SHE'S DIFFERENT 15 - Five things.

16.1K 358 49
                                    

I'm backkk! Hahahaha! XD

Eh kasi naman e. Hahahahaha! Kinikilig ako sa comments niyo! Hahaha! Osiya. Eto na. Start!

**15**

Terrence's POV

Anong gagawin ko?

Duguan siya. 

Tapos habang tinitignan ko siya, binuksan niya yung pinto at tumakbo palabas.

*bang* *bang*

Dalawang putok ng baril ang narinig ko. Tinignan ko yung labas, at nakita ko si Saff na hawak yung balikat niya at pinapaputok yung baril.

"Tch! Nakatakas." tapos pumasok ulit sa loob.

Di ako makapag-salita, ang tapang niya. Sobra. Nakanganga lang ako. Para akong babae na pinoprotektahan ng lalaki. Laswa. -_-

Hinihingal siya pagpasok sa loob. Tagaktak yung pawis niya. Tapos dumudugo yung balikat niya.

"O-okay ka lang?" tanong ko. 

"Okay lang. *huff* Malayo sa bituka.*huff* *huff*"

"Malayo sa bituka? Baliw ka ba?! Nabaril ka! NABARIL! Gusto mo ispell ko pa?" sigaw ko. Eh kasi first time 'to sakin no! Wag niyang iexpect na tumawa ako. Tapos.. para sakin pa dapat yung bala. Siya sumalo. Para akong naging babae. Nawawala pride ko!

"OA mo naman. Lagi naman 'tong nangyayari sakin." sagot niya. Pero alam kong nanghihina na siya.

"Manong Gilbert sa hospital po tayo." sabi ko sa driver. Kelangan siya dalhin dun! Marami ng dugo ang nabawas sa kanya!

"Wag na. Ang kulet mo naman. Manong Gilbert sa bahay po." aba. Ako pa makulet ngayon?!

"Hinde Manong, sa ospital!"

"Manong. Bahay."

"Ospital!"

"Bahay."

"Ospital!"

"Bahay." 

"Ang ingay niyo! Pwede ba hindi ako makapag-decide sa inyo! Wag kayong magulo! Ako masusunod ako driver! Pero masusunod pa rin si Mam Cynthia. May mga utos siya sakin. Di ko pedeng hindi yun sundin."

O.O

Ohh. Is that Manong Gilbert na driver namin? Si manong na panot na? Wow ah. Umiispeech.

"San tayo?" nagising ako sa pagkaka-mangha sa new discovery ko ng nagsalita si Saff.

"Bahay. Yan ang utos ni Mam Cynthia." oka---

"Anoo?! Anong bahay?! Kita mo na ngang nabaril siya! Tapos bahay?! Pano yan magagamot?! Walang marunong gumamot jan!" sigaw ko. As in SIGAW. Galit ako e. Ay inis lang pala.

"Wala tayong magagawa jan Sir Rence. Personal Bodyguard niyo siya. Kasama yan sa trabaho niya."

"Oo, alam ko. Bodyguard ko siya. So what? Wala na tayong pakielam kung mamatay siya jan? That's not Personal Bodyguard! That's Personal Sacrifice!" sigaw ko. OO GALIT NA KO NGAYON. SERYOSO.

Hindi nagsalita si Manong. Hah! Alam ko naman na hindi si Manong ang may utos. Si mama. Nako!!! Nako!!! Nakakainis! nakakabwisit! Parang mga tanga lang. May mamatay na't lahat-lahat wala paring pakielam!

SHE'S DIFFERENT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon