"What?!"Gulat na sigaw nila Lola at Lolo. Pagkauwi kasi namin sa bahay ay ikwenento ko kaagad sa kanila ang nangyari kanina.
Nakaupo lang ako sa may couch katabi si Kuya, habang sina Lolo at Lola ay nasa harapan naming dalawa. Hindi mapakaling palakad-lakad.
"Mukhang nagsisimula na naman silang gumalaw." sabi ni Lolo na tila kinakabahan.
"So? What do you want us to do?" Tanong ni Kuya habang nakakunot ang kanyang noo.
"Kailangan niyo nang umalis dito, nanganganib na ang buhay ninyong dalawa." sabi naman ni Lola.
"At saan naman kami pupunta?" Tanong ko. Bakit ba sila nagkakaganyan?
"Kailangan niyo nang pumunta sa lugar kung saan kayo ligtas." Seryosong saad ni Lola.
"At kailangan niyo na ring lumipat ng school. H'wag niyo nang alalahanin kung saan kayo titira dahil may dormitory doon sa school na papasukan niyo. C'mon, pack your things. You two will be leaving tomorrow early." sabi ni Lolo kaya wala na kaming magawa ni Kuya kundi bumalik sa aming kwarto at mag-impake. Alam ko namang nag-aalala lang dina Lolo at Lola sa amin, pero tama ba na takasan nalang namin sila? So ibig sabihin, kung aalis kami ni Kuya rito, sino ang magbabantay sa kanila? My grandparents are stubborn sometimes.
Pagkatapos kong mag-impake ay ginawa ko na ang aking night routine. Pagkatapos kong magbihis ng pantulog ay agad akong humiga sa kama. Bigla nalang akong napahawak sa aking kwintas. Ito nalang ang ala-ala ko sa aking tunay na mga magulang. Sigh. Nasaan na kaya sila? Siguro naman may dahilan sila kung bakit nila ako Iniwan kina mama at papa. Ilang minuto rin ang lumipas na ganoon lamang ang posisyon ko hanggang sa di ko na namalayan na dinalaw na pala ako ng antok.
>>>
"Apo? Gising na, aalis na tayo maya maya." Rinig kong sabi ni Grandma kaya wala na akong magawa kundi bumangon nalang.
Pagtingin ko sa oras ay alas-sais palang ng umaga. Bumangon na ako at naglakad papuntang banyo para maligo.
Aftet cleaning myself, I decided to wear a simple white denim jeans and red fitted shirt. Pinaresan ko ito ng high cut black converse. Hinayaan ko lang na nakalugay ang aking pink na buhok at naglagay na rin ako ng contact lens. Lumabas na ako ng kwarto ko at naglakad pababa dala ang aking isang maleta at back pack. Pagkababa ko ay nadatnan ko sila lolo, lola at kuya na nakaupo sa living room. Hinihintay ata ako.
"Good morning, Lola, Lolo at Kuya." bati ko sa kanila.
"Oh, nandito ka na pala." sabi ni lolo.
"Ay, hindi Lolo. Kaluluwa ko lang itong nakikita mo." pamimilosopo ko habang nakapoker face.
"Tsk! Tara na nga." sabi ni Lolo at lumabas kaya sumunod na kami nila Lola at Kuya sa kanya hanggang sa makarating kami sa sasakyan.
Si Lolo na ang nagprisentang mag drive habang si Lola naman ay nasa passenger seat at kami ni Kuya ay nasa likod. Nakatulog agad si Kuya nang magsimula na kaming bumyahe. Kaya heto ako ngayon, nakikinig ng music sa aking headphone habang nakapikit. Hanggang sa dalawin nalang ako ng antok
>>>
2 hours passed.
"Mga apo, gising na kayo. Nandito na tayo." sabi ni Lola habang niyuyugyog ako at ganoon din si Lolo kay kuya.
Yawn.
"Asan na po ba tayo?" Tanong ni kuya.
"Nandito na tayo sa school na papasukan niyo." sagot ni Lolo habang nakangiti.
Pagkababa namin ni Kuya ng sasakyan ay bumungad sa amin ang isang napakalaking gate na kulay puti at sobrang taas to the point na hindi ko na makita ang tuktok nito. Wow! This is my first time to see a school with a very huge gate. I wonder kung ano ang itsura sa loob.
YOU ARE READING
Moonlight Academy (Self-Published)
Fantasy[Full version now on Dreame] Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy "Not all light are good, and not all dark are bad. So, be careful. Because the devil is once an angel." MOONLIGHT ACADEMY All rights reserved. ©itsmaidenblack