Chapter V

74 2 0
                                    

Zen Pov

"Where have you been, son?" daddy asked me without looking at me dahil nakatuon lang ang kaniyang paningin sa dyaryo. Pagkapasok ko pa lang tanong agad bumungad sa akin. Tsk!

"Mall" tipid kong sagot sa kanya lalo na't pagod ako kakalakad at kakagala. At dahil ilang araw din akong nagkulong sa bahay simula ng lumipat kami dito sa maynila galing America. Kung gagala man ako ay gugustuhin kong mag-isang lumabas.

"Im going to my room dad, goodnight." sabi ko sa kanya at humalik sa pisngi niya. Di ako close sa dati ko mas malapit ako sa mommy ko pero hiwalay na sila dahil aa kadahilanang hindi na daw nila mahal ang isa't isa.
Kaya ayaw sa relasyon na iyan eh. Problema lang sa buhay yan at sakit ang idudulot sayo. Kaya yan din ang dahilan kung bakit nagkahiwalay ang magulang ko. Tss!.

Pumunta na ako sa kwarto at pagpasok ko pa lang ay dumeretso ako sa veranda at nagpahangin. At isinantabi ko muna ang sakit at lungkot na aking nararamdaman sa tuwing naalala ang karanasan ng aking pamilya. Napabuntong hininga na lamang ako at tumungo sa kama at nahiga. At naalala ko na naman ang mukha ng babaeng nakabangga ko kanina at gusto ko talagang tumawa sa oras na iyon dahil sa expression ng mukha niya habang nag-uusok ang ilong na akala mo si kingkong yung gorilla at natulala pa nung pagkakita niya akin dahil di niya inaasahan na ganito kagwapo ang makakaharap niya. Napangiti ako dahil doon.

Hoy! Zen anong nakain mo at ngingiti ngiti ka dyan?. Di ka naman ganito ah!.

Napabalikwas ako sa pagtayo dahil sa naisip ko at sinampal ng sinampal ko ang mukha ko na parang baliw dahil basta basta nalang kung ngingiti. Sanay sila sa akin na masungit dahil kung tutuusin ay masungit talaga ako sa ibang tao pwera nalang sa parents ko. At sumagi na naman ang mukha ng babaeng iyon, maganda siya, maputi, at hindi sya yung tipo ng babae na maarte kundi simple lang kung magsuot ng damit. At ang nakakainis nakita ko na naman sya sa mall.

FLASHBACK

Pagkapasok ko palang sa SM mall.

"Omo friend! Ang gwapo niya"

"Hindi lang gwapo bes! Ang hot niya pa mukhang artista! "

"Maswerte ang magiging gf nyan"

"Ang cute ni kuya. Hingin natin ang number niya friend"

"He's so handsome or should i say God of Beauty! "

Mga nakakarinding boses ang naririnig ko. Mahirap talaga maging gwapo habulin masyado. Hahaha!. Tinalikuran ko nalang sila dahil sakit lang sila sa ulo ko. Tsk!. At saktong pagtalikod ko ay ang pagpasok naman ng babaeng nakabangga ko kanina at may kasama syang magaganda at elegante kung titignan. Sinundan ko sila sa kung saan-saan sila mapadpad at hanggang sa pumasok sila sa World of Fun?. Tago dito tago doon dahil ayaw kung may makakita sa akin lalo na yung babaeng unggoy na iyon. Pasimple lang akong naglakad. At naisip ko bakit ko nga ba sinundan ang gorillang ito?. Tss! Bahala na. Hanggang sa pumasok ang magkakaibigan sa karaoke room habang ako nandito sa gilid nakasandal sa glass wall at sa gilid ko naman ay may mga bata na naglalaro na sakay sa kabayo. At pagkalabas nila ay dumako sila sa games at hanga din ako sa galing ni gorilla sa paglalaro dahil sya ang may maraming ticket na naipon at sinundon ko sila na nagtungo sa may cashier at binigay ang ticket sabay kuha sa premyo nila. Tumakbo sila patungo sa may sayawan na kung saan ito ay ang Just Dance Machine at naghulog ng maraming token saka nagsimulang sumayaw at ganon na lamang ang pagkamangha ko dahil ang galing sumayaw ni gorilla at sa kaniya lang talaga natuon ang atensyon ko. Marami ding nanood sa kanila at meron ding panay sigaw ng mga lalaki. Tss! Hinintay ko pa talaga silang matapos sumayaw at pagkatapos nila ay may maraming nagpapicture. Kunsabagay magaling din sila. No doubt. At dahil sa tapos na ay umalis agad ako doon.

My GRUMPY PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon