Chapter 13: Savior??

167 18 3
                                    

Chapter 13: Savior??

Fayde's P.O.V

"Paki-bitawan naman yung kaibigan ko oh.." Nakangiti at malambing na sabi ng lalaking nag-alok ng tulong sakin.

Hindi ko maalala yung pangalan niya, pero kilala ko siya. Nakita ko na siya. Pero kahit sino pa siya laking pasalamat ko parin sa kanya.

Bakas sa muka nila Faith ang pagkagulat nang makita nila ang lalaking tutulong sakin. Bakit sino ba tong lalaking to? Bakit ganyan na lang ang reaksyon nila?

Agad din naman nila akong binitawan at parang mga asong umurong ang mga buntot. Bakit parang takot sila Faith sa lalaking to? Wala namang kakaiba sa kanya. Muka nga siyang masayahin e.

"What? Kaibigan? Duh! Well ang swerte mo talagang babae ka." Gulat na sabi ni Faith sabay tulak sakin palayo sa kanila.

Muntikan na akong masubsob buti na lang at sinalo ako ng lalaking tumulong sakin. Tiningnan niya ako sandali at ngumiti. Iniharap niya ako sa kanya para matakpan ang nakabukas kong polo. Ang malapad niyang dibdib ang naging panakip ko sa nakalantad kong katawan.

"Well wag mo nang kaibiganin yang loser na yan, you want mag-date na lang tayo?" Sabi ni Faith at todo pacute pa sa lalaki.

"Sorry miss hindi ako pumapatol sa clown. Hahaha" Sagot ng lalaki at tumawa ng tumawa.

Narinig kong tumawa din ang mga studyanteng nakapaligid sa amin.

"How dare you?!!" Nagwala lang sa kahihiyan si Faith. Hindi kasi siya natatanggihan ng mga kalalakihan dito sa school. First time niya sigurong mabusted.

Namumula sa galit na nag walked out si Faith kasama ang mga alagad niya. Napatingala naman ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon, mas matangkad kasi siya sakin kaya kailangan ko pang tumingala. Tiningnan ko lang siya, namumukaan ko talaga siya. Pero hindi ko maalala kung sino siya.

"May dumi ba sa muka ko?" Malapad na ngiting tanong niya sakin. Bigla naman ako nabalik sa sarili ko nang tanungin niya yan. Hindi ko na namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya.

Napa-iwas agad ako ng tingin. Umiling ako bilang sagot.

"Wala akong jacket na ipapahiram sayo." Sabi niya na nagkakamot ng ulo habang nakangiti nanaman. Pero umiwas din siya agad ng tingin sabay sabi ng "Pwede bang yakapin na lang kita para matakpan yan.." at itinuro niya ang katawan kong halos hindi na natatakpan ng maayos.

The Villain HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon