Chapter 15: Stalker

104 14 10
                                    

Chapter 15: Stalker

 

 

Fayde's P.O.V

Pag-alis ko doon sa bakanteng room kung saan nagsuntukan na yata sila Hero at Rupert, hindi ko talaga mapigilang umiyak. Naawa ako sa sarili ko. Gusto ko sanang tanungin yung sarili ko kung may ginawa ba akong mali kaya nangyayari sakin to kaso mukang meron nga he-he minsan kasi nagsisinungaling ako he-he pero uy minsan lang naman eh. *pout* saka white lies ang tawag don.

Dumiretso na ako pauwi, hindi muna ako papasok ngayon. Hindi ko na nga nakuha yung bag ko sa classroom e. Waaa! Hindi ko pa kasi kayang harapin yung mga classmates ko lalo na sa ganitong itsura ko. Muka daw akong nirape sabi ni Hero e, di ba?. *pout*

Buti na lang noong paglabas ko ng school walang guard sa gate kaya malaya akong nakalabas. Pero Waaa! Ang sama ko nagka-cutting ako. Kaya ganito napapala ko e, ang bad ko kasi talaga huhu.

Nagmadali na akong naglakad papunta sa sakayan, ang layo naman kasi, pang mga rich kid kasi tong school ko puro mga dekotse ako lang yata yung bumababa sa kanto tapos maglalakad pa papunta sa school..

Muka akong magnanakaw ngayon dito, pano nagtatago ako sa bawat poste o pader na madadaanan ko. Baka kasi may makakita sakin, naka-uniform parin kasi ako kahit papano, kahit sira-sira na to uniform parin to pwede parin akong makilala at pag nagkataon lagot pa ako.

Pagdating ko sa sakayan, pumara agad ako ng taxi. Minsan lang ako magtaxi pag emergency lang huhu nanghihinayang pa nga ako e. Hindi ako pinansin nung taxi na pinara ko, ano ba yon? wala naman nakasakay ah. *pout* Ang tamad naman ng driver na yon, o baka nag roroad trip lang si kuaya driver? Ay hayaan na nga.

"Taxiiii?" Tawag ko ng taxi, pero dirediretso lang. Bakit? Ano bag meron sakin at ayaw nila ako isakay? Bukod sa muka akong pulubi dahil sa itsura ko ano pa ba? May pera pa naman ako pangbayad ah.. ay teka?

*kapa sa bulsa. kapa. kapa.*

"Waaaa!!" Daing ko ng makapa kong wala pala akong dalang pera. Kaya pala ayaw nila ako isakay kasi wala akong pangbayad. Huhu Paano ako ngayon makaka-uwi nito? Maglalakad? Pwede rin kaso "Waaa!!" Daing ko ulit ng makaramdam ako ng sakit ng katawan. Paano ko kakayanin na maglakad pauwi? Ang layo layo ng bahay namin tapos ang sakit pa ng katawan ko! "Waaa!!" huhu.

"What are you? A cow?!"

"Waaaa!!" Nasambit ko ng mas malakas ng may magsalita sa tabi ko. Nagulat naman ako sa kanya. Anong ginawa niya dito?

**

 

Rupert's P.O.V

Pagkatapos akong bugbugin nitong si Hero, oo binugbog ako ng hinayupak na to! Aww yung muka ko na damage tuloy. Badtrip. Dinala niya ako sa clinic ng school na to. Gago rin to e, pagkatapos akong bugbugin, ipapagamot ako. Haha mahal na mahal talaga ako nitong kaibigan ko hahaha

The Villain HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon