Chapter I

410 5 1
                                        

Hindi sa lahat ng bagay kaya mong mag-isang harapin ang problema.
Gaano ka man kalakas, may kahinaan parin.
Gaano ka man katapang, minsan naduduwag din.
Gaano man katigas ang puso mo, may kalambutan parin.
Pero di natin maipagkakaila na kailangan natin ng taong nandyan para damayan tayo sa oras na nanghihina na tayo.

Pero ang di inaasahan ay sadyang mapagtagpo ang tadhana na kung saan ang ideal boy na gusto mo ay kabaliktaran ng inaasahan mo.

Ano kaya ang mangyayari sa pagtatagpo ng isang babaeng may bungangang parang megaphone at ng isang lalaking walang pakialam sa mundo?. Ano kaya ang daloy ng kanilang storya?

Tunghayan niyo ang kwento ng isang babaeng naghahangad ng Prince Charming.

Sa........

MY GRUMPY PRINCE

************

Ivy Pov

RING! RING! RING!

Nagising ako sa tunog ng aking cellphone. Kay aga-aga nambubulabog kulang na kulang pa naman ang tulog ko kagabi sa kadahilanang nanonood pa ng anime movie sa youtube. Tinignan ko ang caller at si Jarra, ang pinsan ko at sinagot ko naman

"Goodmorning insan! " masiglang bati ng aking insan. Sa tuwing magsasalita siya ay naiirita ako sa boses niya na napakatinis na di ko maexplain. Pero love na love ko parin.

"Oh? Napatawag ka? " galit kunyaring sagot ko sa kanya.

"Grabe ka couz!! Ang sungit mo talaga kahit kailan. Inborn symptom mo na yata iyan" alam kong nakanguso na sya sa pagsabi niyon. Natatawa ako sa reaksyon niya napakachildish.

"Ganito na talaga ako. Since birth pa. Hahahaha! " ako.

"Couz next week na pasukan. Sabay tayong bumili ng school supplies para makapaggala din tayo. Hahaha!! " sya.

"Ay! Oo nga no? Di ko napansin na malapit na pala ang pasukan". Ano ba yan!!! Nakakainis!!! Tinatamad pa naman ako.. Huhuhu!!! " ako.

"Kahit kailan ka talaga napakatamad mo. Sige na couz don't forget ha?. See you. Love you. Bye bye" sya.

"Ok bye" yun lang at pinatay ko na. Napahiga ulit ako sa kama at napaisip dahil di ko talaga namalayan na pasukan na pala next week. Nakakaimbyerna!!.

Tok! Tok! Tok!

" Ate gising na at kakain na tayo" si helena, ang pangatlo sa aming magkakapatid at ako naman ang pangalawa.

"Sige bababa na ako." tumayo na ako saka pumunta sa banyo at naghilamos at bumaba na rin.
Kumpleto na sila at ako nalang ang hinihintay. Pagkaupo ko ay nagsimula na kaming kumain. Pagnasa hapag kainan na kami ay tahimik lang kami kung kumain. Hanggang sa natapos at niligpit ko naman ang pinagkainan namin.

Pumunta lang ako sa sala at nanood lang ng anime dahil wala naman akong magawa. At nakita ko si papa na pababa at bihis na bihis, ready na pumasok sa trabaho. Pagkababa niya ay tumayo ako at ginawaran sya ng halik sa pisngi.

"Pa ingat ka sa trabaho." ako

"Sige anak, bantayan mo ang mga kapatid mo at baka kung saan na naman sila makakasuot". Papa

"Sige pa" tumango tango kung sagot sakanya at tuluyan ng lumabas.

Si papa ay isang sales agent sa isang kilalang company kung tawaging J.C Company. Di ko alam kung ano ang meaning basta yan lang ang alam ko.
Napagdesisyunan kung lumabas at pumunta sa isang tindahan at bumili ng cobra. Dahil bawal ang softdrinks kaya hindi na nag-atubili na bumili si papa sa tuwing maggrocery kami. Dahil matigas ang ulo ko bumili parin ako pero minsan nga lang. Hanggang sa natatanaw ko naman ang aking bunsong kapatid na lalaki na nakipagrambulan sa kapwa nya. Kahit kailan talaga napakabasagulero, di na ako magtataka dahil araw-araw di mawawalan ng kaaway yan. Bukod sa masungit at hambog sya ay di niya inuurungan ang makakaway niya kahit bata o matanda. Kaya pagkami lang ang nasa bahay parang sasabog na ang aming bahay dahil sa kaguluhan namin. Nilapitan ko sila at di nila ako napansin.

"Walang hiya ka talaga john! Napakahambog mo akala mo kung sino! " galit na sabi ng kaaway ni john. John ang pangalan ng aking kapatid. Di na maipagkakaila kasi napakahambog talaga niya.

"Oh? Ano ba kasi ang pinuputok ng butchi mo at sinugod mo ako? " galit rin ng pagkasabi ng kapatid ko.

"Dahil lang naman sa pinaiyak mo ang kapatid ko! " sabi nito

"Ano naman ang ginawa ko sa kaniya, aber? " nagtataka at naiinis na pagkasabi ni bunso.

"Ewan di ko alam! Basta umiiyak siya at sinasabi ang pangalan mo kaya dumeretso na ako dito! " singhal nito

"Aba malay ko! King inang yan! " sabi ni bunso at tumalikod na at nagkatinginan kami at ang loko ngumisi pa.

"Tss" sabi ko. At binalingan ko ng tingin ang kaaway na at saka nilapitan.

"Boy sensya na sa ugali ng kapatid ko. Hambog talaga yun. Hehe!! Sige uwi ka na. Sorry ulit" sabi ko sakanya at sumunod naman ito sa sinabi ko at sumunod sa kapatid ko hanggang sa makauwi na kami.

Nakita ko ang kapatid ko na naupo agad sa sofa at nanood. Tumabi ako sa kanya at saka sya tinanong.

"Ano na naman ang gulong iyon? " tanong ko sa kanya at nakita ko syang nangunot ang noo.

"Di ko alam. Malay ko ba sa kapatid nya baka isa sya sa mga babaeng binusted ko? " sabi nya ng walang lingunan at tutok lang sa tv.

"Kahit kailan hambog mo talaga! Akala mo kung sinong gwapo! King inang yan! "

"Masanay kana ate. Inborn na kasi ang kagwapohan ko. Hahaha!! " aniya.

"Tss". Naiinis ako sa di ko malaman na dahilan. Di ko na natiis ang kayabangaan niya kaya tumayo na ako at pumunta nalang sa kwarto ko at natulog ng matiwasay.

Zzzzzzzzzzzzzzzzzz

My GRUMPY PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon