Ng matapos ang botohan the echos ay saktong break time din namin. Hindi ko na inaya pa si Aaron dahil busy sya lalo na at sya pa naman Class Pres namin. Tinext ko ang mga bespren ko para malaman kung saang lupalop sila napadpad at nasa bench sla ngayon. Pumunta nako roon at nakipagchikahan.
"Anong section niyo pala bes? "
"4-2 kami section Obedience. Sayang napahiwalay ka pa samin bes, at alam mo bang karamihan sa kaklase natin noon ay kaklase namin ngayon kaya no need na ang mag-adjust."
"Oo nga halata nga sa inyong dalawa na ok na ok kayo samantalang ako kailangan mag-adjust. Pano ba naman kasi andaming transferees pero nagpapasalamat parin ako dahil di ako nag-iisa may kasama ako si Aaron. Hehe"
"Palibhasa kasi mga matatalino. Wala na tuloy kaming source of answers. Tss!"
"Hahaha! This time magsipag na talaga kayo para di maiwan. Pero kung kailangan niyo ng tulong, just call my name and I'll be there. Hahaha!" saka kami nagtawanan na para bang kami lang yung tao sa paligid ng dahil sa sobrang saya lalo na kapag magkakasama kami.
"Balita ko may super gwapo daw na transferee sa section niyo bes?. Halos buong campus alam na alam eh! "
"Tsk! Sya lang naman yung lalaking nakabunggunan ko noon kaya natapon yung pancakes na gawa ko nung papunta sainyo. Oo nga gwapo sya hambog naman. Tss! " imbes na happy mood ko nawala tuloy ng mabanggit si sungit. Peste!
"Omo! Seryoso? Ano name niya bes? "
"Zen ata? Basta! Wala akong pake"
"Ayieh! Tadhana na yan bes! Yan din yung way na magkakatuluyan ang dalawang tao na magkaaway sa umpisa tapos magiging lovers sa huli!. Ayieh! Kinikilig ako!"
"Kilabutan nga kayo sa mga sinasabi niyo. As if naman na totoo yan. Wag niyo ng mabanggit ang taong yan kumukulo dugo ko. Tss! At saka Wala akong interes para dyan. Sakit sa ulo lang yan. Trust me! " sabi ko sa kanila at sakto lang sa obedience na section sila dahil mukhang masunurin. Hahaha! Hanggang sa natapos ang break time ay naudlot ang aming chikahan saka dumeretso sa kaniya-kaniyang room.
***
Pagpasok ko palang sa room ay nagkakagulo na ang mga girls at panay pakilala nila kay sungit. At si sungit naman ay walang pakialam hanggang sa nagulat nalang ako ng tumingin sya sa gawi ko ng walang kabuhay buhay. Umiwas nalang ako ng tingin saka deretso sa silya ko. Bwesit!
"Hey sweetie! Hang out with me after class. My treat"
"No he's coming with me after this! "
Nag-aaway na at akala ko agcat fight sila pero hanggang salitaan lang. As if naman na papayag si sungit!. Kita niyo na ngang walang interes sainyo panay dada parin. Nakakainis na!.
"Baby date me after class" malanding pagkasabi ni alliah sabay upo mismo sa table ni sungit. At laking gulat ko na lamang dahil sa pinapakitang galit sa mukha ni sungit na nagpipigil din sa inis dahil sa mga babaeng ito. At ang mga babae naman ay natakot kay pati si alliah ay napaayos ng tayo't nanginginig. Tumayo si sungit at binulungan si alliah.
"Go to hell! " bulong niya kay alliah at ang mga babaeng nakarinig ay naisipagpuntahan sa kani-kanilang upuan. Gusto kong humalakhak sa mga epic faces nila at hindi nga ako nagkakamali ay napahalakhak ng mahina at maririnig lang ng katabi mo. At sa hindi inaasahan ng paglingon ko sa gilid ay nakatingin pla si sungit sa akin na magkasalubong ang kilay.
"Yan ang hirap sayo ang maging gwapo" sabi ko sa kaniya at nagulat ako ng ngumisi sya.
"Inborn" gulat akong muli sa kaniya dahil akala ko magagalit sya pero hindi. Umiwas nalang ako ng tingin at nagsound trip nalang. Ayokong tignan si sungit, NAKAKADISTRACT ang beauty niya.hahaha! Kahit may teacher ay wala itong pakialam dahil may ginagawa siya hanggang sa matapos ang oras. Tinignan ko naman si sungit pero wala na sya sa silya niya. At ang iba pa ni ng kaklase ay nagsipag-uwian na.
Wala kaming halos ginawa sa maghapon kaya maaga kaming pinauwi dahil sa ngayon ay marami pang aasikasuhin ang mga guro.
"Ivy sabay na tayong lumabas"
"Ah! Ok pero ok lang din ba sayo Aaron na hintayin muna natin ang mga bespren ko? " sabi ko kaniya.
"Ok sige tara"
Kaya sabay sabay kaming apat na lumabas. Di na iba sa akin si Aaron tutal kaibigan ko naman siya, yun nga lang una ko siyang kaibigang lalaki bukod sa kaniya ay mga kapatid ko lang ang close ko.
"So, Aaron kumusta na pala? "
"Heto gwapo parin"
"Alagaan mo bespren namin ah. Pano ba naman kasi sa sobrang sipag at talino nasa First Section tuloy kawawa namin kami napawalay."
"You dont have to be worried. Nandito ako lage sa tabi niya, hindi ko sya iiwan" sabay kindat sa akin at ang mga luka kong bespren animong kinikilig pa.Tsk!
"Grabe ka tsong! Hugot ah! " sabay suntok ko sa balikat niya. At ang loko nagpacute pa. "Sige na uwi ka na baka mapano ka pa"
"Nak ng!? Sa kisig kong to wala kang tiwala?!. Walang mangyayari sa akin, sila dapat ang matakot sa akin baka bugbog sarado sila pagnatikman nila kamao ko. Haha"
"Oh sige na HAMBOG capslack yan ah! See you soon. Haha! " at nag goodbye fist lang kaming apat hudyat ng paalam.
"Ikaw bes ah! Swerte mo kay Aaron. Ang sweet niyo kahit di kayo. "
"Oo nga bes. Pagnangligaw sayo go lang ng go. Sagutin mo agad! "
"Utol ko yun. Di yan pwedi. Kayo talaga. Tss! "
"Abat! Sayang yun total package na din si Aaron. Swerte mo te! " sabay sundot niya sa tagiliran ko at binigyan ng nakakatuksong tingin. Hanggang sa makasakay kami sa jeep at makauwi ay panay dada lang sila.
Pagpasok ko ay dumeretso lang ako sa kwarto saka gumawa ng assignment. Di na ako nag-atubili pang kumain dahil sa pagod kaya nagpahinga na ako't natulog.
![](https://img.wattpad.com/cover/94161252-288-k590523.jpg)
BINABASA MO ANG
My GRUMPY Prince
NouvellesIt's all about a girl who wanted to experience the feeling to have someone there for her, someone who stay beside her, someone will love her until the end. Mahahanap kaya niya ang PRINSIPE ng buhay niya? What if mahanap niya na? Pano kung ang ideal...