Epilogue - High School

167 6 6
                                    

by: SMK:D

PAUNAWA: Hindi ko na po nilagay ang mga surnames ng involve na tao para sa kanilang privacy. Ang mga pangalan, lugar at pinangyarihan nito ay may permiso kung saan hango sa tunay na buhay ni Nicky Ann Rio.

Malungkot na malungkot ang pakiramdam ko ngayon.

Graduation day na at sa totoo lang totoo na ang high school life ang isa sa pinakamasayang araw ng pag-aaral.

Sino ba naman ang hindi?

Dito ang first time ko na magka crush,

mainlove,

at magka kuya.

Buong buhay ko wala akong tinatawag na kuya, paano bukod sa wala akong kapatid na lalake ang tatay ko pa ang panganay sa magkakapatid.

Bakit ba naman kasi kailangan pa sundin ang kinasanayan noong una na basta mas matanda ang ninuno kahit maliliit na bata kailangan tawagin ng kuya or ate, kaya naman yon dalawa kong nakakatandang pinsan na lalake, ayon, 'ate' ang tawa sa akin.

Sa high school ako natutong makipagkaibigan ng 'wagas' ha ha paano dito ako nagkaroon ng totoong bestfriend si Aiza.

Sige na nga ikukwento ko na yon brief story ng high school life ko.

Noong First year ako sa Kilo-Kilo High sa Marinduque hindi manlang ako kinabahan sa first day. Paano ang mga ate ko madaming kwento. Don din kasi kami nagsimulang maging close ng mga ate ko.

Isa pa kasama ko ang bestfriend since birth ko (si Che) yon pinsan ko, na kasing age ko at laging kasama ko kahit mas madalas magkahiwalay kami ng room since elementary.

At lagi din kaming magka-away tuwing thursday natataon. Ewan ko nga ba kung bakit napipili namin madalas ang araw na yon pero dahil ewan don ha ha ako na din nagso-sorry at ang panuyo ko sa kanya yon peanut na 'expo' ang pangalan.

That time magka-klase talaga kami so ayon hindi maiwansan na ma-challenge kasi naman first time ko siya maging class mate.

Nang mag second year na kami, nagkahiwalay din kami ng section hinati kasi kami sa tatlo. That was one sad part for both of us kasi kahit naman kami nag-aaway love namin ang isa't isa.

Madalas pa nga pumupunta ako sa kanila, gala ang tawag ko pero madalas lang naman ako matulog tapos uwe din. . . sabi nga ng tatay ko:

"Don kapa dumadayo ng pag tulog. Umuwe ka sa bahay don ka matulog."

Kaso walang epek.

Marami siyang naging close sa section niya (I mean si Che) kasi more of her classmate ay classmate din namin ng elementary pa lang kami isa na don si Cheryl na close friend namin.

Apat kasi kami noon (Si Lovely - ang leader namin, si Che, si Cheryl at ako) sa elementary Grade 6.

Naging close ko yon lagi kong kasama non first year kami though I forgot her name kaso tinopak ako (siguro) ayon magisa ako sa terrace ng harap ng room namin ng lapitan ako ni Aiza.

There, our friendship started. From that day on lagi niya ako inaaya tuwing may tatambayan siya. Pinakilala niya sa akin ang mga friends niya. Minsan nga nagtampo na yon isa niyang friend kasi daw ako na lang lagi niyang kasama.

On my second year in high I became President of the class. Nakakatuwa nga ang mga classmate ko kasi sobrang supportive nila.

Meron mga kontra, isa na don si Raphy, galing siya sa first section na na-transfer sa amin. Doon ko din nakilala ang transfer student na sa kakulitan ko masiyado siyang na curious sa family backround ko at siya mismo ang nagsabi na:

Bestfriend ko si KuletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon