Chapter 10: No escape

294 26 11
                                    

Chapter 10: No Escape

Fayde's P.O.V

"What? Pwede paki-explain ng maayos?" Naguguluhan kong tanong sa dalawang lalaking kasama ko ngayon.

"Baby listen, kailangan natin siya, para na din to sa relationship natin." Paliwanag ni Erenz.

"No! Hindi ko siya kailangan. Tapos ang usapan." Mariin kong sagot sa kanya. Tiningnan ko naman yung lalaking sinasabi ng baby ko na kailangan ko daw. Duh!

"Stubborn.." Bulong ni Hero. Pero halatang pinarinig niya talaga sakin.

Inirapan ko na lang siya, ayokong makipag-usap sa kanya. Kumukulo ang dugo ko sa lalaking to eh!

Sinabi niya pala kay Erenz na fiancee niya daw ako. Ang kapal ng muka niya. Kaya pala galit na galit si Erenz sakin non. Pero buti na lang nalaman din ni Erenz yung totoo, hindi ko lang alam kung paano, pero ang sabi ni Erenz si Hero daw ang nagsabi ng totoo. Dapat lang noh?! Siya may kasalanan non, responsibilidad niya yon. Pero kahit siya ang nagsabi ng totoo naiinis parin ako sa kanya!

Nandito kami ngayon sa bahay ni Erenz. Feel at home nga tong bwiset na Hero na to, nakuha pang utusan si baby erenz ko na ipagtimpla siya ng juice, ang kapal ng muka, e ako ngang *ehem girlfriend hindi nagdedemand!

"Baby after mo naman makagraduate okay na ang lahat satin, hindi na natin kailangan pang gawin to hindi ba?" Mahinahon at malambing na paliwanag ni Erenz sakin.

Ayan nanaman siya. Konti na lang papayag na ko. si Erenz naman kasi masyadong convincing.

"Think of it baby.." Pang ilang ulit na ba niyang sinabi sakin? Lima? Sampo? Ewan! Hays.

"It's NO again!" I said.

"*sigh okay if that's your choice, i'll respect it." He said and smiled at me.  A fake smile. Yeah Ikow.

Argh! Gini-guilty pa ako. Tama ba yon? Nasaan ang katarungan?!

"Hitayin niyo na lang ako sa labas magbibihis lang ako.." Sabi ni Erenz.

Tumayo na siya at naglakad papunta sa grand stairscase ng bahay niya.

Iiwan niya ako kasama nito?! Tiningnan ko naman tong isa naming kasama, akala mo pipe hindi nagsasalita, pero pag kami magkasama ang daldal naman. tsk. Inirapan ko siya sabay padabog na naglakad palabas ng bahay. Kampanteng kampante si Erenz na maiwan ako kasama tong lalaking to. Argh! Hindi porket nagka-usap na sila at nagka-ayos na DAW, e mawawala na ang pagnanasa sa akin ng Hero na to. You know what I mean.

The Villain HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon