Chapter 2 : I'll Help You

781 20 4
                                    

Xeira's POV

Many hours have passed at uuwi na ako . Its 4:20 sa watch ko medyo maaga pa , mag chill muna ako sa tambayan ko . Pumunta ako sa locker ko at inilagay ang mga gamit ko . Pagkatapos ay pumunta ako sa School Garden . Ang ganda talaga ng mga kahoy dito at mga bulaklak . Marerelax tuloy ako rito . Hinanap ko ang bench na palagi kong inuupuan . Aha! Nahanap ko na! Lalapit palang ako ay meron akong nakitang isang lalake . Tiningnan ko sya ng maayos . Si Nathan?! Bakit sya nandito? Tambay din sya dito katulad ko? Lumapit ako sa kanya at nagtanong .

" nathan? " sabi ko . Nagulat ata sya sa tanong ko . Hehe para siyang bata kapag nagulat . Nahulog din sya sa sahig . Ahahahahaha!!!

" Wah! *nahulog sa sahig* aray! Ouch! Xei naman! Ginulat mo naman ako! " naiinis nyang sabi .

" ah ganun ba? Akala ko kasi nakita mo ako kaya nagtanong lang ako " tapos tumawa ako . Haha para siyang bata kapag naiinis

" ??? Anong nakakatawa?? " pagtatakang tanong niya . Psh really? How stupid . 

" natawa lang ako sa gulat mong mukha at sa pagkahulog mo sa sahig!! Hahahahahahaha!!!! " pang-aasar kong sabi tapos tumawa ako ng malakas .

" ah ganun ha? " lumapit sya sa akin tapos lumapit ang mukha nya sa mukha ko . What the heck is he doing?!

" wait . Ano ang gagawin mo?! Hoy!? " sabi ko . Lumapit ng lumapit ang mukha nya sa mukha ko tapos tapos . . . Hinalikan nya ako . . . Wahh!! Bakit??? First kiss ko yon ah!!! Binasag nya ang paghalik nya sa akin tapos nagsalita sya .

" kung aasarin mo ako ng sobra hahalikan talaga kita ng mahaba ulit , tandaan mo yan " sambit nya . What the heck?? For real??

" Huy! First kiss ko yun! Bakit mo ba inagaw! " naiinis kong sabi . Tumawa lang sya at bumalik sa bench para umupo . Psh abnormal talaga ng lalakeng to .

" so bakit ka pala nandito xei? " tanong nya . Bakit nagmamay-ari ba sya ng School Garden? Kung makasalita parang nagmamay-ari ng property .

" tambayan ko rin to ha! Bakit? Nagmamay-ari kaba ng garden na ito ha?! " naiinis kong sabi . Ayan! Nasabi ko na!

" umupo ka " sambit nya . Wow sino sya para utusan ako? Ano ako? Alagang aso nya? Psh nooo wayy!

" For your information , hindi mo ako aso kaya wag mo akong utusan " pagtataray ko . There! Big Word!

" umupo na! " naiinis na sabi nya . Psh naiinis pa sya . Yan tuloy sumunod nalang ako sa hiling nya .

" oo na uupo na ako! Psh! " sabi ko . Tuwing aasarin ako ni Nathan ay naisip ko si  . . . Kyle . Hays ang hirap talaga ng life . Teka? Bakit ko ba sya iniisip?

" may problema ba? " tanong nya . Nag nod lang ako . " ano naman ang problema mo? " tanong na naman nya . Psh bakit tanong lang sya ng tanong? Tss .

" Eh bakit ba gusto mong malaman?! " sabi ko .

" tinulungan ka pa nga ng tao hindi mo pa naman gusto "  pang-aasar nya . Aba may gana pa siyang mang-asar ng taong wala sa mood . Sinamaan ko lang siya ng tingin at tinaas pa niya ang mga kamay niya as a sign na nagsurrender sya . Psh echos .

" sigi sasabihin ko na " sabi ko . " hindi pa kasi ako naka move on ni Kyle at gusto ko na isang araw may taong tutulungan ako na makapag move on sa taong mahal ko " serioso kong sabi .

" I'll help you " masayang sabi ni Nathan . Wow masaya pa siya noh . Para siyang bata na binilihan ng chocolates .

" eh bakit naman? " pang-aasar  ko . This is going to be fun .

" bakit hindi mo gusto? " malungkot na sabi niya . Hays! Sigi na nga! Kalerky!

" sigi na nga " sabi ko . Ngumiti lang sya . Wow nag iba lang bigla ang mood , kanina malungkot ngayon masaya . Ano to magic? Nag roll eyes lang ako .

" but merong kapalit " sambit nya . What? Ano naman ang kapalit nya?

" huh? Ano naman? " nagtataka kong tanong .

" Maging girlfriend kita pagkatapos sa pagkalimut mo kay Kyle , ano deal? " tanong nya . What?! Is he f**king serious? Well do i have a choice?

" deal " sambit ko . I dont care kung maging kami ni Nathan basta ang importante para sa akin ay makalimutan ko na si . . . Kyle . Tiningnan ko ang relo ko . 5 : 50 na pala , kaylangan konang umuwi . " uhm nathan kailangan ko nang umuwi kasi baka hinahanap na ako ni mom at dad ngayon " sambit ko . Yeah magbabasa pa ako ng Wattpad at manood ng anime .

ihatid na kita " sambit nya . Whaa?? For real bato? Or nanaginip lang ako ? Well ayaw ko naman magpasundo at ayaw ko din mag taxi . So i think sasakay nalang ako kay Nathan kasi wala talaga akong choice . Nag nod lang ako sa kanya tapos umalis kami sa garden at pumunta kami sa parking lot .

Hinatid ako ni Nathan sa bahay namin . Bumaba ako sa motor nya at nagsalita . " salamat pala sa paghatid mo sa akin nathan " sambit ko . Psh bakit pa pala ako nagpasalamat sa echos na to?

" wala lang yun tska masanay kana kasi araw-araw ko na yan gagawin " sambit nya sabay kidhat . Wahhh!! Kalerky!!! Echos naman ng lalakeng to!!

" Psh! Sira! Umuwi ka na nga! Echos mo! " naiinis ko namang sabi ko . Tss .

" sigi good night " sambit nya .

" good night din " sambit ko tapos umalis sya habang nakangiti . Pumasok nalang ako sa bahay . Pagpasok ko sa bahay ay nasalubong ko si mom at dad at si xia . Nakaupo lang silang dalawa habang nanood ng tv kasama si xia . Bumati ako sa kanila at kay xia at umakyat sa itaas . Pagakyat ko naman sa itaas ay nasalubong ko naman si kuya . Nakangiti lang sya sa akin . Weird?? Bakit nakangiti sya?? Aish! Aba ewan ko!! Pero hindi ko rin iwasang mag tanong .

" why are you smiling like that? " mataray kong sabi . Yeah its so weird?

" nothing " sabi nya pero nakagiti parin . Hoo... ang weird talaga ...

" psh i know that smile , dont lie to me kuya " sabi ko habang nakaitaas ang isang kilay ko . I know youre hiding something .

" ok fine , i saw you and nathan outside " sambit nya pero nakangiti parin . Psh abnormal talaga

" and? What's wrong if you see me and nathan outside? " sambit ko habang nakataas parin ang kilay . Yeah really . What's really wrong with  that?

" nothing . I was just happy " nakangiti nyang sabi . For what?

" for what? " sambit ko . Im about to discover the mighty answer .

" Im just happy that you and nathan are finally together " mas lalong lumapad ang ngiti nya . Lumaki ang mga mata ko . What?! Me?? And Nathan?? Together?!? What the f**king hell?? Naiinis na ako .

" kuya me and nathan are not together! He is just only giving me a ride home! " naiinis kong sabi .

" oh really? " pang-aasar nya . What the hell! Mang-aasar pa talaga sya ah .

" yes! " naiinis kong sabi . " tss! Mabuti pa magnihis muna ako! " sabi ko at umalis ako . Wala naman akong narinig na ingay galing kay kuya kaya wala lang din ako . Pumunta ako sa room ko at nagbihis . Bumaba ako para kumain . Naghapunan kaming lahat . Narealized ko na bakit ang tahimik nila? Diba maingay sila tuwing hapunan? Ang weird talaga but anyways peaceful din . Pagkatapos kong kumain ay dumeretso ako sa kwarto ko at nagbabasa ng wattpad habang nakikinig sa music . Nagbabasa ako ngayon ng Destined by @blue_maiden . Kinikilig ako ni Kean kasi ang sweet nya kay Keila . Ang swerte talaga ni Keila kay Kean , meant to be talaga sila . Hays pag-ibig talaga . Kailan mo pa ako bibigyan ng lalakeng katulad ni Kean?? At mga ilang minuto ay nakatulog na ako .

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - Author's Note :
Hi po guys :) Meron pong bagong character sa susunod na chapter . Ang next chapter po ay tungkol kay Nathan . Hope po guys na magustuhan nyo ang story ko . Sigi enjoy! :)

Ms. Bitter Princess meets Mr. Romantic PrinceWhere stories live. Discover now