Chapter 17: Thirsty for what?

114 8 0
                                    

Chapter 17: Thirsty for what?

Rupert’s P.O.V

Ang galing talaga ng kaibigan ko, mantakin niyo yun iniwan na lang ako bigla pagkatapos niya akong bugbugin! Tsk iba talaga nagagawa ng pag-ibig hahaha hayaan na nga lang. At least makaka-uwi na ako at makakatulog na! Kahapon pa ako puyat dahil sa magaling kong kaibigan e!

Pag-uwi ko diretso agad ako sa kusina para makakain na at pagkatapos ko kumain natulog na ako kaagad.

Sobrang sarap at himbing na ng tulog ko na halos maglaway na ako ng isang timbang laway sa sobrang sarap ng tulog ko, bigla naman akong sinipa, pagtingin ko si Hero. Hindi ko pinansin nag-iba na lang ako ng posisyon kasi mamaya nanaginip lang ako. Pero tang ina may sumipa nanaman sakin at pag tingin ko ulit muka nanaman ni Hero ang nakita ko. Ano bang nangyayari sakin? Hindi kaya natrauma ako sa pag bugbog niya sakin kanina kaya hanggang sa panaginip binubugbog niya parin ako?

“Get your f-ucking sleepy head up!”

Tang-ina nagsalita na! Totoo nga siguro to hindi lang to panaginip! Kinusot ko yung mata ko at nakita ko ng malinaw yung galit na muka nitong si Hero! Hindi nga ako nanaginip nandito nga talaga siya.

“Hey tol, akala ko namiss lang kita kaya napanaginipan kita, yun pala ikaw itong nakamiss sakin, talagang pinuntahan mo pa ako dito ah! Hahaha” Sabi ko sa kanya sabay bangon, hinimas ko din yung sinipa niya sakin.

“Pero tol grabi ka naman makamiss, talagang kailangan manipa?” Reklamo ko sa kanya.

“Follow me!” Ayan lang ang isinagot niya sakin. Anak ng tupa, ano nanaman bang adventure ang gusto nitong gawin!

Wala na akong nagawa kundi sumunod na lang sa kanya. Mula dito sa kwarto ko sa second floor dumiretso siya sa baba, sa sala. Nakatayo lang siya doon at nakabusangot yung muka.

“Tol, ano nanaman bang trip mo? Inaantok pa ko!” Sabi ko sa kanya ng inaantok pa.

Saglit siyang tumingin sa paligid tapos saakin. Ginaya ko yung ginawa niya at tangina, bakit parang binagyo tong bahay ko? Hindi kaya nanakawan ako?

**

Fayde’s P.O.V

Ang bad talaga ni Hero. Ipakilala ba naman akong zombie sa girlfriend niya o kung sino man yon!? Narinig ko sinabi niya zombie e, sigurado akong ako yung tinutukoy niya. Hindi naman ako shunga, ako lang naman yung kasama niya di ba? Saka kanina pa niya ako tinatawag na zombie kaya nakakasigurado akong ako nga yung tinutukoy niya. Urgh! Ang sama niya talaga. Sa cute kong to zombie ang tingin niya sakin? siya nga tong ugaling zombie e.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Villain HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon