Chapter 55 Plan

62 15 4
                                    

BRYLE'S POV

Habang nag d-drive ako iniisip ko kung paano ako babawi sa kanila dapat kasi maka bawi talaga kasi alam kong sobrang nasaktan ko sila ewan ko kung babalik ba talaga kami sa dati yung maingay pero masayang grupo atsaka alam kong matagal pang panahon bago pa nila ako mapatawad pero kaya kong mag hintay. Atsaka alam kong sobrang nasaktan ko rin si Liza kung di siguro ako nagpangap na mahal ko si Stephanie siguro naging kami na ni Liza— no! Hindi pwede to! Di ko dapat to iniisip ayaw kong sirain yung buhay nila lalong-lalo na kay Justin alam kong matagal na niyang hinihintay tong araw na maging sila ni Liza kaya di ko sisirain yun ayaw ko nang maging dahilan ng kaguluhan...true... di matatapos ang kaguluhang alam kong ako ang may sanhi atleast di ako makakasira ng mga buhay nila siguro yung mga mukha lang nila ang masisira...hehe...



...babalik na si Bryle Niel Pressman...








"Bryle—pfffftttt... haha!! Papa Bryle anong nakain mo at nag ala-alucard ka diyan? Haha"putek din tong si Patrick oh! Kung sapakin ko kaya yang panget niyang mukha


"Sige isa pang sat-sat mo at makaka tikim kana ulit ng—"



"—your finally back to normal!!!"putek biglang naging emotional tong gagong to



Niyakap niya ako ng mahigpit kaya napa irap lang ako sa ka-kornihan

"—teka! Teka! Tama na nga!"sabi ko sabay tulak sa kanya na sanhi ng pagka bitaw niya ng yakap

"I—I'm just so happy" may pa teary-eye pa tong nalalaman... tss...


"Whoah... So confirmed na bang may relasyon kayong dalawa? Ahaha! Don't worry Pat ako na bahalang mag sabi sa girlfriend— ay! Este... EX-GIRLFRIEND" eto pa tong isa ang sarap pag untugin rin yang mga gagong yan


"Pake mo Jefferson? Di ba puwedeng na miss ko yung dating Bryle"



"Tss... nababakla ka lang"bulong ni Jefferson


Humarap si Patrick kay Jefferson na naka simangot mukhang mag susuntukan na naman kaya bago pa man sila magka sakitan... pinag untog ko sila... anong in-expect niyo titigilan ko sila sa pag kasakitan ayaw ko nga!


"Aray/Shet!"sabi nilang dalawa sabay himas sa kanilang mga ulong walang laman


"Ikaw kasi!"sigaw ni Jefferson sabay tulak kay Patrick kaya medyo natumba si Patrick



"Anong ako! Ikaw nangunguna diyan!"sabay tulak kay Jefferson pag tulak naman ni Patrick parang walang epekto dahil sa mas malaki ang katawan ni Jefferson kaysa kay Patrick




Narinig ko namang may tumawa sa likuran ko at nakita ko si Justin na naka bihis na ng damit. Pagharap ko naman kay Justin agad naman siyang napa taas ng kilay


"Anong meron at nag costume ka?"sabi niya sabay crossarms

"Wala... PAKE MO!"


"Hmm..."tinignan niya ako ng maigi kaya napa tulo ang pawis ko




Di ko na nakaya ang tense kaya nag salita nalang ako "May costume party kasi inimbita ako ni Brent dun...ah...eh... ayun... nag Alucard ako..."




"...Di ba sabi mo may sasabihin ka? Ano yun?"pag change ko ng topic


"Ay... oo nga pala..." pumnta sa harap ng tv si Justin habang ako umupo sa couch habang sila Patrick napa tigil sa pag-aaway

"May good news ako guys!"masayang pagkasabi ni Justin




"Ako na ang bagong leader ng group natin"sambat ni Patrick kaya tinitigan ko siya ng masama sa takot naman ng gago napa lunok ng laway sabay awkward smile



Perfect Choice[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon