PROLOGUE

1.2K 106 42
                                    

DAHIL SA QUARANTINE....


PROLOGUE

SLAVE TRADE 3



PROLOGUE

Walang interes si Dragon sa mga sinasabi ng Emperador ng Zone 66. Nakatayo ito sa harapan at nagsasalita nang may ngiti sa labi habang nakaupo sila na nagpapasakop dito sa loob nang bulwagan ng pagpupulong. Sa bawat ngiti nito ay nagdudulot iyon nang labis na galit sa kanya. Hindi niya akalain na matatali siya sa pagiging nasa ilalim nito. Pero aminado siyang higit ang kakayahan nito sa kanya.

"Sulli,"

Tumayo ang babaeng nakasuot ng puting bestida. Napagmasdan niya ang abuhing kulay ng buhok nito habang naglalakad patungo sa harapan. Halos lahat ay hinihintay makilala ang babaeng ipinagmamalaki ng Emperador na may kakayahan daw malaman ang magaganap sa hinaharap. Kapansin-pansin na inaalalayan ito nang husto ng dalawang Knight ng Emperador hanggang makarating ito malapit sa Emperador saka lang lumayo ang dalawang Kngiht.

Gumuhit kaagad ang ngiti sa mukha ng babae nang nasa harapan na nila ito. Lahat ay humanga sa kagandahan nito maliban sa kanya. Hindi maganda sa paningin niya ang walang ningning na abuhing mga mata nito. Para itong manyikang de-susi maging sa pagkakatayo.

"Maraming salamat, kamahalan." Ang mga unang salitang lumabas sa kulay rosas na labi nito na tila kaysarap halikan. Maganda ang tinig nito at bagay sa mala-anghel na hitsura nito.

"Si Sulli ang propeta mula sa lahi ng mga lobo, may kakayahan siyang magpagaling ng karamdaman pero hindi iyon ang gagawin niya sa atin. Ang mangyayari lang sa hinaharap ang tungkulin niya sa atin."

Nairita si Dragon nang boses na naman ng Emperador ang pumailanlang.

Kung gano'n siya si Sulli, siya ang dahilan bakit pinili ng mga lahi ng bampira si Neo bilang Emperador.

Ang babae raw na nasa harapan nila ay hindi kailanman nagkamali kaya lahat ng salita niyang binibitiwan ay pinaniniwalaan ng karamihan.

Kalokohan.

Nagulat si Dragon nang bumaling ang paningin nito sa kanya. Mas napagmasdan niya ang hugis pusong mukha nito.

"Sulli, may gusto ka bang sabihin sa kanila?"

Ngumiti si Sulli sa bahagi ng Emperador, dahilan para magkalayo ang paningin nila.

Muli itong bumalik sa harapan pero hindi na para maging katitigan siya.

"Ako si Sulli, mula ako sa lahi ng mga lobo." Panimula nito sa tila-musikang pananalita, "Kung napapansin ninyo ang mga mata ko, at nagtataka sa hitsura nito iyon ay dahil wala akong paningin."

Hindi alam ni Dragon kung bakit may kakaiba siyang naramdaman sa sinabi nito. Awa? Panghihinayang? Pero hindi niya mapangalanan.

"Patawad kung ang kakayahan kong magpagaling ay hindi ko magagamit nang husto sa imperyong ito dahil ang bawat karamdaman na pinagagaling ko ay nagiging karamdaman ko. May mga healer din ang Emperador kaya sa tingin ko ay hindi ko naman iyon po-problemahin."

Marami pang sinabi ang babaeng si Sulli, pero hindi na iyon halos pumasok sa isipan ni Dragon dahil nahulog na siya sa malalim na pag-iisip kung paano ang mala-anghel na dalagang iyon ay nakuha ng Emperador. Kung tingnan din ito ng Emperador ay tila wiling-wili ito at hindi nawawala ang ngiti. Samantalang alam na alam niyang may iba nang gusto ang Emperador. Kawawa ang babaeng iyon kung nagiging kasangkapan ito sa kasakiman ng Emperador.

SLAVE TRADE 3: SULLI THE BLIND HEALERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon