Chapter II

136 4 1
                                    

Helena Pov

Kasalukuyan akong nasa garden at dinidiligan ang aking mga pananim, mga bulaklak, mga halamang gamot. Bata palang ako ay mahilig na akong magtanim kasabay ko non ang aking ina na masayang masaya. Hanggang ngayon di ko parin makalimutan ang nangyari sa kanya😢😢😢.

Pagkatapos ng nga ginawa ko ay dumeretso agad ako sa sala at nakita ko ang kapatid kong hambog na nanonood ng tv. Nilapitan ko ito at tumabi sa kaniya.

"Bro nasan si ate?" tanong ko rito.

"Nasa kwarto niya" sabi niya ng walang lingunan. Napabuntong hininga naman ako, kahit kailan talaga napakatamad niya tulog ng tulog. Tumayo na ako at pumunta sa kusina para magluto. Pagkatapos kung magluto ay pinuntahan ko ang mga kapatid ko isa-isa para sabihan sila na kakain na. Una kong pinuntahan ay ang kuya vincent ko na kasalukuyang naglalaro ng basketball sa bakuran namin. Pati c john na adik sa tv at pinuntahan ko narin si ate.

Tok! Tok! Tok!

"Ate gising na. Kakain na tayo. Tanghali na oh!!". Inis na sigaw ko sakanya.

"Sige, bababa na ako" sabi niya.

Bumaba na ako at nandoon na sila, sayang kami lang magkakapatid ang nandito. Wala na si mama pati si papa ay wala rin. 😢😢😢. Hanggang sa kumpleto na kami sa hapagkainan at kumain hanggang sa nagsalita si kuya.

"Pupunta ako kina aldren, may lakad kami" kuya

"At saan na naman kayo pupunta?" usisang sabi ni ate. Kahit kailan talaga lage na lang silang magbabangayan.

"Secret na yun. " nakangising sabi ni kuya.

"Hay! Alam ko na bisyo mo. Sabong na naman yan". Sabi ni ate.

"Alam mo naman pla basta wag mo nlang sabihin kay papa ah! Pagnanalo ako bibigyan ko kayo ng pasalubong ko. Haha!". Kuya. Kahit di kami kumpletong pamilya masaya parin ako kasi may mga kapatid akong may sira sa ulo. Hahaha!.

"Ok deal. Basta ang salita mo ay wag mong kalimutan"ate.

"Ok ba" kuya. At natapos na kaming kumain ay si ate na ang nagligpit at dumeretso nalang ako sa sofa at manood ng paborito kung cartoon movie ang Tom and Jerry. Tawa ako ng tawa hanggang sa nakinood na rin si bunso at sabay kami kung tumawa dahil sa mga katangahan ni tom.

Beep! Beep! Beep!

Sa kalagitnaan ng aming panonood ay tumunog ang aking cellphone. Tinignan ko ito at may nagmessage sa akin sa messenger sa di inaasahan ay ang crush ko ang nagmessage. Di na mapigilan ang mapangiti na parang tanga sabay kiligin.

Omg! Nagmessage sya himala, alam kung magpaparamdam lang sya pagmay kailangan sya sa akin pero binalewala ko nalang. Kahit sa ganon ay matulungan ko man lang sya kahit iba ang tingin niya sa akin. Tsk!.

Lorence: len, kumusta?

Ako: k lang.

Sya: grabe tipid ka ng magreply ngayon ah. Pagod ka siguro.

Ako: di naman, slight lang. Hehehe!

Sya: hahaha. Magpahinga ka nalang dyan. Sa susunod nlang tayo magchat at mangulit sayo.

Ako: sige bye.

Sya: take care. 143😁 bye

Lorence is offline.

Napabuntong hininga nalang ako. Mahirap talaga pag-one sided love. Ikaw lang mag-isang nagmamahal. Si lorence ay classmate ko nong grade 6 transferree ako non at sya ang naging katabi ko. Mabait sya sa lahat, approachable, palangiti at gwapo sya kaya nagustuhan ko sya. At ngayong tumuntong na ako ng highschool ay magkaklase kami at sa kasamaang palad magkatabi na naman. Tsk!. Maraming nagkakagusto sa loko at ni isa ay walang sinagot kaya ako ay ayokong umamin baka ako lang ang masaktan sa huli yari na. Hahaha!. Di ko na tuloy natapos ang pinanood ko kaya napagdesisyunan kung matulog nalang. Nagpaalam ako kay bunso at dumeretso sa kwarto ko. Nahiga agad ako dahil sa pagod at pagkapikit ko lang sa aking mata ay biglang pumapasok sa isip ko ang mukha ni lorence na nakangiti at sa ngiting yun ang dahilan kung bakit ako nahulog sa kanya.

Tsk! Tsk! Tsk!

Natulog nalang ako upang makapagpahinga naman minsan ang aking utak sa kaiisip.

ZzzzzZzzzzzzzzz

My GRUMPY PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon