Chapter 01

109K 2K 322
                                    

Note: I hope you read the disclaimer before proceeding here. But if you didn't, I just want to say that----again, I started writing this story way back in 2017 so expect cliche' scenes (I was young and just starting). You may find this one dull but the plot was very well-known before and that's when I decided to make mine.

Ellyce.

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa panaginip ko. Agad akong napahawak sa ulo ko nang maramdaman kong medyo nananakit ito. That dream again. Ilang beses na ba akong nanaginip ng ganoon? Hindi ko na mabilang. I don't know why though. Hindi ko alam kung para saan 'yon.

Napabuntong hininga nalang ako at naisipang mag-jogging muna. Suot ko ngayon ang isang short at sports bra tsaka pinatungan ko ng black jacket. Then a black rubber shoes, tsaka tinali ko na rin ang buhok ko, at dala ang aking mp3, lumabas na ako ng aking kwarto.

Pagkababa ko ng hagdan ay nakita ko si Grandma na nakaupo sa sofa habang umiinom ng kape. Nang makita niya ako ay binigyan niya ako ng isang ngiti. Sina Grandma at Grandpa na ang nag-alaga sa amin ni kuya simula no'ng mamatay ang mga foster parents ko or should I say na pinatay ng mga hayop na Dark Wizard na 'yon. At dahil do'n ay sina Lola at Lolo na rin ang nagsanay sa amin ni kuya kung paano kontrolin ang mga kapangyarihan namin. Yes, you read it right. We had a power pero magkaiba kami. Kasi nga, 'di ba? Ampon lang ako at anak nila Mom and Dad si Kuya kaya hindi kami magkadugo. Sand manipulator at teleportation si Kuya, at ako naman ay kayang kontrolin lahat ng kapangyarihan. Yes, lahat ng kapangyarihan ay meron ako. Gaya nalang ng yelo, tubig, apoy, hangin at marami pang iba. Alam kong imposibleng makontrol ng isang immortal ang lahat ng kapangyarihan, pero hindi ko na quenistyon sina Mom and Dad kung bakit meron ako lahat ng kapangyarihan.

"Ang aga mo namang nagising, apo. May pupuntahan ka ba? Bakit ganyan ang suot mo?" Tanong niya.

"Naalingpungatan po kasi ako eh, kaya mag-jojogging nalang po ako." sabi ko at ngumiti ng malumanay.

"O sige, mag ingat ka, ha?" paalala ni Lola. Tumango lamang ako at lumabas na ng bahay. I was welcomed by the cold air and silent road.

Sinuot ko nalang ang headphone ko at nakikinig ng music habang tumatakbo.

Minutes turn to hours, naisipan kong magpahinga muna. Umupo ako sa bench na nasa park ng village at tinanggal ang headphone sa akin tenga at tiningnan ang paligid. Agad na napakunot ang noo ko nang may mapansin akong kakaiba. Parang may nakikita ako sa likod ng malalaking halaman ng isang bahay.

I'm not sure if I saw it right, but it's a built of human. Nagkabit balikat nalang ako at pinagpatuloy ang pagtakbo.

>>>

Nakailang libot narin ako sa village namin bago umuwi sa bahay para gawin ang aking morning routine. Nga pala, first day of school namin ngayon ng kuya ko at nasa college na kami ngayon. HRM ang kinuha kong kurso at kay kuya naman ay Medicine.

Kasalukuyan akong narito sa banyo ng aking kwarto. Kakatapos ko lang maligo at magbihis. Mariin kong tinitigan ang sarili ko sa salamin. I have this very pink eyes na aakalain ng iba na contact lens lang. Hindi ko alam pero parang may ipinapahiwatig ang mga mata ko. Hindi ko lang alam kung ano. Sometimes, I found it weird. Tuwing kaarawan ko kasi ay nagliliwanag ito.

Pagkatapos kong gawin ang aking morning routine ay bumaba na ako at nadatnan sina Lola, Lolo at Kuya na kumakain. Binati nila ako ng good morning kaya binati ko rin sila pabalik. Pagkatapos no'n ay umupo ako sa tabi ni kuya at nagsimulang kumain.

Pagkatapos naming kumain ay sumakay na kami sa kotse at si Kuya na ang nagpresintang magdrive papuntang school.

Nang ma-park ni Kuya ang sasakyan ay sabay kaming bumaba at nagsimulang maglakad. Habang naglalakad kami ni Kuya sa hallway ay agad na nabaling sa amin ang tingin ng mga estudyante na aming nakakasalamuha. Argh! I hate attention!

Moonlight Academy (Self-Published)Where stories live. Discover now