chapter 32 BAD DAY→ GOOD DAY?

72 16 0
                                    

TUESDAY- JUNE 23,2017

LIZA'S POV

"Tumigil nga kayooo!!!!" Sigaw ko

"Ito kasi si Bryle di marunong mag bigay" pag sumbong sakin ni Justin

"Anong ako?! Bumili ka ng sa'yo! Pake mo kung ayaw kong magbigay eh... Ako ang bumili nito! Kung gusto mong kumain bumili ka ng sayo!" Sigaw ni Bryle kay Justin

"Nah... Nakakapagod pumunta sa Canteen eh..." Pag iinarte ni justin

"So anong gusto mo?! Na ako ang bumili para sa'yo? Heh! Ano ka siniswerte?" Sabay smirk ni Bryle

"Sige na Bryle please.. Bigyan mo lang ako kahit isang piraso" si Justin halos lumuhod na sa sahig

"No!" Hay... Parang mga bata tong dalawa! Ay teka... Nasa dance club kami ngayon sabi nung trainer may announcement lang daw siyang sasabihin,eh... Habang nag hihintay kami dito eh... Itong dalawa walang magawa kundi mag-away-__-at alam niyo ba kung ano ang sobrang importanteng pagkain yun? CHOCO KNOTS! Yeah... Isang Choco knots lang ang gumawa ng perwisyo sa buhay ko at dahil ang swerte-swerte ko... Ako ang kinukulit nila o di kaya sa akin sila mag susumbong..." Isip bata ng dalawang to... "

"Wow! Nangaling pa talaga sa'yo ang salitang isip bata" sabi ni Bryle sabay slow clap pero teka... Akala ko kausap ko lang ang sarili ko napalakas siguro kong pag-sabi:/

"Well... Hehe.. There's a logical explaination about that" sabi ko

"Sige nga... We would like to hear your explaination" nag smirk si Justin, mukhang wala akong kakampi sa labang ito

"Ah... Gusto niyo ba ng choco knots? Bibili ako.. Hehe" awkward kong pag tawa

"Hmmm..." Inobserbahan ako ni Bryle kung kinakabahan ba ako habang ako naman pawis na pawis na dahil sa kaba

"Psh... Distraction to Justin obvious naman chini-change niya ang topic kasi guilty" patay. Nabisto ako ni Bryle

"Well.. Who cares! Libreng choco knot... Si liza pa ang pupunta sa canteen para bilhin yun diba liza?" Tinaas baba ni Justin ang kilay niya, tong mga lalakeng to sobrang tamad! Di ako na lang ang ginawa nilang utusan -__-

"Ah.. O-oo" awkward kong pag sabi

"Psh... What ever... Bumili ka na nga dun!"

"Masusunod mga SEÑIORITO!" diniinan ko talaga ang señiorito kahit si Justin naging señiorito na rin talagang binago na talaga siya nila Bryle

Lumabas na ako sa room at agad akong pumunta sa Canteen saktp naman nandun si Brent

"Hi Brent!" Sabay wave ko sa kanya

"Hi liza! Anong bibilhin mo?"tanong niya

" ah... Choco Knots para sa dalawang señiorito" nga pesteng señiorito -___-

"Ba't di nalang sila ang bumili? Ba't ikaw pa ang pinabili"

"Eh... Ginagawa nila akong alalay"

"Ano? Ikaw alalay? Di ka dapat tinatrato ng ganyan kasi di ka alalay... Prinsessa ka" sabay smile niya sakin

"Thanks" sabay smile ko na rin

"Ah.. O sige ako na ang bibili ng pagkain umupo ka nalang dun sa table, aking prinsessa" sabay wink niya sakin, ako naman naka ramdam na naman ng kilig

Umalis na ako sa linya at umupo na ako sa silya, habang inoobserbahan ko ang paligid may nakita akong agad na naka kuha sa attensyon ko si Alicia at Miguel magkasama...sila na ba? Bigla akong naka ramdam ng kirot sa dibdib ko, di naman sa di ako masaya para sa kanila pero may gusto ako kay Miguel eh...

Perfect Choice[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon