"Oh? Kumusta ang buhay ng may boylet ruth? " nakakaintriga kung tanong sa kaniya pano ba naman hindi inaalis ang ang paningin niya sa laptop na parang may sariling mundo. Nakakatampo lang parang wala kaming pinagsamahan palibhasa nagkaboylet lang parang itinakwil na kami. Hmp!!!
"Super duper saya. Nakakakilig kaya araw-araw blooming" sabi niya ng hindi kami nilingon at nagbablush pa. Nak ng amputs!. Mahirap talaga pagnagkaboylet ka na minsan mawawalan ka na ng time sa mga kaibigan mo. Pero naiintindihan ko naman yun, di ko naman hawak ang kanilang mundo kaya ok lang.
"Kunsabagay ikaw ba naman biyayaan ng boylet na swak na swak. Hahaha!! " aniya ni ruffa na natatawa kaya natawa rin kaming dalawa ni ruth. At nakita ko syang nagpaalam na sa kaniyang nobyo at ini-off ang lappy. At humarap sa amin at nagsimula na kaming magchikahan.
"Kung gusto niyo rin na magkaboylet sagutin niyo na ang mga nanliligaw sainyo pwera nalang sa ISA Dyan na akala mo kung sinong maganda pero maganda naman wala pang sinasagot" sabi ni ruth at alam kung nagpaparinig naman ang Inday na ito sa akin.
Tsk!"Pano ba naman mapili eh, gusto niya ganito-ganiyan. Etseburetche na di ko maintindihan kung ano talaga ang tipo nito. Babae ka ba talaga bess? O bakla? ". Sabi ni ruffa na may di maipaliwanag na expression sa mukha. At natawa naman si ruth sa akto ni ruffa kaya nainis ako.
"Excuse me? For both information wala pang nagtangkang manligaw sa akin. Tingin ko kahit isa walang magkakainteres sa akin at sa ngayon hanggang crush lang muna saka na yang relasyon na iyan" sabi ko sa kanila pano ba naman kasi silang dalawa may boylet na at ako lang ang WALA!. Hehe!
"Ano ka ba naman masaya kaya at nakakainspire. Inspire sa lahat ng bagay kaya gaganahan ka talaga lalo na sa pag-aaral. At wag ka, nandyan naman si Aaron ah! Palagi mo ngang nakakasama lalo na sa school. Gwapo na matalino pa at syempre class president natin at Top 1? Hahanap ka pa ba? Tingin ko may gusto yun sayo" sabi ruffa na may nakakalokong ngiti.
"Tss!. Hindi no, syempre magkaibigan lang kami non wala ng malisya. Pano ba naman kasi secretary niya ako kaya mau time ba nagkakasama kami. Mabuting tao lang talaga sya. At yang relasyon din yan parang chewing gum lang yan bes sweet sa umpisa hanggang sa mawalan ng lasa. Oo nakakainpire nga pero sa simula lang din at parang product lang yan bes may expiration din". Sabi ko sa kanila para maliwanagan kung ano ang meron samin ni aaron at sa kung ano ang maidulot ng relasyon na iyan.
"Ampalaya ka ba bes? Napakabitter mo. Tss! Pero alam mo besh, bet ko si Aaron. Maganda ka, Gwapo siya. Matalino ka, Matalino rin sya. Top 1 sya, Top 3 ka. Tingin ko nga para kayong biscuit na Combi, perfect combination. Ayiehh!" sabi ni ruth habang tinutusok niya ang tagiliran ko.
"Tss. Bahala kayo ang lawak ng inyong imahinasyon. Manood nalang tayo ng movie." sabi ko sa kanila na para matapos na ang usapan. At gaya ng sinabi ko pumili sila ng movie na horror pa talaga at nauwi sa kasisigaw at napapatili pa kawawa naman ang eardrums ko baka maging bingi ako nito. Tss! Pagtapos ng movie ay kinain namin ang dala kong pan cake at juice. Hanggang sa unang nagsalita si ruth.
"Oy! Sorry talaga bes. Nawalan ako ng time pero don't worry mahal ko pa rin kayo. Babawi ako sa ngayon kung kayat punta nalang tayo sa SM para makapagwindow shopping. Hahaha!". Suggestion niya na nakangiti pa at pumalakpak.
"Sige ba. Pero ito lang ang suot ko ayoko ng umuwi at magpalit. Nakakapagod kayang maglakad" nakanguso kung sabi pano ba naman kasi nakapedal short ako na hanggang tuhod at nakablack-shirt. Tingin ko astig eh kaya naman minsan napagkamalan akong tomboy kung manamit. Bahala na kung ano ang isipin ng ibang tao basta ganito na talaga ako walang pakialaman ng buhay ng may buhay. Hehehe!
"Ok lang yan bes, hindi ka naman nagmukhang animal, tao ka parin naman" sabi ni ruth na natatawa habang tinignan ang kabuuan ko. Palibhasa mga fashionista bahala sila. Hmmmp!!

BINABASA MO ANG
My GRUMPY Prince
Historia CortaIt's all about a girl who wanted to experience the feeling to have someone there for her, someone who stay beside her, someone will love her until the end. Mahahanap kaya niya ang PRINSIPE ng buhay niya? What if mahanap niya na? Pano kung ang ideal...