K1: Bulag

326 27 13
                                    

Reminder:

Ang SLAVE TRADE ay TRILOGY na. Ang susundin nito ay ang bagong SLAVE TRADE ( Iyong babae ang cover at shorter version )

This Sulli's story ay THIRD BOOK. Iyong second Book ng Slave Trade ay ilalabas ko next month. For now, si Sulli muna tayo. Hindi naman sila mag complicate dahil hindi naman sila gaanong konektado sa isa't isa. 

Also, may mga explicit scenes ang kuwentong ito. Basahin ayon sa inyong kagustuhan at lagpasan kung inyong nanaisin. Thank you. --Misa_Crayola

FB: Jovielyn Rivera ( MisaCrayola )

H'wag kalimutang bumoto at magkomento para sa ikagaganda ng kuwento.


K1: BULAG

Paano ba nasusukat ang kagandahan? Kung may kakulangan ang isang babae, masasabi bang hindi na siya karapat-dapat tawaging isang maganda't perpektong nilikha? Ang kakulangan nang isinilang, kakulangan din ba hanggang kamatayan?

Kung mamasdan si Sulli, ang kagandahan niya'y tunay na nakaaangat sa iba. Ang mahaba't diretsong kulay puti niyang buhok na umaabot sa balakang niya ay kahali-halina. Mamula-mula ang maputi niyang kulay na mas lalong nagpatingkad sa labi niyang tila hinog na mansanas ang kapulahan. May matangos siyang ilong at kapansin-pansin ang malalantik na pilikmata at maayos niyang kilay. Maging ang hubog nang katawan niya't balat na alagang-alaga ay tunay na nagpapakita kung gaano siya inaalagaan bilang prinsesa ng kanilang tribo.

Pero sa t'wing mamasdan siya, ang paghanga minsan ay napalilitan ng pagkaawa o pagkadismaya dahil ang kulay abo na pares ng mga mata niya'y walang ningning. Isinilang siyang wala ang kanyang paningin.

Ayon sa kanyang ina, isinilang siyang espesyal. Ang mga mata niya ang kapalit ng kakayahang ibinigay sa kanya. Ang kakayahang pilit niyang itinatago sa lahat. Ang kakayahan niyang magpagaling ay hindi niya inililihim, ang pilit niyang itinatago ay ang katotohanan na kapag may sakunang darating na magkakaroon nang malaking dagok ay nakikita niya. Nakakatawang isipin na ang isang bulag na katulad niya'y nakakakita ng pangitain samantalang isinilang siyang hindi alam kung ano ang itsura ng daigdig. Madalas, makikita niya ang pangyayari sa panaginip niya na para siyang may paningin. Pero pagkagising niya, kung ano ang itsura nang daigdig sa kanyang panaginip, wala siyang kahit na anong maalala maliban sa mga salitang tila kinabisado ng kanyang sistema para maging babala.

"Magiging babae ni Master Dragon ang bulag na 'yan?"

Bulag siya at hindi bingi. Dinig na dinig niya ang tila dismayadong boses ng isang babae.

"Anong mapapala niya sa bulag na 'yan? Kakapa-kapa sa dilim?"

Nagtawanan ang tatlong bilang ng babae. Ang bilang ng mga ito ay binatay niya lang sa iba-ibang boses na naririnig niya.

"Ano-ano pang itinatayo ninyong tatlo diyan?!" Mabagsik ang boses nang isang mas matandang babae.

Naramdaman niya ang paglapit ng mga ito sa bahagi niya. Hindi siya nagpakita nang pagkatuliro at nanatiling nakaupo sa paanan ng kama kung saan siya hinatid ng isang lalaking Heneral na nagngangalang Damian.

"Maraming magagandang babae, bakit ito pang bulag ang pinili ni Master Dragon?"

"Oo nga, Mada'am! Maganda nga siya pero alipin na siya at nanggaling na sa kulungan ng mabababang uri." Tila diring-diri pa ito.

"Tumigil kayo, kahit pa isa siyang alipin isa na siyang babae ni Master Dragon!" galit na bulyaw ng tinatawag na Mada'am.

Sabay humingi ng pasensiya ang tatlong babae.

SLAVE TRADE 3: SULLI THE BLIND HEALERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon