Maraming salamat sa iilan na sumusuporta sa akdang ito. :) Sana patuloy ninyo siyang suportahan sa pamamagitan ng pagboto at pagbibigay komento na makatutulong din sa 'kin. Lovelove--MisaCrayola
K3: PAG-AARI
Chapter 3
WARNING: THIS CHAPTER IS R-18
Nakikita ni Dragon ang pangamba kay Sulli. Pero hindi iyon sapat para itigil niya ang gustong gawin. Ang mainit na palad nitong may bahagyang panginginig na humahawak sa katawan niya pababa ay kusa nang gumagalaw kompara nang ginagabayan niya pa ang mga iyon.
Inabala niya ang sarili sa pag-aalis sa kasuotan ni Sulli. Habang minamasdan niya ang kulay gutas nitong balat, hindi niya maikakaila ang pagkamangha. Isa itong alipin na dapat bigyan nang pinakamataas na ranggo.
Ibinaba niya ang labi sa leeg nito kaya napasinghap ito. Kahit ang amoy nito ay nakababaliw. Mas binubuhay no'n ang pagnanasa niya. Paano niya susundin ang nais nito na maging marahan kung inaalis na kaagad ng mabangong amoy nito ang nalalabing katinuan niya? Dinama niya ang dibdib nito na minsa'y nalilimutan niya ang karahanan.
"Patawad, sinubukan ko pero ikaw mismo ang nagpapawala nang katinuan ko, Sulli." Sinipsip niya ang balat ng leeg nito, siniguro niyang iiwanan niya ito ng marka. Labi't dila niya ang nagsalitan sa leeg nito habang ang mga kamay niya ay dumadama sa dibdib nitong pinagpala.
Umangat ang labi niya sa tainga nito at kinagat niya iyon. Umangat siya pansamantala para masdan si Sulli.
"Lalagnatin ako..." naiiyak na anito.
Nangiti siya. Sa tapang nito, may itinatago talaga itong kainosentehan. At sa isiping iyon mas gusto niyang sanayin ito sa kanya lang. Ibinaba niya ang bestida nito hanggang sa kalahati ng katawan nito. Napalunok pa siya nang mamasdan ang dibdib nito at ang kulay rosas na tuktok na bahagi no'n. Ngayon niya gusto ang ideya na bulag ito. Dahil baka kung hindi, kitang-kita nito ang pagkatalo niya sa tukso pa lamang nito.
Hinalikan niya ang leeg nito at muling bumaba sa balikat nito patungo na sa dibdib nitong naghihintay sa kanya. May mas ititindi pa pala ang taas nang init na pinagsasaluhan nila dahil nang magsimula niyang marinig ang tinig nitong pigil na pigil mapalakas ang pag-ungol ay mas pinaghusay niya ang ginagawa.
Hindi niya hinayaang makawala ito sa gitna nang mainit na tensiyon sa pagitan nila. Pinanatili niya ang taas nang antisipasyon sa mga ungol nito sa pamamagitan ng ekspertong paggalaw ng labi, dila't palad niya.
"Sulli, natatakot akong madurog ka—" ilang babae na bang kasingkatawan nito ang nakasalo niya sa kama? Pero kay Sulli lang niya naramdaman ang pangamba na madurog niya ito sa bigat niya.
Nang tuluyan na niyang naalis ang kasuotan nito, isinunod niya ang huling saplot nito. Ang saplot nitong pilit nitong kinikipkip sa pagkakasara ng binti nito. Napakakinis nito. Sino siya para hindi masilaw sa laman ng kagandahang nasa harapan?
Ipinagpatuloy niya ang paghalik sa bahagi ng tiyan nito pababa hanggang sa ibabaw nang natitira nitong saplot. Pinaghiwalay niya ang mga hita nito at ang kanang bahagi nito ay hinalikan niya. Napahawak ito sa buhok niya at gusto niya ang pakiramdam na wala siyang naririnig na pagtutol dito.
Naroon sa kanya ang pakiramdam na ibibigay niya rito ang nararapat nitong maramdaman na hindi nito naramdaman sa 'Mate' nito. At kung saan man galing ang kompetisyon na nadarama niya para Kay Crescent ay hindi na niya gustong palawigin pa ang pag-iisip.
Ibinaba niya ang huling saplot nito at noon niya naramdaman ang panunuyo ng lalamunan. Isang tunay na Diyosa ng kagandahan ang bulag na propeta ng mga lobo. Hinding-hindi na niya ito ibibigay sa iba. Magiging kanya ito hanggang sa masira ito sa mga palad niya. Kanya na ito at siya ang lalaking magmamarka rito.
![](https://img.wattpad.com/cover/77829247-288-k68600.jpg)
BINABASA MO ANG
SLAVE TRADE 3: SULLI THE BLIND HEALER
Про оборотнейSLAVE TRADE 3 SULLI x DRAGON All rights reserved 2016 Image from Google