ititxt ko na lang siya ngayon.

to: Baby Fay

Baby sorry, i'll explain pagdating ko diyan.

Are you still there?

-end-

Sa sobrang madali ko tinakbo ko na papuntang parking lot. Ang layo pa naman ng parking lot mula sa meeting room. Badtrip! Sana hindi pa siya umuuwi.

Pagdating ko sa parking lot, may nakita akong sasakyan, hindi pamilyar, kaya hindi ko na lang pinansin. Papa-alis na din naman.

Nakakapanibago dati naman walang gumagamit dito, meron na pala ngaun. Dapat siguro sa susunod wag na kami dito magkita ni Fay.

Nasaan na ba siya?

Hinanap ko siya sa buong parking lot. Inikot ko na pero wala akong nakitang Fay.

Tinext ko ulit.

to: Baby Fay

Naka-uwi ka na ba?

-end-

May napansin akong umi-ilaw banda don sa pinanggalingan ng kotse kanina.

Paglapit ko..

Phone to ni Fay ah!!

"SHIT!!"

Nagmadali akong sumakay ng sasakyan ko! Sinundan ko kaagad ung sasakyan kanina! Malakas kasi ang kutob ko nandon si Fay!

Bigla tuloy akong kinabahan! Kung anu-ano na tumatakbo sa isip ko!

"Shit! Nasan ka na?!!" Hindi ko makita ung sasakyan!!

Pinaharurot ko pa ng mabilis ung sasakyan ko. Napaka bilis naman mawala agad ng sasakyan na yon! Badtrip!

Nakita ko na! Huminto sa isang, ano to? Condominium? F*ck! Anong ginagawa nila dito?

The Villain HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon