Hi Ate Nayin~!
Thank you po sa cover. :))))))
Ganda diba? :D
**35**
Franz's POV also known as Quess.
14 years old Franz. Nasa US.
Siguro iniisip niyo kung bakit nandoon ako sa murang edad? Nag-aaral? Isa din yan. Pero isa sa main reason ay, nag-papraktis.
Anak ako ng dalawang tao na master si Yocteau.
Ako daw ang kapalit nila. Ako daw ang magsisilbing bagong sila sa organization. Wala akong nagawa. Nakatadhana na ako.
I was lonely.
Wala akong rason ng pagngiti sa mga oras na yon. Hindi ako ngumingiti. Iniwan ko ang kapatid ko sa pilipinas. At ako, nandito. Ayoko dito. Ayokong pumatay. Ayoko kay Yocteau. Hindi man pansin, pero, punung-puno siya ng galit.
Nagbago lahat, isang gabi.
Isang batang babae. Apat na taong gulang na batang babae ang dumating. Lagi siyang nakatungo. At ang weird pa sa lahat, naka-cap siya. Malaki sa kanya ang cap na yun, halos matakpan na ang buong mukha niya. Pero hindi niya yun tinatanggal.
Nung mga oras na yun, nakaramdam ako.
Malungkot siya, katulad ko.
"Quess. This girl is from the Philippines. From now on, take care of her. This girl will be a powerful piece."
Yun nga. Binantayan ko siya.
"Anong pangalan mo?" Tinabihan ko siya at umupo. Hindi kasi siya nagsasalita. Parang.. takot siya sa mundo. Takot siya sa lahat.
Hindi siya sumasagot. Kahit anong tanong.
Napabuntong-hininga nalang ako. Malungkot ako, pero mas malungkot siya.
"Sige, kung ayaw mong sumagot, ok lang. Sabihin mo nalang kung kelan mo gusto. Dito lang ako." I smiled at her.
Napatingin siya sakin.
Nanginig bigla ang katawan niya. At nakita kong may tumutulo na tubig sa kamay niya. Umiiyak siya.
"Wag kang umiyak.." Niyakap ko agad siya. Ayoko sa lahat ang makakita ng umiiyak. Nagiging.. soft ako.
"Mag-isa nalang ako.." Patuloy pa din siyang umiiyak.
"Iniwan na nila ako.. WAAAAAAAAAAAAAAA!" Lalo kong hinigpitan ang pagyakap ko sa kanya.
At simula niyan,
I felt the urge that I need to protect her.
"Mali. Baliktad." Mali yung pagkakasuot niya ng damit niya. Ang cute niya tignan.
Inayos ko ang damit niya.
"T-thank you.."
"Welcome." Nginitian ko ulit siya.
Ngayon, nakakangiti na ko.
Pakiramdam ko kasi, kailangan ko maging matapang. Para sa kanya. Kung hindi ako ngumiti, anong reason niya para ngumiti?
Pero.. hindi ko pa nakikita ang mukha niya. Naka-cap siya na halos matakpan na ang mukha nya. Kahit bibig niya hindi ko makita.
Kaya naisip ko na tanggalin yun.
"W-wag! AKIN NA YAN! WAG MONG TANGGALIN! AKIN YAAAAAAAAAAAN!"
Sumigaw siya. Umiiyak na naman siya.
BINABASA MO ANG
SHE'S DIFFERENT [COMPLETED]
FanfictionMeet Zero, an unbeatable master gunman, a cold and unfeeling killer and a member of 5 pillars, a group in a dark organization. Most of her life was surrounded by violence, so she is quiet, asocial and uncaring. Until she meets Terrence, the son of t...