Chapter 36 Mall

84 17 0
                                    

LIZA'S POV

WEDNESDAY

Ang sarap-sarap ng tulog ko.... hay... pero kailangan ko nang bumangon

Minulat ko na ang mga mata ko at ang una kong nakita ay yung mukha ni kamatayan

"Good Morning aso!!!"sabi nung kalansay

"Good morning kamatayan..."teka... teka... KAMATAYAN!!? "Wahhhhh!!!!" Sumigaw ako at napa talon sa kama


"Hahaha!!!" Tumawa yung kalanasay tapos lumapit sakin habang ako umaatras

"Please! Wag! Bata pa ako! May pangarap pa ako tutuparin... may aso pa akong aalagaan"pag mamaka-awa ko

"Sumama kana sakin" nakita ko siyang may hawak na kutsilyo

"Nnooooooo!!!"sigaw ko, napapikit ako sa takot at hinintay ko nalang yung kutsilyo na sak-sakin sakin pero bakit wala akong naramdamang kutsilyo?

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at sa nakita ko ay uminit ang ulo ko



"Gago ka! Halos mamatay na ako sa takot!"sabay hampas ko sa kanya habang siya nag e-enjoy na tumawa

"Hahaha!!! And that's how you start your day"sabi niya

"Pano? Sa papamagitan na pagpatay sakin sa kaba?" Sabay batok ko sa kanya

"Aray! Ikaw kasi tulog mantika! Tinry kitang gisingin pero di umipekto, sinigawan na kita, niyugyog, lahat na pero ayaw mong gumising eh... kaya naisip kong takutin ka para magising ka na" sabay haplos niya sa kung saan ko siya hinampas




"Baka nga nauna mo na akong patayin sa takot kaysa sa gisingin mo ako"sabay irap ko sa kanya

"Sayang nga eh... gusto sana kitang i-video pero may hawak akong kut—"

"Serioso ka? Kutsilyo? Eh... kung na aksidente mo akong masaksa—"di ko natapos kasi tinakpan niya ang bibig ko

"Shh... this is not real" sabay sak-sak niya sa kamay niya "it's fake" sabay tangal niya sa kamay niya


"Uuuhh... Kahit pa! Bahala ka na nga diyan" sabay punta ko sa CR sa kwarto niya, narinig ko naman siyang tumawa mukhang nag enjoy talaga siya -___-




Humarap ako sa salamin at grabe ang buhok ko ang gulo,may muta pa ako. Grabe nakakahiya, alam kong nakita na niya ang mukha kong bagong gising pero ito ang pinaka worst akalain mong sa pag gising mo ay tatakutin ka?

Natapos na akong mag ayos ng mukha at lumabas na ako, nung lumabas ako di ko nakita si Bryle mukhang lumabas na siya sa kwarto kaya lumabas na rjn ako at buti nalang medyo kabisado ko na ang condo kaya ika-1 lang ako nawala ;)

Pumunta ako sa living room na nanood ng cartoons pero mukhang bihis na bihis siya

"Saan ka pupunta?" Tanong ko

"You mean saan TAYO pupunta"sabay tayo niya

"Ok... Saan TAYO pupunta?"diniin ko talaga ang TAYO

"Pupunta tayo sa mall, bibili tayo ng mga damit mo" ano? Ang dami kong damit sa bahay ba't pa niya ako bibilihan?

"Bakit pa? Ang dami kong damit sa bahay,kumuha na lang tayo ng damit dun" sabi ko

"Hindi pwede baka pauwiin ka na ng papa mo pumayag ang mama mo pero ewan ko sa papa mo" ah.. ganun pala... si mama ang tinawagan niya para pumayag siya... so.. baka may chance na ayaw ni papa... Aish.... baka pag uwi ko neto papagalitan ako

Perfect Choice[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon